This is a boyxboy story, Open for open minded people.
some scene may not be appropriate for the Ages 18 and below so read it at your own risk
(RATEDSPG)
Kilalanin natin si Sam, laking syudad ngunit napagpasyahang manirahan sa probinsya ng Ilocos d...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Bagong simula, Isang bagong yugto ng paglalakaby. Sa bawat daan kaa-kibat nito ang responsibilidad upang hindi malihis ang daan at mapasama.
Kaakibat ng responsibilidad ang pagiging handa! Handa sa lahat ng posibleng kalalabasan o epekto ng napili mong desisyon. SOMETIMES, LIFE IS TOO UNFAIR! Kasi marami pa tayong gustong gawin sa buhay pero dahil nga tao lang tayo, we need to decide, make a choice and stood to those choices we made.
They said that at the end of the road, there is still something for us to do, mga bagong daan na tatahakin mga bagong choices na pagpipilian, then you see yourself crossing a new road, into a new journey and new learning.
Ako si Sam, 19 years old, ang Mister Responsable ng ilocos! Hahaha. Well there's nothing too important about my identity kase katulad lang din naman ako ng ibang tao! Simple lang, mataas ang pangarap at maraming gustong marating sa buhay.
Isang buwan na ang nakalipas simula nung grumaduate ako ng high-school at ngayon ang takdang araw nang pag alis ko patungong maynila para dun mag-aral ng kolehiyo, medyo naging mahaba din ang diskusyon na'to sapagkat hindi pumapayag aking tiyahin na bumukod ako at magsarile,
Hindi naman ako nagalit o nagdamdam dahil hindi daw madali ang mamuhay mag-isa lalo na kung mag-isa ka lang sa maynila. Napamahal na ako sa kanila, sila na ang naging kasama ko sa buhay mula nung mamatay ang aking mga magulang dahil sa isang di inaasahang pangyayari.
Ngunit naging matatag ako sa aking desisyon, ayoko na kasing maging abala pa kila tita, gusto kong matutunan kung paano tumayo sa sarili kong mga paa lalo na't lahat ng ari-arian ng aking mga magulang ay nakapangalan na sa akin, kilangan kong matutunang mamuhay mag-isa at hindi umaasa sa iba, dahil sa ganoong paraan ko lamang mapapangalagaan ang naiwan ng aking mga magulang.
Aking ipina-unawa sa kanila ang aking pasya, at di rin naman nagtagal ay pumayag na'rin sila ngunit hindi sila pumayag na ako lamang mag-isa ang maninirahan sa maynila, kilangan ko daw isama ang aking pinsang si Aaron para hindi daw ako malungkot.
Pumayag naman agad si Aaron sa kundisyon ng kanyang ina kaya't pumayag nadin ako tutal maliban sa pagiging magpinsan ay matalik ko din namang kaibigan si Aaron.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.