Chapter 9. Richard

1.2K 22 1
                                    


Sam's Pov.

Naglakad ako pabalik sa aking silid matapos manggaling sa unit ni Keith

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Naglakad ako pabalik sa aking silid matapos manggaling sa unit ni Keith. Naiinis ako sa taong 'yun! Siya kasi 'yung tipong kayang-kayang paglaruan ang nararamdaman ng iba!

Kung hindi mo na mahal ang isang tao, be firm and make them understand your decision! Huwag mo silang paasahin, at lalo nang huwag mong gawing mas malala ang sitwasyon sa pamamagitan ng... ibang bagay! Nakakainis.

Pero bakit nga ba ako affected? Bahala siya sa buhay niya! Ay ewan, kuha ni kuya nyo ang inis ko today.

Kinabukasan, habang nagluluto ako ng almusal, I think mas tamang sabihing tinatamad ako mag-luto ng almusal. Ako lang naman kasi ang kakain atsaka sanay kasi ako ng laging may kasabay kaya nakakawalang gana.

Hays nasa bakasyon pa'din si Aaron. Shet, namimiss ko na siya! Tumawag siya kagabi, sinabing mae-extend pa sila ng tatlo hanggang apat na araw sa Laguna. Mukhang enjoy na enjoy sila sa okasyon kaya nag-decide silang mag-stay pa nang mas matagal. Sinabi ko na lang na okay lang at mag-enjoy sila.

Ibig sabihin, isang linggo akong mag-isa dito. Pwede naman akong sumunod sa kanila, pero hassle. Nakakatamad.

Habang nasa kalagitnaan ako ng pagkain, biglang may kumatok. Ang aga-aga, sino naman kaya ang manggugulo sa tahimik kong umaga?

Pagbukas ko ng pinto, bumulaga ang mukha ng nag-iisang Ronald Perez. May dala siyang pagkain at malawak ang ngiti.

"Uy! Magandang umaga," bati ko sa kanya at agad siyang pinapasok.

"Good morning din, Sam! Sorry kung napaaga ako. Medyo malungkot kumain mag-isa, kaya naisip ko baka pwede tayong mag-agahan together? May dala akong pandesal!" sabi niya habang iniabot ang supot.

"Haha, sure! Anong gusto mong kape?" tanong ko, sabay punta na kami sa lamesa.

Maayos naman ang naging almusal at kahit papano'y hindi ako nabagot dahil meron na akong kausap.

"Bitin 'yung pandesal!" biro ko habang natatawa nang maubos namin lahat ng dala niya.

"Sandali lang!" sabi niya, sabay taas ng suot niyang t-shirt. "Ayan na pandesal! Kainin mo na!"

"Bwisit! Hindi 'yan!" sigaw ko at binato siya ng kutsara. Naiwasan naman niya syempre. 'Anubayan, parang si Aaron lang, lalo ko tuloy siya nami-miss.'

Agad nitong napansin ang biglang kong pananahimik.

"Uy! Okey ka lang?" Tanong ni Ron.

"Aaahh.. Okey lang may naalala lang!" sagot ko habang nagliligpit ng pinagkainan. Buti nalang at hindi narin ito nang-usisa pa.

"Nga pala, p-pwedeng magtanong?" sabi nito.

"Yan na ba yung tanong mo?" pamimilosopo ko rito.

"Eh hindi... Ano... paano kayo nagkakilala ni Keith?" tanong nito.

My Lustful Story (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon