Kabanata 1

13 3 0
                                    

ANG mag'relax at mag'aliw lang ang gustong gawin ni Fern Lanjoa ngayong weekend.

Ang mag Sun Bathing sa tabi ng pool habang umiinom ng malamig na Juice para alisin ang lahat ng stress niya sa buhay.

Stress sa school at sobrang stress na stress siya ka'katanong sa sarili niya kung Bakit siya single.

So Bakit nga ba Single ang ating bida? Maganda daw siya at mayaman tapos mabango, pero Wala talaga siyang Jowa.

Kung tutuusin ay sobrang simple lang problema lang talaga ang pagiging single pero bini'Big deal niya.

"Mam Pirn!!!!!"

At higit sa lahat stress siya sa katulong/kasambahay niya walang ibang ginawa kundi bwesitin ang buhay niya.

Marahas na tinanggal ni Firn este Fern ang suot na sun glasses at binigyan ng naka'mamatay na tingin ang katulong na si Inday.

Matagal na niya ito gustong lunurin sa swimming pool dahil sobrang imbyerna siya sa bisayang pananalita nito.

"Bakit ba?!"

"ihh mam Pirn" Hirit pa ni Inday na parang linta na nagpapabebe.

Lalo naman nainis si Fern sa bruhang katulong kaya ibinato niya rito ang hawak niyang Sun Glasses.

Pero imbes na umiwas ay sinalo pa ni Inday iyon at binelatan pa ang amo.

"Aken na lang tu mam"

"Letse ka talaga Inday, Lumayas ka nga sa harapan ko!" Sigaw ni Fern habang nanlalaki ang mga mata dahil sa inis.

Napakamot naman sa ulo si Inday.
"Mam Pirn may sasabehen nga aku" Sabi pa nito.

Napairap si Fern dahil sa pang eechos ng katulong.

Pa'cute pa ang hype mukha naman pusit. Isip isip niya.

"Ano ba yon? pag walang kakwenta kwenta iyon sasabihin mo talagang sasamain ka sakin." nakahalukipkip na sabi ni Fern.

Parang kiti kiti naman na hindi mapakali si Inday "Hihihi-" bungisngis pa nito "-Hihi pababasa ku sana sayu mam Pirn yung tixt ng boyprend ku"

At sa pangalawang pagkakataon inirapan ni Fern ang katulong.
"And so? I don't care" pabalang na sabi niya pa.

Tila nag alburuto naman si Inday.
"Ipal ka talaga mam, porkit Wala kang Juwa" hirit pa nito.

Napatid naman ang pasensya ni Fern talagang kumukulo ang dugo niya sa taong nang aasar sa kaniya na Wala siyang Jowa.

Inisang hakbang ni Fern ang distansiya nila ng katulong.
"Ako pa epal hah? Lintik ka" asar niyang sabi bago itulak si Inday sa swimming pool.

Parang butiki naman na kumakawag sa tubig si Inday.
"Mam Hilp! hilp" sabi pa nito.

Naparolyo ang mga mata ni Fern.
"Malunod ka diyan lintik ka" asar na sabi niya at nagmartsa papasok sa loob ng bahay.






"LORD isa lang naman ang hinihiling ko, hindi ako humihingi ng marami isa lang talaga, isang BOYFRIEND lang Lord" nakapikit na pag darasal ni Brae Cinglecia na parang humihingi lang ng kendi.

Nakagawian na yata niyang tumambay sa simbahan 3 times aweek. Tambay talaga dahil wala siyang ibang ginawa sa simbahan kundi humiling ng pauli ulit sa parehong dahilan.

Simula ng mag edad siya ng Bente tres na Single pa rin kinareer na niya ang pagiging maka Diyos.

Pero ang kaibahan nga lang ngayong araw, sa isang chapel siya ng Hospital dahil Unders Construction ang simbahan na walking distance lang sa bahay niya.

Hindi niya maiwasan na sisihin ang bagyong sumira at sumalanta ng simbahan dahil gumastos pa siya ng pamasahe na bente pesos.

Walang kaalam alam si Brae na may iba pang tao sa Chapel at ang masaklap pa si Inday ang kasama niya, ang Bisayang katulong ng kaibigan niyang si Fern.

"Pangenuun sana kunen niyu na se Mam Pirn para wala ng mang aape saken" pagdarasal pa ng katulong

Napadilat si Brae at takang napaisip kung saan niya narinig ang boses na iyon.

"Tsk ang sama naman nun, dapat bang humiling para mawala ang isang tao" naiiling na bulong pa ni Brae.

Dala na rin ng kuryusidad dahan dahan siyang lumingon sa pinang galingan ng boses, automatic naman na umasim ang hilatsa ng mukha niya ng makita si Inday.

"Ano kaya ginagawa ng bida bidahan na katulong Fern dito?" Bulong niya sa sarili niya.

Imbyerna talaga sila kay Inday

Marahan siyang tumayo at dahan dahan tinungo ang pintuan.

Pero sa kasamaang palad nakita siya ni Inday.
"Mam Berey?" tanong pa ni Inday

Dededmahin na sana niya ang pag tawag nito pero nakalapit agad sa kaniya si Inday.

"Mam Berey ekaw nga"

Napairap si Brae bago harapin si Inday.

"Oh Inday nandito ka pala" kunwaring gulat na sabi pa niya.

"Uu mam Berey nandeto aku, anu genagawa mo detu mam?" paguusisa pa ni Inday

"Nag zuzumba ako, gusto mo sumali?" pamimilosopo ni Brae.

Binigyan naman siya ni Inday ng WEH-HINDI-NGA look.

"Lah balew ka mam, ihh dasalan kaya detu" sagot ni Inday.

"Alam mo pala tapos magtatanong ka pa" nakataas ang isang kilan na sabi ni Brae "ikaw ano ginagawa mo dito? " dagdag pa niya.

"Penagdadasal ku na sana kunen na ne Lord se mam Pirn, lage na lang kase aku enaapi tapus kanena nelunod aku" sagot ni Inday na siyang kinalaglag ng panga ni Brae dahil talagang unulit pa nito ang dasal nito kanina.

Ibang klase hindi ba siya natatakot na magsumbong ako kay Fern na hinihiling na siyang mawala ng impakta niyang katulong.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 13, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bakit tayo Single? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon