CHAPTER 15 (Dual ranking part III)

7 4 2
                                    

(Paulina's POV) *Team 6 of Class-C section*

This can't be...

Tuluyang sumabog ang malaking fire ball na inihagis ni Prince Ferrio kay Crystal. Napuno ng usok ang buong battle ground kaya hindi namin sila makita. Sinenyasan ko naman si Harold na pakalmahin si Liezel sapagkat palakas na ng palakas ang kanyang Aura, baka malaman na siya ang Prinsesa ng Temno Kingdom.

3 minutes passed at unti-unti na ring nagf-fade ang usok. Nang tuluyang mawala ito ay nagtaka kami dahil si Prince Ferrio lang ang nakatayo sa loob ng battle ground. Nagkatingin kaming lahat dahil sa pagtataka.

Si Liezel naman ay patakbong pumunta sa battle ground ngunit hindi siya makapasok dahil nakasarado ito. Ngunit laking gulat namin nang makitang umangat bigla sa ere si Prince Ferrio at biglang nagpakita si Crystal sa harapan nito habang matamang tinitignan si Prince. O em g!

Lahat kami ay napasigaw sa gulat at muling tumahimik nang tumingin sa amin si Crystal. What was that? I can't believe it! Nakita ko naman si Liezel na lumayo sa battle ground at pinagmasdan si Crystal. Paano nangyari 'yon?! She supposedly dead right now! Don't get me wrong, I don't want her die pero that power of Prince Ferrio is undefeatable. How did she do that?

"That is so impossible." Saad ni Sole na ikinatango namin. He's right. "She has an invisible ability..." Mahinang usal naman ni Snow na parang malalim ang iniisip. Muli kaming nagulat nang mabasag ang barrier na pumapalibot sa battle ground.

"What a bunch of weaklings." Malamig na saad ni Crystal. Dinig na dinig na namin ang pag-uusap sa battle ground dahil sa pagkawasak ng barrier. "See? Kung makapagyabang kayo, eh samantalang ganito lang pala ang kaya ninyong lahat. As I said, I won't tolerate that kind of attitude in this academy and never will be. Say farewell to Prince Ferrio, kiddos." Nakangisi na nitong sabi sa aming lahat. Para siyang reyna kung makapagsalita. Sino ka ba talaga, Crystal?

Nahulog si Prince Ferrio sa sahig at biglang lumapit ang katawan nito kay Crystal. Sakal-sakal na ng kanang kamay nito ang leeg ng Prinsipe. "This is fun." Usal ni Blake na narinig naman namin. "What's so fun about it?" Nagtatakang tanong naman ni Jarlego. "You see, ang ganda lang pagmasdan ang pagbagsak ng mga Class-A. Sampal sa mukha nila 'yon, bro, na natalo lang sila ng dalawa lowest class." Mayabang nitong saad na ikinailing na lang namin. Nakita ko pa ang pagbatok sa kanya ni Leanne.

"Watch." Seryosong sabi naman sa amin ni Perry kaya agad kaming tumingin sa baba. Pinagsusuntok ni Crystal ang mukha ni Prince Ferrio gamit ang kaliwang kamay, habang sakal-sakal niya ito gamit ang kanang kamay. Duguan na ang itsura ni Prince at hindi na rin makilala ang itsura nito. Ang mga students naman ay mga na-tuod na sa kanilang kinatatayuhan.

Ang lahat ay hindi makapaniwala, kahit sino naman. Alam kong malakas si Crystal but I didn't expect na ganito siya kalakas. Her power is undefined pa pero I'm pretty sure na siya ang pinakamalakas na magucian na nakilala ko rito sa Delthoria. "We have a poweful trainor." Masayang saad ni Mayumi na ikinangiti ko dahil tama siya.

Nang hindi na gumagalaw si Prince Ferrio ay inihagis ito ni Crystal sa kinatatayuan ng mga royalties. "Is he dead?" Tanong ni Jenny. I shrugged my shoulders dahil hindi ko rin alam. "I guess so.." Sagot naman ni Trisha. Nagsi-iyakan ang mga Prinsesa pati na rin ang mga babae sa Class-A at Class-B sections. Mukhang patay na nga si Prince Ferrio.

"I'm just kidding. I didn't kill him... But soon." Huling narinig namin kay Crystal at tuluyang naglaho sa battle ground.

"The dual ranking is over. You may go back to your dorm. Huwag kayo mag-alala kay Prince Ferrio, dadalhin namin siya sa emergency." Narinig naming sabi ni Ms. Akira. "Anyways, Ms. Crystalie and Ms. Liezel are now officially part of Class-A section. Ang lahat ng Class-C section naman ay ang mga bagong knights ng academia as what Crystal said kay Head Master." Nang sabihin ito ni Ms. Akira ay napatingin sa aming lahat ang ibang sections na gulat na gulat pa rin. "Ms. Crystalie also said that the Class-B section will be the protectors of Class-A section. Bukas na bukas din ay sasanayin na ng mga first batch ng Class-A ang inyong kapangyarihan at kakayahan. Nagkaroon nga pala ng bagong patakaran, ang mga Class-A, B, at C sections ay hindi na matatawag na strongest, middle, and lowest classes Ang lahat ay pantay-pantay. Walang mababa, at walang mataas. Nagkakaintindihan ba tayong lahat?" Seryosong pahayag muli ni Ms. Akira. Paanong si Crystal ang sinusunod nila? Sino ba kasi talaga siya?

"Withal, si Ms. Crystal at Ms. Liezel ay sa royalties dorm na lilipat." Huli nitong sabi at saka inabot ang mic kay Head Master. "Tama ang inyong narinig kay Ms. Akira. Naayos na rin ng mga council ang patakarang eskwelahan. Hindi lamang ang Class-B section ang magt-training pati na rin kayong lahat. Ang mga warriors naman ng academiang ito ay patuloy na magbabantay sa ating lahat." Ano ba'ng nangyayari? Bakit lahat kami ay paspasan ang pageensayo?

"They are hiding something from us." Bulong ni Lester sa amin. "No matter what it is, alam kong makabubuti sa atin ang kanilang ginagawa." Sabi naman ni Jerry.

"Ms. Crystalie and Ms. Liezel, magtungo kayo sa aking opisina. Bumalik na kayong lahat sa inyong dorm." Sabi pang muli ni Head Master at saka biglang naglaho kasaay ang mga council at si Ms. Akira. "So this is what Crystal said? Tayo na ang bagong knights mg academia. Yipiiie!" Magiliw na saad ni Leslie. Napailing na lang ako dahil bumabalik na naman ang mga ugali nila na parang nakatakas sa mental.

Sabay-sabay na kaming lumabas ng Arena at nagtungo sa aming dorm.

**************
(Someone's POV)

Kamangha-mangha ang nangyari kanina. Ngunit, dapat ko ba silang kaibiganin? Tama! Dapat ko silang kaibiganin upang madala ko si Liezel sa kanya at makalaya ang aking magulang.

"Hey, what's wrong?" Napatingin ako sa nagtanong at saka siya nginitian. "Nah, don't mind me. I'm just tired." Sagot ko sa kanya. "What a bloody fight to remember, right?" Saad niya na ikinatango ko. "Yeah, it really is."

THE BOUNDLESS MASTERYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon