Chapter 2: Weird

23.4K 199 0
                                    



Chapter 2: Weird

.

.

.

Tinanggal niya ang sunglasses at nagsorry. Tinanggap ko rin naman agad iyon sabay tinungo ang elevator pero humingi rin ako ng sorry para patas kami. Pagkuway ay nakasakay na ako ng elevator, sabay press ng button sa 15th floor.

Ngayon ko lang naramdaman ang sakit sa noo ko, kinuha ko ang maliit na salamin sa mukha upang tingnan ang noo ko. Hindi naman gano'n kapula ang noo ko pero halatang nauntog ako sa kung saan.



After 10 minutes ay narating ko din ang 15th floor. Medyo late pa ako ngunit ayos lang naman kay Wyte na malate ako ngayon. Pagkarating na pagkarating ay agad na akong inayusan ni Kianna, ang make up artist ko. 

Habang abala sa pag-aayos si Kianna ay napansin ko ang isang babae na hindi pamilyar sa akin ang hitsura. 

"Kianna kilala mo ba 'yon?" tanong ko sabay turo sa babaeng kausap na ngayon ng isa sa mga staff namin.

"Siya ang bago mong P.A." 

Napabuntong hininga na lang ako dahil babae ang maghahandle ng schedule ko.

*Click

*Click

*Click

Hanggang sa nagtanghali at natapos na rin kami pero si Wyte hindi pa rin dumarating pati 'yong maghahandle sa akin which is 'yung photographer.

"SS bukas na lang ulit, pack up na daw tayo tumawag sa akin si Wyte at hindi na raw siya makakarating may emergency meeting with our new model," sambit sa akin ni Kianna habang nalalagay ng gamit sa bag.

Papalitan ba nila ako sa pagmomodel? 'Yan ang katanungan na sumasagi sa aking isipan, napatingin naman sa akin si Kianna.

"SS 'wag kang mag-alala hindi ka papalitan," nakangiti si Kianna ng sambitin niya iyon, nabasa niya siguro ang iniisip ko pero okay na din at least nawala ang pag-aalala ko na baka palitan ako.

Lumabas na kami at tinungo ang elevator. Ako ang unang pumasok sa elevator bago pa si Kianna, napansin ko naman ang kasabay namin na lalaki, siya ang nabunggo ko kanina bago makaakyat sa 15th floor.

Katabi ko siya matapos makapasok ng iba pang staff, medyo masikip ng kaunti dahilan upang magkadikit ang balikat ko sa balikat ng lalaking iyon, napatingin lang siya sa akin at kita ko iyon kahit hindi ako lumingon sa kanya. 

Mahabang minuto ang lumipas at nakababa na rin kami, nauna na sina Kianna dahil babalik pa sila sa studio habang ako naman ay dumiretso muna sa isang cafè hindi para kumain kundi para bilhan si Hanny ng favorite niyang banana cake, every 2nd week of the month ko lang siya binibilhan para naman hindi siya masanay na 'yon palagi ang merienda niya. Malapit lang ang cafè na iyon dito sa Hotel kaya maaari ko na iyong lakarin. Nang makarating ay napansin ko ang mga tao sa labas, dahil siguro lunch break kaya maraming tao.

"Diba ikaw si Sheeria?" tanong sa akin ng babaeng naka eye glasses. Napatango lang ako at binilisan ang lakad baka kung ano pa ang mangyari sa akin mamaya.

"Wait," hinahabol niya ako. Ngunit mabilis naman akong tumakbo papalayo sa kanya, tila ba naging kabayo ako sa mga sandaling iyon ngunit binagalan ko nang makarating sa harap ng cafè. 

Pagkapasok sa cafè ay agad din akong dumiretso sa counter upang bilhin ang banana cake ni Hanny. Pagkatapos makaorder ay agad ko ring binayaran kaya ibinigay na sa akin ng staff. Luminga linga muna ako sa labas ng cafè upang icheck kung nakabuntot pa rin ba sa akin ang babaeng iyon, ng makasiguro ay pasimple akong lumabas at sumakay ng taxi.

Alam ko naman na ang binabayad, sa araw araw ba naman akong nasakay ng taxi hindi ko pa ba masasaulo ang aking pamasahe. Ilang minuto lang ang lumipas at nakarating na rin kami sa bahay, bumaba na ako at dumiretso sa bahay bitbit ang box ng banana cake at siguradong matutuwa si Hanny.

"Bakit maaga ka ngayon?" salubong na tanong sa akin ni Tita. Inilapag ko muna ang aking bag at lumapit kay Hanny.

"Hanny may pasulubong sayo si ate, diba favorite mo ito?" agad na lumapit sa akin si Hanny at niyakap ako.

"Aalis pala kami sa lunes," napatingin ako sa sinabi ni Tita. Lumapit ako sa kanya at iniabot ang pandagdag sa bayarin sa bahay.

"Tita ito po."

"SS alam ko na iniisip mo na kailangan namin iyan, mas mabuti pang idagdag mo na lang sa bayarin mo para naman makaluwag luwag ka na," sambit niya. Tila nakakain yata si Tita ng kung ano dahil biglang bumait.

"Saan po pala kayo pupunta?"

 
"Sa Singapore," agad niyang sagot at syempre magugulat ako dahil ang layo kaya no'n.

"Kailan po ang uwi niyo?" dagdag kong tanong.

"Hindi ko alam e, tatawagan na lang kita kung kailan. Basta babantayan mo ang bahay ha? Sya nga pala doon ko na ipapagamot si Hanny, tinawagan ako noong kababata kong doctor na doon na muna kami," mahabang paliwanag ni Tita. 

So kaya pala? Mas maganda para gumaling na si Hanny at ma-eenjoy na niya ang paglalaro.  Bulong ko sa sarili ko, maya maya pa ay pumunta na ako sa kwarto ko at nagpalit ng damit. Inilagay ko naman ang pera sa maliit na cabinet kung saan ko itinatago ang mga naiipon ko.

RING!

RING!

RING!

Nilingon ko ang cellphone nang marinig ang tunog na iyon, agad ko namang sinagot ang tumatawag.

"SS nasaan ka?" bungad niyang tanong sa kabilang linya.


"Nandito sa bahay bakit?" 

"Wala nangangamusta lang kung nakauwi kana," nagsalubong ang aking kilay sa pagkakasabi niyang iyon.

"Sige bye," magsasalita pa sana ako nang agad niyang ibinaba ang cellphone, hindi ko alam kung pinagtitripan na naman ba ako ni Dea o luka luka lang talaga siya.

Napabuntong hininga na lang ako sa mga sandaling iyon, at muling ipinagpatuloy ang aking ginagawa. Pagkatapos ay napahiga na lamang ako sa kama habang iniisip ang sinabi ni Dea kanina, ang wierd kasi ng mga nangyayari ngayon.

Hayy makapagpahinga na nga lang ang aga ko kasi nagising kanina kaya matutulog muna ako.

Inayos ko na ang aking gamit at nagpahinga.

.

.

.

Laxy's POV

I'm Ryktier Laxary Lopez, 23 years of age anak ako ni Rick at Dilancey Lopez.

Kami ang pamilyang pinagkakautangan ni SS, kanina nakita ko siya sa labas ng Hotel hindi ko alam na maganda pala siya at siya rin 'yung model na tinutukoy ni Zekiell na katrabaho niya. Gusto ko siyang makausap tungkol sa utang nila ngunit nabwelo pa ako kung papaano siya kakausapin. At dahil fully schedule siya ngayon hindi ako makahanap ng oras, kailangan kong malaman kung ano ang pagkatao ni SS. Wala naman kasing nabanggit si Dad tungkol sa Sy family.

Sa ngayon ay nagtatrabaho ako bilang agent, tinanggap ko ang trabahong ito hindi para magkapera o kung anuman dahil ginagawa ko ito para malaman kung papaanong nangyari ang aksidente 4 years ago. Nakapagtataka kasi na tila sinabutahe ang sasakyan ng mga magulang ko, 'yan ang dahilan ko kung bakit ako napasok sa trabahong ito. At si SS, siya ang kailangan ko upang magawa ang planong ito.

Mahuli ko lang ang taong gumawa ng lahat ng iyon, hinding hindi ko papalampasin ang mga ginawa niya. Bulong ko sa aking isipan.

May hinala na kasi ako at may ibang clues dahil sa mga cctv footage na nakunan noong gabing iyon bago pa umalis nina Mommy at Daddy patungo sa Sy family, at ngayon kailangan ko siya.
Sana pumayag siya sa plano ko, madali lang naman ang gagawin niya at katulad lang iyon ng trabaho niya ngayon.

Makapaghanda na nga para bukas baka sakaling makausap ko siya sa planong iyon.









Pay Mo' SS (FAMOUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon