Chapter 22. May Alcohol, May BALAK?

430 10 4
                                    

Sam's Pov.

"Uy dung.. San ka nanaman galing?" for the nth time kong tanong kay Aaron. Ako lang ba pero bakit napapadalas na ata itong umagahin ng uwi?

Wala naman akong issue dun kasi alam ko namang kaya niyang protektahan ang sarili niya, nawe-weirduhan lang talaga ako!

Masyado ba siyang busy at halos isang linggo na siyang inuumaga ng uwe?

Nakakapag-init pa ng ulo yung kapag tinatanong ko siya, hindi naman ako sinasagot ng maayos! Ayoko namang maghinala pero....

OKEY naghihinala na talaga ako! Something is really fishy talaga sa lalakeng to ehh..

"Love nakita mo ba yung Green na folder dun sa may estante?" Tanong ni Aaron na bagong paligo.

"Nilagay ko sa kwarto mo sa may study table mo?" sagot ko!

"Thanks Love!" Nagmamadali nitong saad.

Muli kong binalik ang aking atensyon sa aking ginagawa. Abala din kasi ako sa pagrereview ng mga papeles tungkol sa Naiwang yaman ng magulang ko! Hindi ko talaga inakalang ganito kalaki ang kanilang naiwan para sakin! Pero sino ba ako para magreklamo, alam kong ginawa nila ito para din sakin.

Nang matapos kong ireview ang mga documentong hawak ko, nakita ko ang papalabas nang si aaron, mukhang nagmamadali ito!

"Ooohh.. San ka pupunta?" tanong ko rito?

"Jan lang!" Kilan ba ako sasagutin nito ng maayos!

"May lugar bang jan lang?" sabi ko't pinanlakihan siya ng mata.

"Ikaw Aaron ahh! Napapansin ko nang napapadalas ang paglabas mo at pag-uumaga mo ng uwe aahh!" Pangbabatikos ko rito.

"Love naman... A-alam mo n-namang busy ako sa school diba!" pangangatwiran nito.

"Sigurado ka? Ba't nauutal ka?"

"Hindi ako nauutal! Totoo ang sinasabi ko!" sagot nito halatang pigil ang pangungutal nito.

Binigyan ko lamang siya ng mapanurimg tingin. Hindi talaga ako kumbinsido.

Napabuntong hininga nalamang ito!

"Love! Sorry na po. Alam kong hindi ka kumbinsido sa sagot ko! Pero yung lang talaga ang dahilan! Promise hindi ako nambababae!" sabi nito.

"Wala naman akong sinabeng nambababae ka?" Sabi ko! Muli itong nagbuntong hininga.

"Alam ko pero gusto ko lang makasigurado! Ikaw lang talaga promise!" saad niya at kaniya akong niyakap. Nyemas kung di ko lang mahal to ehh..

"Wag ka nang magtampo please!" kaniyang pakiusap at tanging tango na lamang ang naging sagot ko sabay ngiti. Mukha naman itong napanatag.

"Atsaka wala naman akong pupuntahan ngayon! Nagmamadali lang talaga ako kasi hanggang alas tres lang ang laundry shop! Alam mo naman naka community quarantine tayo at wala talaga silang pinalalabas dahil sa Corona virus na yan!" Paliwanag nito sabay turo sa isang bag na naglalaman ng mga labahin.

Speaking of Corona! Kamusta kayo? Sana ay ligtas din kayong lahat lalo na't napaka kritikal ng sitwasyon ngayon dahil sa sakit na yan! Basta sumunod na lamang tayo sa lahat ng bilin ng mga autoridad at wag matigas ang ULO, sapat ng yung nasa baba nalamang ang matigas wag na yung sa Taas! Okey!

"Oo na naniniwala na ako! Mag-iingat ka! Magsuot ka na din ng mask bago lumabas!" bilin ko.

"Opo master!" Magiliw nitong sagot.

Nang makalabas ito, tsaka ko nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga! Ewan ko ba, naniniwala naman ako sa sinabi ni aaron pero sa di ko maipaliwanag na dahilan, hindi ako mapanatag! I don't know it's like something seems not right!

My Lustful Story (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon