Here's the another UPDATE :)CHAPTER 33: Under Arrest
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Sheekk's POV
Isang nakakatuwang balita ang bumungad sa akin ng dumating si RJ at sabihin sa akin na mayroon ng warrant of arrest ang police officer at ang headquarter para hulihin si Lena Lopez sa salang kidnapping kay Sheeria Sammontah Sy, panibago na namang kasiyahan ang magaganap dito sa aking bahay matapos mangyari ang lahat ng iyon.
"Good news talaga ang ipinarating mo sa akin RJ.""Ako pa, SS alam mo naman na gagawin ko ang lahat masunod ka lamang."
"Hoy RJ, alam mo naman na hindi ikaw ang type ko. Kaya tigilan mo ako sa mga ganyan."
"Anu ka ba SS, hindi rin ikaw ang type ko anu?" nakasimangot na sabi ni RJ.
"Hoy hoy hoy, huwag ka nga diyang sumimangot. Pumapangit ka kaya, hahahaha."
"Sige mang asar ka pa. Baka gusto mong sabihin ko kay Wyte na matagal mo na siyang gusto." napatingin ako ng masama sa kanya ng sabihin niya iyon. Namula ang mukha ko habang nakatingin sa kanya, patuloy na umiinit ang pisngi ko na tila sasabog na sa sobrang init.
"Sinusubukan mo ba ako?" naiinis kong tanong sa kanya.
"Ah hehehe joke lang, ito naman hindi na mabiro hahaha."
"Sige tumawa ka pa, nakakainis." napasimangot ako ng mga sandaling iyon.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Wyte's POV
"Wyte hawakan mo ito." isang papel ang iniabot sa akin ni officer.
"Anung oras ba darating sina Zekiell?" tanong ng isa pang police officer. Nasa loob kami ng office nila habang sina Tita naman ay nasa bahay na ni Lena.
"Officer anu po ba ang gagawin ko?" tanong ko sa isa pang officer.
"Habang ipinapaliwang ito ni Officer Jacob, maghanda ka na para sa iyong pagsalang. Ikaw at si Charee ang magpapaliwanag ng lahat ng ito." iniabot niya sa akin ang mga files at documents sa kasong ito.
"Ipapaliwanag niyo ang bawat ebidensya na meron kayo, specially this footage and recordings. Nasa likod niyo kami para saluhin kayo kung sakaling mablanko kayo sa itatanong ng judge." napabuntong hininga ako ng sabihin iyon ni Officer.
"Si Officer Jacob ang magbibigay tips sayo kung anu pa ang gagawin ninyo." pagkasabi niya ay agad kong binasa ang iniabot niyang files na inimbestigahan namin noong mga nakaraang araw.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Dea's POV
Nag aalala pa rin ako hanggang ngayon kay Leanna matapos ang mga nangyari kahapon, hindi ko siya matitigan sa mata ng ihatid ko siya. Bali noong pinunasan ko siya ng wet tissue kahapon nagising siya bigla at agad na lumabas ng kotse. Hindi na niya ako nilingon pa, kaya hindi ko na lang siya sinundan.
Nandito ako sa office ko na nakaupo sa couch at naghihintay sa wala, habang busy ang mga tauhan ko sa pag aasikaso ng restaurant dahil sa pagdagsa ng mga costumer na halos lahat ay galing sa bakasyon. Habang nakatingin sa baba ng restaurant kung saan nandodoon ang ibang costumer na kumakain ay napansin ko ang laman ng balita.
"Isang warrant of arrest ang inilabas ni Officer Jacob at ng headquarter para kay Lena Lopez, isang sikat at professional photographer. Nasasangkot siya ngayon sa kasong kidnapping na may kinalaman sa pagkawala ng sikat na modelo na si SS. Na hanggang ngayon ay hindi pa nakikita apat na araw na ang nakakalipas. Live po tayo ngayon sa bahay ni Lena upang ipaalam ni Officer Jacob kay Lena na isa siya sa suspek. Marami na rin silang nakalap na ebidensya na mismong si Charee Cantos, Wyte Bautista, Zekiell Gamboa at si Laxy Lopez na anak ng isang sikat na aktor."
Warrant of Arrest, meaning mahahanap na si SS. And malapit na ulit kaming magkita. Na eexcite kong sambit sa aking isipan habang nakatingin sa malaking flat screen na TV na nasa baba.
After kong mapanood iyon ay agad na akong bumaba at sinalubong ang mga costumer na nakangiti. Agad akong lumabas at sumakay ng kotse. Hindi ko alam kung bakit iba ang nararamdaman ko ngayon pero tila may magandang mangyayari ngayon kaya siguro ganito ako kaexcited.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Leanna's POV
Kahit nabalitaan ko na ang paghuli kay Lena na tinuturong suspek sa pagkawala ni SS, wala kahit isang saya ang namumuo sa aking dibdib. Tila kinain na ng kalungkutan ang sayang meron ako noong mga nakalipas na taon, buwan, linggo, araw, oras, minuto at segundo.
Pinatay ko na ang flat screen na TV sa kwarto ko sabay inom ng isang bote ng red wine na kumalat sa aking higaan. Wala akong ibang maisip kundi ang uminom, wala akong pakialam kung matapunan ng wine ang puti kong unan at kumot. At wala din akong pakialam kung hindi pa ako nakakapagsuklay at nakakapaghilamos mula sa aking pagkakagising.
Magdamag kong nilaklak ang mga wine na naipon ko 2 years ago. Ngayon ko lang ito nagalaw kaya nilubos ko ng ubusin at laklakin tutal wala namang kwenta ang buhay ko.
Wala na si mommy, wala naman akong ama, sina Tito na New York ganoon din sina Lolo Leo at Lola Teresa. Kaya wala na akong pakialam kung anuman ang mangyari sa akin.Ding Dong
Ding Dong
Ding Dong
Ding DongMagkakasunod na doorbell ang aking narinig, sinubukan kong hawiin ang kurtina ng kwarto ko at buksan ang binatana, pero dahil sa sobrang kalasingan ko hindi ko na iyon maabot. Nagdodoble kasi ang paningin ko kaya di ko alam kung alin sa dalawa ang hahawakan ko, kung yung kaliwa ba o yung kanan. Hayy di ko alam.
.
.
.Hindi ko na lamang pinansin ang nagdoorbell tutal wala naman ng tumutunog eh. Ipinagpatuloy ko na ang paglaklak sa natitirang dalawang bote ng red wine na galing pa ng New York City kung saan doon nagtatrabaho ang Tito ko bilang isang professional na wine maker. Isa siya sa nagpapadala ng red wine dito sa akin, pero yung iba kong wine na naipon ako mismo ang bumili kasama si Dea noong makatapos kami ng college.
Ang saya saya ko pa noong mga araw na iyon, dahil marami ang magsasabi na magiging isa raw akong matagumpay na CEO ng isang kompanya na pang international. Pero iyon ang akala ko, after several years pala ang mga sabi sabi ay parang kathang isip lamang na kahit kailan hindi na mangyayari. Tama nga ang sabi sa akin ni SS noong nag away kami nung college, ang sabi niya [lahat ng bagay sa mundo ang hindi pangmatagalan o panghabang buhay.] pinag awayan pa namin iyon dahil sa iisang high heels na nabili ni SS. Gustong gusto ko kasi iyon dahil napakaganda, halos lahat pangarap ang ganoong heels pero si SS lang ang nakabili ng ganoon dahil mayaman siya. Ang sabi niya pa sa akin [ hindi ko kailangan ng magaganda o magagarang gamit dahil lahat iyon ay masisira at masisira ang kailangan ko ay ang tunay na kaibigan, kaibigang hindi ako iiwan kahit kailan.]
Talagang tumagos sa aking puso ang mga salitang binitawan niya ng araw na iyon, kaya hindi na ako kailan pa nangarap na bongga ang suot ko or mamahalin. Natutunan ko lahat iyon kay SS. Pero ang isa pang natutunan ko ay ( Makuntento ka sa kung anung meron ka, tanggapin mo kung anu ang kapalaran mo, pero ipaglaban mo at panindigan mo ang bagay na alam mong talagang sayo.) sinabi niya iyon ng lukuhin si Dea ng boyfriend niya at ipinagpalit siya sa isang babaeng may sayad na.
Sa sobrang dami ng advice na sinabi ni SS lahat yun nakatatak at nakasulat sa diary ko. Nagsimula siyang sumikat noong grade school pa lamang dahil sa pagiging palakaibigan niya, magaling siya magbigay ng advice lalo na kapag math ang pinag uusapan. Kahit kailang hindi ko napapansin sa kanya ang mukha ng isang mayabang. Nabansagan pa siyang Great Adviser ng campus dahil sa galing niya mag advice sa iba pero mismong sarili niya hindi niya mabigyan ng magandang advice. Pero simula ng mamatay ang magulang niya hindi na siya nagbibigay advice dahil sa pagkalungkot niya ng mawala ang magulang niya.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Third Person
"You're under arrest Lena Lopez, sa kasong kidnapping kay Sheeria Sammontah Sy. May warrant of arrest kami at may karapatan kaming hulihin ka, iniimbitahan ka namin sa aking office upang ipaliwanag ang lahat ng iyong pagkakasala. May karapatan kang maghanap ng abugado at ipagtanggol ang iyong sarili."
BINABASA MO ANG
Pay Mo' SS (FAMOUS)
Mystery / ThrillerKilalanin si Sheeria Sammontah Sy o mas kilala sa pangalang SS, isang famous model, marikit at mabait na babae. Ngunit mag-isa na siya sa buhay dahil maagang namatay ang magulang niya matapos niyang makagraduate sa kolehiyo. Ang pagiging ulila niya...