This is a boyxboy story, Open for open minded people.
some scene may not be appropriate for the Ages 18 and below so read it at your own risk
(RATEDSPG)
Kilalanin natin si Sam, laking syudad ngunit napagpasyahang manirahan sa probinsya ng Ilocos d...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Back off, he's mine," pahayag ni Keith, na sa tingin ko ay tuluyan nang napikon.
"What makes you think that he's Yours?" sagot naman ni Ron. At muli itong naglaban ng titigan
Natanga ako sa sinabi ni Keith, anu raw? Kanya? Sino? Ako?
Eeeeeehhhh....
"SANDALEE!!" sigaw ko at agad kumalas sa pagkakahawak ng dalawa. "Teka, magkakilala ba kayo?" tanong ko sa kanila.
"Yes I know him! Kaya wag kang lalapit sa mokong na yan.. he's up to something!" sabi ni Keith at muli nitong sinamaan ng tingin si Ron.
"Oh come on! Look who's talking, if I know kanino kaya sating dalawa 'MAS' dapat na mag-ingat si Sam?" patutsada ni Ron.
"SANDALI NGA! " pigil kong muli sa dalawa
"Ikaw! Wala akong naalalang binenta ko ang sarili ko sayo para pagbawalan mo'ko sa mga kakausapin at kakaibiganin ko, I have my own free will at kakausapin ko ang gusto kong kausapin MALIWANAG!" sabi ko kay Keith na tanging pagtitig lang ng blanko ang naging tugon.
"At ikaw, akala ko ba ayaw mo ng may kaaway?" tanong ko rito.
"W-well, a--ayoko ng maraming kaaway" paliwanag nito habang kamot-kamot ang kaniyang ulo.
Napahilot naman ako sa aking sentido dahil sa inaasal ng dalawang kausap. Sabi na nga ba! Sakit ng ulo lang ang bit-bit nitong mga pasaway na ito.
"Uhmm.. Okey tapusin na natin itong nonsense na pagtatalong ito" pahayag ko "Ron thanks for today at maari ka nang magpahinga" sabi ko rito at akin siyang nginitian
"And you mister! We need to talk" sabi ko at akin itong hinila papasok ng aking unit. Wala naman ako nakuhang violent reaction kay Ron kaya't nagtuloy-tuloy ako sa pahila kay Keith papasok.
Nang maisara ko ang pinto, hindi ko inaasahan ang sumunod na nangyari. Isinandal niya ako sa pinto at marahas na hinalikan.
Ang mga halik niya ngayon ay matindi, parang gutom, tigang, at puno ng pangangailangan.
Bagamat nais kong lumaban, mas malakas ang kanyang pwersa at hindi ko kayang kumilos, kaya't nagpaubaya na muna ako.
Hinayaan ko munang magpatianod siya sa sensasyon ng aming paghahalikan, at nang makakuha ng pagkakataon, buong lakas ko siyang itinulak.
"Ang sabi ko, we need to talk," wika ko, naglakad patungo sa kalapit na upuan. Ngunit bago pa man ako makaupo, mabilis niya akong niyakap mula sa likod at hinalikan sa batok.
"I need you now, Sam!" pahayag ng binata, at muling akong hinalikan. Muli akong nagpumiglas at nagawang itulak ang binata papalayo.
"UPO!" matigas kong utos na sinunod naman niya. Naupo ako sa kabilang silya at napa-buntong hininga.