This is a boyxboy story, Open for open minded people.
some scene may not be appropriate for the Ages 18 and below so read it at your own risk
(RATEDSPG)
Kilalanin natin si Sam, laking syudad ngunit napagpasyahang manirahan sa probinsya ng Ilocos d...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Mabilis natapos ang araw, halos mag-aalas singko narin pala ng hapon ng matapos namin ang mga talakayin tungkol sa yaman ng aking magulang. But in all fairness, masasabi ko na nakakaproud din kahit papano si mama at papa! Pero sa kabilang banda, nakakastress din lalo na't sa akin nila lahat ito iniwan.
May mga naging usapin din tungkol sa mga investment at shares ng mga magulang ko sa iilang mga kumpanya na kilangan ko ding pag-aralan at asikasuhin dahil sa'kin na daw ito.
Over all, naging maayos naman ang lahat at wala namang magiging problema. Kaso wala talaga akong kaide-ideya sa ngayon kung paano ko ito patatakbuhing lahat! Hello high school grad Palang ako! Hindi pa nga ako tapos ng college may ganito na agad akong kargo.
Mabuti na lamang at handa parin akong tulungan ni attorney sa mga bagay na ito.
Nang makapasok ng building, agad kong tinungo ang elevator at pinindot ang numero kung saang palapag ang destinasyon ko.
Pag-kalabas, Agad kong tinungo ang aking unit. Siguro dala na rin ng curiosity ay napatingin ako sa ang kalapit na unit, yung unit ni Keith.
'Tahimik lang ang silid na ito ngayon! Siguro walang tao' sabi nito sa sarili habang matiim na nakatitig sa Tapat nito, 'Siguro, hindi na rin nito natandaan ang nangyare! Mabuti na yon!' sabi ko sa sarili at muling nagtungo sa aking unit.
Pagpasok, agad na bumungad sa'kin ang isang napaka tahimik na silid.
'Teka asan si Aaron? Ang sabi nito wala siyang lakad ngayong hapon aah?' hayaan na baka may biglaang lakad ang loko.
Kaya't upang maglipas oras, akin na munang nilinis ang buong unit at pagkatapos nagluto na din ng hapunan para pag-dating ni mokong may nakahanda nang pagkain sa hapag.
Alas siyete na nang gabi ngunit wala padin ang si aaron. Weird! Usually hindi ito nagpapagabi kaya't nakakapagtaka, pilit na inaalis ko ang pag-aalala sa'king isipan at sinubukan itong tawagan. Nakakatatlong beses na akong tumatawag ngunit tila wala itong balak na sagutin.
Nakailang text at tawag na ako dito at halos pasado alas dyes na ngunit ni-isa ay hindi niya sinagot, kahit ang magreply ay di rin nito ginawa.
'Saan bang lupalop nagsususuot ang gagong yun' sabi ko sa king isipang
'bakit ba ako nag-aalala?' sabi kong muli.
'Eh kase baka mapahamak siya! At ayaw mo siyang MAPAHAMAK!' sabi naman ng aking isip.
'Shet!' impit na mura ko sa aking sarili, totoo sobra na talaga akong nagaalala, san na ba kasi itong si kumag?
Oh baka naman dahil ito sa nangyari kanina? Ay ewan! Bahala siya, ke-umuwi siya o hinde.
Natigil ako sa aking pag-iisip ng may kumatok sa pintuan, agad ko namang itong tinungo upang pag-buksan ang kumatok.