(Liezel's POV)
Dumiretso agad kami rito sa training room ng maaga. Wala pa ang ibang mga sections, kaya kami lang ng mga kaklase ko ang nandirito pa. Ganon pa rin, naka-pila parin sila ng maayos.
"Sa loob ng training room na ito ay merong lalabas na 5 Tore. Sa bawat Tore ay merong 10 Cyclop Monsters. Ang mga cyclops na ito ay mga higante na merong isang mata. Ang bawat isa sa inyo ay papasok sa Tore, para kalabanin ang isang cyclops. Kapag natalo ninyo ang cyclop gamit ang inyong kapangyarihan, ay daraami sila. Mula sa isa, hanggang sa dalawa, tatlo, hanggang sa maging sampo ito. Dito makikita kung hanggang saan ang makakaya ng kapangyarihan ninyo. Nagkakaintindihan ba tayong lahat?" Dahan-dahang tumango ang mga kaklase ko. Ramdam ko ang kanilang takot ngunit kailangan nilang gawin ito. Sa isang labanan, hindi mo alam kung gaano karami ang kanilang makakalaban. Kapag natalo nila ang cyclops, equivalent nito ay 2 persons. Kapag sampo ang natalo ng bawat isa, 20 persons na ang kaya nilang talunin.
"Nagre-resurrect ang mga cyclops. Sa bawat talo mo sa kanila, ay muli silang mabubuhay at magiging dalawa. 10 lamang ang limit nila, kaya hindi kayo dapat mag-alala. Kailangan, matalo niyo ang 10 cyclops sa loob ng 10 minutes!" Seryosong sabi ni Crystal na ikinagulat ko kaya lumapit agad ako sa kaniya.
"Bessy, ang iba sa mga kaklase natin ay hindi pa kayang ilabas ang kanilang kapangyarihan. Ang iba naman ay hindi pa kontrolado. Tapos 10 minutes? Hindi ba dapat i-train muna natin sila kung paano nila ito gagamitin at kokontrolin nang maayos?" suggestion ko sa kaniya.
"Nope. Ito ang training nila. Dito nila mailalabas ang kanilang kapangyarihan. Dito rin nila mako-kontrol ito ng maayos. Ang isang minuto sa labas ay katumbas nang isang oras sa loob ng Tore. Kaya ang bawat isa sa kanila ay may sampong oras na kakalabanin ang mga cyclops. Kung natalo nila agad ito ng mas maaga sa 10 hours, ay makakalabas na sila." paliwanag nito sa akin. Paano niya nagawa iyon? Ano ba talaga ang kapangyarihan mo Crystal?
"Lahat kayo ay dapat ninyong maipalabas ang inyong kapangyarihan. Kapag hindi niyo ito nagawa, ay mamamatay kayo sa loob at magiging almusal ng mga cyclops. Ang mauuna ay ang team 1. Snow, Levi, Zarine, Alexandra at Carlo, kayo ang mauunang papasok sa bawat Tore at susundan naman ng iba pagkatapos ng sampong minuto." tumango naman sila.
Bago sila pumasok sa bawat Tore ay may sinabi pang muli si Crystal. "Trust yourself. Let your power be with you." napangiti sila sa sinabi ni Bessy at nakangiting pumasok sa bawat Tore.
Nang makapasok sila ay tumingin sa akin si Crystal. "Meron tayong sampong team. Sa bawat team ay may limang tao. Matatapos ang bawat team within 10 minutes. Meaning to say– 1 hour and 40 minutes matatapos ang lahat sa training nila." putol ko sasabihin niya. Tumango siya sa akin at ngumisi. Bakit na naman?
"Tawagin mo ang God of Dark. Magt-training ka kasama siya. Saka ka makakabalik dito, kapag natapos na silang lahat." nakangiti na niyang sabi sa akin.
Damn! Pati ba naman ako? Grrrr! Napabuntong hininga na lang ako at tumango sa kaniya. Bago ako pumunta sa dulo ay nagpaalam muna ako sa mga kaklase ko.
Pumuwesto ako sa dulo ng training room at nag-indian seat. Nag-concentrate ako at sinimulang tawagin si Dark. "Maligayang araw, mahal na prinsesa." minsan nagtataka rin ako kung siya ba talaga ang God of Dark. Baka kasi nagkapalit sila ni Light. Balita ko kasi na masungit daw iyon.
"Maligayang araw rin, Dark. Nais ko sanang i-traning mo ako." nakangiti kong saad sa kaniya. Nandirito na ako sa Yquero. Mundo ng mga Gods and Goddesses. Pero si Dark lang ang nakikita ko rito sa Dark Chamber. Ang ibang mga Gods and Goddesses ay nasa kani-kanilang mga chambers kaya never ko pa silang nakita bukod kay Dark.
BINABASA MO ANG
THE BOUNDLESS MASTERY
FantasySa mundo ng 'Delthoria', iba't ibang uri ng mga nilalang ang naninirahan kasama ang kanilang mga kakayahan at kapangyarihan. Mayroong walong imperyo na kilala sa mundong ito. Una, ang "Svetlina"- hawak nila ang kapangyarihan ng liwanag. Pangalawa, a...