(Liezel's POV)
Maaga ako nagising kaya agad akong nagtungo sa kuwarto ni Bessy. For sure natutulog pa ang babaitang 'yon.
Nang buksan ko ang pinto ng kaniyang kuwarto ay tama nga aking hinala. Wow a? Mas maaga kaya siyang natulog sa akin. Hmp!
Nilapitan ko ito at tinapik. "Bitch! Wake up!" panggi-gising ko rito ngunit parang wala lang sa kaniya. Tulog mantika talaga kahit kailan.
You wanna know kung paano kami nagkakilala? Lemme tell you a story about the gorgeous young lady na nagla-lakuwatsa sa lansangan.
Mayroon mga lalaking nag-iinuman sa kanto noon. Nang makita nila ako ay agad silang lumapit. Balak sana nila akong hawakan nang may bumato sa kanila ng isang Kunai. Alam niyo 'yon? Yung espada. Basta 'yon!
Sa murang edad niya ay marunong na itong makipaglaban. Bata pa lang ngunit masyado ng flexible ang katawan. Ako rin naman, ngunit kakaiba talaga siya. Akala mo lalaking maton kung maka-suntok dahil sa lakas. Wala rin naman kasi akong idea na isa sa abilidad niya ang strength attack. Heller! Akala ko kasi isa lang siyang mortal.
Lumapit siya sa akin at inaya ako sa kanilang tahanan. Hangga't sa natuto akong mamuhay sa mundo ng mga mortal. So yeah, bestfriend na kami simula pa lang noong dugyutin pa ako. Pero huwag kayo! Maganda ako. Take note, ma-gan-da-a-ko!
Napatingin akong muli sa kaniya at tinapik ng malakas ngunit ayaw talaga magising. Hmmmm, ano kaya dapat? Ah-ha! Pumunta akong CR sa loob rin ng kuwarto niya at binuhat ang isang timbang may lamang tubig.
Muli akong lumabas at lumapit sa kaniya habang nakangising pinagmamasdan ang maamo niyang mukha na may itinatagong kademonyohan. Napailing na lang ako sa naisip.
Ibubuhos ko na sana nang.. "Do it or else..," rinig kong usal niya kaya nabitawan ko ang timba kaya nabasa ang suot kong pantulog dahil na rin sa tumalsik ito mismo sa aking kinaroroonan. Pucha naman! Ang lakas naman niya makaramdam! Taena naman o!
"Bessy naman! Gising ka na pala edi sana sinabi mo para hindi na ako nahirapang buhatin ang mabigat na timbang 'to!" reklamo ko sa kaniya na ngayo'y nakadilat na at parang gusto pa akong pagtawanan sa aking itsura na nagmukhang basang sisiw. Oh well, at least maganda parin.
"Lumabas ka na sa kuwarto ko." utos nito sa akin na bahagya pang humikab. Nagteleport na lang ako sa CR ng aking kuwarto at sinimulang maligo.
Pinagmamasdan ko rin ang aking sarili sa salamin ng CR habang nagkukuskos ng katawan. Pumikit ako at sa aking pagdilat ay naging sobrang itim ng aking buhok at naging kulay pula na rin ang aking mga mata. Wow! Ang ganda ko talaga.
Makalipas ang mahigit isang oras ay natapos narin ako at handa nang gumayak. Binalik ko narin sa katamtamang itim ang aking buhok pati narin ang aking mga mata.
Nagteleport akong muli patungong sala dahil alam kong andoon si Crystal. At hindi nga ako nagkakamali. Naka-dekuwatro pa ito habang nagbabasa ng libro. Nerdy lang ganon?
"Tara na bessy! Wuhooo! I'm so excited na para sa next subject natin!" Parang kinikilig kong saad pero balewala lamang ito sa kaniya. Huwaaaaw! Bestfriend ko ba talaga ito? Hmp!
Naglalakad na kami sa hallway at halos lahat ng mga students na nakakakita sa amin ay puro tumitingin. Hindi na ako magtataka dahil maganda talaga ako. "Para kang tanga d'yan." saad sa akin ni Crystal. Hindi naman ako parang tanga ano! Nakangisi lang naman ako habang naglalakad kami. Hehe.
Nang makarating kami sa harapan ng classroom namin ay agad akong kumatok. Ang next subject pala namin ngayon ay Physical Education. Grabe, parang sa mortal world lang.
BINABASA MO ANG
THE BOUNDLESS MASTERY
FantasySa mundo ng 'Delthoria', iba't ibang uri ng mga nilalang ang naninirahan kasama ang kanilang mga kakayahan at kapangyarihan. Mayroong walong imperyo na kilala sa mundong ito. Una, ang "Svetlina"- hawak nila ang kapangyarihan ng liwanag. Pangalawa, a...