Sam's Pov.
"Handa na yung mga dadalhin mo, Sabi rin ni tito malapit na siya!" sabi ko rito habang kasalukuyan kong inaayos ang kanyang mga nakaimpakeng gamit.
"Sigurado ka bang 'di ka sasama love? Pamilya ka din dapat sumama ka!" sabi nito at kanya akong niyakap patalikod.
"Oo naman sigurado ako, Atsaka nakausap ko na sila tita jan! Alam mo naman na hindi ko pwedeng iwanan ang mga gawain ko dito diba?" sabi ko rito.
Alas Otso ng umaga ng makatanggap kami ng tawag mula kay tita susan at sabi nito susunduin daw kami ni tito Ian dahil kasama kami sa mga dadalo sa family reunion na gaganapin na sa isang resort sa laguna.
Tatlong araw ang nasabing reunion kaya't kilangan din mag-empake ng iilang damit. Nais ko mang sumama pero hindi pwede dahil magiging abala din ako sa mga darating na araw at wala ding maiiwan para magbantay sa condo.
Akin naman itong ipinaliwanag kay tita at mukhang naintindihan naman nito ang sitwasyon ko. Thank God! kaso lang ang problema itong si aaron, ayaw sumama kapag di daw ako kasama! Naging makulit man kausap ngunit buti nalang at napilit ko ito kahit ayaw niya atsaka once lang natin makakasalamuha ang mga kamag-anak kaya dapat siyang sumama, yung nga lang iba lang ang kaso sakin!
"Pero mamimiss kita!" malungkot na pahayag nito habang nakanguso! Parang bata.
"Tatlong araw ka lang mawawala! Atsaka pwede naman tayong magtawagan o di kaya mag video call diba?" sabi ko rito at aking hinalikan ang kanyang pisnge.
"Sige na nga! Basta mag-iingat ka rito ah" sabi nito at kanyang hinigpitan ang pagyakap sakin habang mariin nitong hinahalikan ang aking leeg.
"Ikaw din mag-iingat kayo dun" tugon ko at agad na kumalas sa pagkakayakap nito at muling inayos ang kanyang mga bibit-bitin.
"I love you" kanyang sabi habang malawak ang ngiti.
"Yeah! I love Myself too" sabi ko naman habang nagpipigil ng tawa. At nakita ko naman kung paano lumungkot ang kaniyang mukha habang kamot-kamot ang kanyang batok. Hahahah ang cute.
"Hahahaha I love you too" sabi ko at agad na hinalikan ito sa labi na kanya naman ding tinugunan palalim ng palalim ang kanyang mga halik at maya-maya lang nag-umpisa nang bumaba ang labi nito at kanyang nilamutak ang aking leeg.
"Love! Anung oras ba darating sila papa?" kanyang tanong sa pagitan ng kanyang mga halik.
"Sabi nito mamayang mga alas dose ng tanghali ang dating nila dito!" sagot ko naman.
"So pwede pa tayong makaisang round" sabi nito at kayang hinagkan ang aking labi.
Napakasarap nitong huma...... Teka? Bwisit to! Gusto nanamang maka-iskor!
Agad kong pinababa ang aking kamay at walang sinayang na sandali, agad kong kinurot ang kanyang tagiliran dahilan upang matigil ito at mapahiyaw.
"Araaaaay aaraaay! Araaay" daing nito at agad na napahawak sa kanyang tagiliran.
BINABASA MO ANG
My Lustful Story (boyxboy)
Ficción GeneralThis is a boyxboy story, Open for open minded people. some scene may not be appropriate for the Ages 18 and below so read it at your own risk (RATEDSPG) Kilalanin natin si Sam, laking syudad ngunit napagpasyahang manirahan sa probinsya ng Ilocos d...