Chapter 4: Blues Clues

4K 225 84
                                    

Dalawang buwan na ang nakalipas . . . o tatlo? Hindi ko alam.

Simula noong gabing 'yon, naging magkatext na kami ni May. Hindi nga lang kami nagkikita dahil sa ibang school siya nag-aaral.

Kami ni April, katulad ng dati, sabay umuwi.

Madami siyang kinukuwento, tungkol kay Red minsan. Minsan, nagtatanong din ako tungkol kay May, kung may nasasabi ba siya. Noong una sinasagot lang niya 'yong mga tanong ko. Hanggang sa isang araw, naiba ang lahat.

"Ano," tanong ko, "may nasasabi ba siya?"

"Ilang buwan na kayo magkatext, wala ka pa rin bang clue na gusto ka niya?" sagot ni April.

"E baka niloloko mo lang ako."

"E di fine. Niloloko kita. Siguro nga mas magandang gano'n na lang."

"Abril naman e!"

"Ay, alam mo ba . . ."

"Ano?"

"Si Red . . ."

"Hula ko, sinabi na niyang gusto ka niya?"

"Oo. Though alam ko."

"Yabang. Ikaw na talaga," komento ko.

"E totoo naman."

"Sinagot mo na?"

Natahimik siya tapos binunot niya 'yong cellphone. "Nag-text ulit," sabi niya bigla.

"Di mo naman sinagot 'yong tanong ko."

"Alam mo naman kung gaano ka-importante 'to, di ba?"

Nagulat ako sa sinabi niya.

Parang unang beses ko ata narinig na nagseryoso siya sa ganyang tono kapag tinatanong kung sinagot na ba niya 'yong nanliligaw o nagkakagusto sa kanya.

"Aba," sabi ko, "nagseseryoso ka na."

"Ewan ko sa 'yo."

"Kailangan ba talaga umabot sa pang dalawapu't isa para magseryoso ka sa lalaki?"

"Ang sama mo!"

"Sinasabi ko lang 'yong totoo."

"Kumukuha ka na ngayon ng linya ko ah."

"Gano'n talaga."

"Ewan ko ba," sabi ni April. "At least, matatapos na 'yong kabaliwan ko."

"So kapag sinagot mo na si Red . . . e di siya na?"

"Para namang hindi mo alam ang possibility."

Napabuntonghininga ako. Hindi ko alam, pero parang ayoko siya payagan.

"Puwede bang iba na lang?" bigla kong tanong. "Wag si Red."

"Bakit? Magkaaway ba kayo or something?"

"Bad vibes ako sa kanya e."

"Lahat naman bad vibes sa 'yo e," sagot niya.

"E basta. Ako na lang maghahanap para sa 'yo."

Napangiti si April.

"Ikee! Nagseselos ang talong!" tukso niya.

"Oy!" depensa ko naman. "Sinong nagsabing nagseselos ako?"

"Sus. Nagseselos ka e."

"Hindi nga. Concerned lang ako sa 'yo. Para kasing si Red 'yong tipo ng lalaking madaling magsawa. Ewan ko ba."

"Boy instincts?"

"Siguro."

"Wow, astig."

"Astig talaga."

The 22nd of AprilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon