CHAPTER 1 (The history)

67 5 0
                                    

"Dracula is here! Invading our territory!" sigaw nang kapapasok lamang na kawal sa harapan ni King Dramon at Queen Sarpeona. Napatayo sila ng tuwid at napatingin sa dalawang sanggol na hawak na ng kanilang katiwala.

"Oh no! This can't be! What are we going to do?! My children!" umiiyak na saad ni Queen Sarpeona. Agad naman itong inalo ng Hari at niyakap. "Don't worry, honey. We can survive this. Everything will be fine."

"Get ready! Prepare the soldiers!" ma-otoridad na utos ni King Dramon sa lahat, kaya naman sila ay nagsihanda para sa digmaang nagaganap.

At doon ay nagsimula na nga ang labanan. Nagkitang muli ang magkapatid na si Dracula at Dramon.

"Well, well, well, how are you, my dear twin?" nakangising tanong ni Dracula kay Dramon habang napapalibutan na ng iba't ibang elemento ng kapangyarihan.

"You should stop this, Dracula!" galit na ustos dito ni Dramon na lalo lamang ikinangisi ng kakambal. "Why would I? This is cool brother, isn't it? Bwahahaha!" Nababaliw nitong saad na ikina-kuyom ng kamao ni Dramon.

"Tell me, what do you want?" Mahinahong tanong ni Dramon na mababahiran pa rin ng galit. "Your life." seryosong sagot dito ni Dracula, na kanyang ikinagulat. Bakit gusto siya patayin ng kakambal nito?

"Give me your powers, Dramon. I want your powers." muli nitong saad. Hindi na ito nakapagtataka sapagkat matagal na niyang minimithi ang iba't ibang elemento ng kakambal.

Samantala, habang nag-uusap ang magkapatid ay itinakas ni Queen Sarpeona ang anak nitong babae at iniwan sa mundo ng mga mortal. Ang kambal naman nitong lalake ay isinama niya sa tunay niyang mundo.

Natalo ni King Dramon si Dracula ngunit hindi na niya nakita ang mag-ina nito.

Lumipas ang maraming taon ay nagdesisyon si Dramon na matulog na ng mahimbing. Muli lamang siyang gi-gising, kapag nahanap na siya ng nakatakdang tao sa susunod na propesiya.

Walang naka-aalam kung saan ang tunay na mundo ni Queen Sarpeona, at wala ring nakapupunta sa mundo ng mga Dragon, dahil namamatay ang sinumang magtangka na pumasok dito.

..............

"At dito ay nagtatapos ang history natin tungkol sa Dragon na nagngangalang Dramon at sa demonyo nitong kapatid na si Dracula." nakangiting saad ng history teacher namin sa harapan.

Medyo nanghinayang ako dahil bitin siya. "Sis! Ang interesting no'ng alamat na 'yon ano?" nakangiting ani sa akin ni Liezel na ikinatango ko. Totoo naman kasi ang sinasabi niya. Sa lahat ng haka-hakang kwento ni Mrs. Salvador ay iyon lang ang nagustuhan ko.

"What if, totoo 'yon?" tanong niya sa akin na ikinatahimik ko. "Magic doesn't exist." sagot ko na siyang ikinatahimik niya rin at muling nagsalita. "What makes you say so?" tanong niya na ikinairap ko sa ere.

"Because there is no substantial evidence about that magic thingy. At kung meron man, ito yung mga magician na laging may tricks." muli kong sagot dahilan nang pagbatok niya sa akin.

"Ouch! What's that for?!" inis kong asik na ikinataas niya ng kilay. "For your information– pwet mong may lotion?" putol ko sa sasabihin pa lang sana niya.

"Crystalie Gomez!" gigil niyang sigaw na ikinatawa ko. Kahit kailan talaga ay napakapikunin niya. "Whatever, Liezel Lopez. Basta for me, magic doesn't exist. It's just a myth." confident kong saad.

"Bahala ka nga! Basta ako, naniniwala ako sa magic. Meron din akong nabasang article about sa mga nilalang na hindi natin katulad. Naninirahan sila sa ibang dimension kaya hindi natin sila makita. Ang iba naman ay nagpapanggap na parang normal na tao, katulad natin. Who knows, kung isa pala sa mga kaklase natin ay tulad nila? Or, baka isa rin ako sa kanila? Hahahaha!" this time, ako naman ang napataas ng kilay.

"Bakit ba naniniwala kang totoo ang magic?" curious kong tanong. Tumingin siya sa akin at ngumiti. "Dahil magaganda raw ang mga tulad nila. At syempre maganda ako, kaya baka kabilang ako sa kanila." mahangin nitong saad na ikina-iling ko na lamang.

"You're being delusional, Liezel." saad ko na hindi niya pinansin. Sa halip ay tumayo ito at naglakad palabas ng silid. Sinundan ko na lamang dahil alam kong sa cafeteria ang tungo namin.

..............

Nasa loob na ako ng kwarto ko habang pinagmamasdan ko ang aking sarili. Nakauwi nga pala kami ng maaga ngayon dahil absent ang kalbo naming teacher.

Ipinitik ko ang isa kong daliri at sa isang iglap ay bumalik ang dati kong itsura. Mula sa itim na buhok ay naging kulay bahaghari ito. Mula sa caramel na kulay ng mata, ay naging reptile eyes na kulay ginto. At mula sa kayumanggi kong kulay ng balat, ay naging maputi ito.

"Yes, magic doesn't exist, in my dreams." bulong ko sa aking sarili. Napabuntong hininga na lamang ako at humiga nang kama. Kung sana nga lang ay wala akong ganitong klase ng kapangyarihan...

Because having a great power, comes the huge responsibility.

THE BOUNDLESS MASTERYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon