CHAPTER 12 (Someone)

14 5 0
                                    

(Hyuan's POV)

Nasa training room kami ngayon at magpapahinga dahil naka four levels na kami sa pagt-training ng dragons namin. Malaki narin sila ngunit sigurado akong hindi pa ganito ang mismo nilang laki.

"How's Stella anyway?" Tanong ni Elena kay Amelia. Nakita ko naman ang pagbabago nang aura nito. "Ugh! She's still recovering. I'll make sure na magbabayad ang dalawang baguhan na iyon." Nanggagalaiti nitong aniya. Napabuntong hininga na lang ako dahil hanggang ngayo'y galit parin siya.

Hindi naman namin masisisi dahil matalil na magkaibigan ang dalawa. "It's Stella's fault. She started it. Kung hindi naman niya dinala ang kaartehan niya, hindi mangyayari sa kaniya iyon. You know, looks can be deceiving." Sagot naman sa kaniya ni Elena. Tama naman siya. Hindi ko rin naman akalain ganon sila kalakas. I mean, alam namim iyong ng mga prinsipe dahil narin sa nakita namin kung paano nila matalo ang mga kawal ng Temno Kingdom.

Nakita rin namin kung paano nila sugpuin ang mga halimaw sa Detention Room pero hindi parin kami makapaniwala. Mukhang may itinatago ang dalawa at kailangan namin malaman iyon.

"I wonder kung saan sila nagmula." Nag-iisip na saad ni William. "Mortal world, stupid." Saad naman ni Ferrio kaya napangisi ako. Hahahaha basag eh! "I know, man. What I meant was their family." Depensa naman ni William sa sarili. "How about take a research about their ability? Kung anong kapangyarihan ang nakaka-possess nang strength and scream attack abilities." Suggestion naman ni Bosthiano. Bakit nga ba hindi namin naisip iyon?

"Every power has its own abilities. Malalaman natin ang kapangyarihan nila kapag ibinase natin dito." Sabat naman ni Serene. "Ang kailangan lang natin gawin ay magtungo sa east wing nitong academia. Hindi ba't naroroon ang mga libro tungkol sa mga kapangyarihan at histories?" Sabi ko naman na ikinatamgo nila.

"Saka na ninyo isipin 'yan kapag natapos na natin ang ating training." Muli namang saad ni Bosthiano. Nakita ko naman si Crisanta na kumakain na naman ng chocolates kaya agad ko itong nilapitan at inagaw ang kinakain.

"Hyuaaan! Akina 'yan!" Maiyak-iyak na nitong sabi. Napaka-iyakin talaga. Hinaplos ko nang marahan ang ulo niya at ngumiti. "Kanina kapa kain nang kain ng matamis. Gusto mo ba magkasakit ang ipin mo?" Malambing kong saad dito. Hindi naman sasakit ang ngipin namin dahil lang sa matatamis dahil hindi naman kami mga ordinaryong nilalang. Tatakutin ko lang siya kasi wala lang. Ang cute kasi eh.

"Ayaw." Pailing-iling nitong saad habang nakanguso. Ang cute talaga. Kinurot ko ang pisngi niya at pinalapit siya sa akin at saka inakbayan. "Kung ganon, itigil mo muna ang pagkain nito. Tara na't magtraining tayo para makakain na tayo agad ng tanghalian." Sabi ko naman muli na agad niyang sinunod. Nagconcentrate na kami at pumunta sa Yquero.

***************
(Crystal's POV)

Kasalukuyan akong nasa Library sa east wing nitong academia. Dito itinuro nang isang estudyanteng napagtanungan ko ang mga libro about sa histories. Ang mga Class-C naman ay nagt-training na kasama nang mga dragon nila sa TKC. (The Knights Chamber) Si Liezel ay nasa Yquero narin.

Naka-ilang katok na ako ngunit wala paring nagbubukas nang pinto kaya ako na ang nagkusa. Nang makapasok ako ay nagtaka ako dahil sobrang linis ng Library ngunit walang isang tao. Wala bang tagabantay dito? Tsk. Bakit ko nga ba inaalala iyon? Mas maganda nga yung ganon para peaceful.

Nagtungo ako sa pinakadulo dahil may naaninag akong lumiliwanag doon. Nang makalapit ako ay nakita ko ang isang lumang libro na umiilaw. Pagkahawak ko rito ay biglang dumilim ng paligid. Wala na rin ang liwanag na nagmumula sa libro.

Binasa ko ang book cover. Mukhang ito nga ang hinahanap kong libro. Pinitik ko ang isa kong daliri at biglang nawala ang libro. Sa akin na 'yon kung saan man ito. Sa dorm ko na lamang babasahin. Naglibot-libot pa ako at may napansin akong libro na nasa ilalim ng desk.

Agad ko itong kinuha at tinignan ang cover. Tungkol sa mga kapangyarihan. Mukhang kakailanganin ko rin ito. Ganon din ang ginawa ko kaya agad itong naglaho. Palabas na sana ako nang biglang bumukas ang pinto.

"Nandito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap." Sabi nito sa akin at saka umupo sa upuan na malapit sa akin. "Umupo ka sa harapan ko at may pag-uusapan tayo." Seryoso nitong saad kaya sinunod ko na lamang.

***************
(Someone's POV)

"Ano na ang balita sa anak ko?" Tanong niya sa akin. "Nasa Delthoria Fortressa Academia po siya at nag-aaral. Meron pong dual ranking na magaganap ngayong susunod na linggo." Magalang kong saad sa kaniya.

"Pag-igihan mo lang ang pagbabantay. Walang dapat na maka-alam nito kung hindi ay papatayin ko ang iyong pamilya at hindi na muling maibabalik ang dating sa inyo." Seryoso nitong sabi sa akin kaya yumuko ako tanda nang paggalang.

Agad na akong umalis at bumalik sa academia. Kung hindi lang niya hawak ang pamilya ko ay hindi ko talaga gagawin ang magtraydor. Liezel, ikaw lang ang sagot para makalaya ang pamilya ko.

Habang naglalakas sa hallway ay nakasalubong ko si head master at- Crystalie? Siya ang babaing basta na lamang binugbog si Stella. Siya ang matalik na kaibigan ni Liezel.

Bakit kaya sila magkasama? Naglakad ako palapit sa kanila dahil papunta rin sila sa gawi ko. "Hindi ba't dapat at nagt-training ka?" Seryosong turan sa akin ni head master kaya iniyuko ko ang aking ulo at muling humarap sa kaniya. "Nagtungo lamang akong CR. Bakit nga pala magkasama kayo ni Ms. Crystalie?" Tanong ko.

Napatingin naman si head master sa babae, samantala si Crystalie ay deretsong nakatingin sa akin na may malalamig na mata. Bigla akong nakaramdam ng takot dahil sa kaniyang mga titig. "Nakasalubong ko lang siya." Sagot ni head master kaya tumango ako. "Osya, mauuna na ako." Paalam nito sa amin kaya kami na lang ni Crystalie ang natira.

Bigla siyang naglakad at nilagpasan ako. Hindi ako makalingon dahil naramdaman ko ang kaniyang aura nang banggain niya ang aking balikat. "Hindi mo naman kailangan humingi ng tulong sa kahit kaninuman. Dahil matagal ng may tumutulong sa'yo." Sabi nito sa akin at saka tuluyang nawala ang presensya sa aking likuran.

Humarap ako rito at wala na siya. Anong ibig niyang sabihin?

THE BOUNDLESS MASTERYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon