Nagteleport ako sa itaas ng puno, kung saan nakikita ko si Liezel at ang kapatid niyang si Lizo. Dinig ko rin ang kanilang pinag-uusapan.
Hindi nga pala nila nararamdaman ang presence ko kasi I already mastered how to hide my presence and my power's aura. That's one of my abilities anyway. So I'm just sitting pretty here sa sanga ng puno while intensely looking at them.
"How are you, little sis?" Lizo asked Liezel na parang lalamon nang buhay na tao. Hahahaha! "Don't call me that way. I'm not your sister anymore!" galit na sagot niya sa kapatid. Wow! Ngayon naniniwala na akong mapagkakatiwalaan nga si Liezel.
"Have you ever heard of sensitivity, sister? I'm still your big brother." seryosong saad muli ni Lizo. "Wala na akong tinuturing na kapatid at magulang simula nang malaman ko ang inyong kasamaan. Kuya, how could you? May nalalaman ka pang sensitivity? How about those innocent mortals you just killed?" sigaw ni Liezel habang masaganang tumutulo ang luha nito sa kanyang mga pisngi. That guy! Pinaiyak niya si Liezel! Damn it!
"It doesn't matter, Liezel. Bumalik ka na sa Abbadon. Hindi mo magu-gustuhan ang galit ni Ama." malalim nitong sabi habang pinapalibutan nang itim na kapangyarihan. "Hah! Try me then." matapang na sagot naman dito ni Liezel.
"Dakpin siya!" sigaw na utos ni Lizo sa mga kawal na kanyang kasama. Magpapalabas na sana ng kapangyarihan si Liezel, nang may bolang apoy na pumalibot sa kanilang dalawa.
O-okay? Who are they? 'Ang apat na prinsipe ng Delthoria.' saad ni Solio. Ang God of Earth. Pinagmasdan ko ang apat na prinsipeng tinutukoy ni Solio.
Hmmm, mukhang malalakas nga sila. "Let her go." malamig na saad ni– 'Bosthiano. Ayon ang pangalan niya. Siya ang prinsipe ng Svetlina.' sagot sa akin ni Light, sa itatanong ko pa lang sana. Obviously, he's the God of Light.
"You get out of here. Mind your own business, kiddos." nakangiting saad ni Lizo sa apat. "Anong kailangan mo sa kanya, Lizo?" tanong ni– 'William. Ang prinsipe ng hangin.' tumatawang ani sa akin ni Aqua. Kasalanan ko bang hindi ko sila kilala?
'Ang kulay pulang buhok ay si Ferrio. The prince of Fire. Ang kaninang nagsalita ay si Bosthiano. Siya ang prinsipe ng liwanag. Si William naman ang prinsipe ng hangin. While Hyuan is the prince of earth.' paliwanag at pagpapakilala sa akin ni Dark sa mga prinsipe. Buti pa 'tong si Dark. Demonyo man na inaakala ng iba, sobrang bait pala. Siya nga pala ang God of Dark. Huwag na kayong magtanong kung bakit nandirito siya sa akin, dahil hawak ko ang lahat ng elemento.
"Lizo, labas ka na sa Delthoria. Kung hindi ako nagkakamali, kauri namin ang babaeng gusto mo. Kung ayaw mong malaman ito ng nakatataas, huwag mong saktan ang kahit sinuman sa Delthoria." Mahinahong sabi naman ni Hyuan.
"Move!" sambit namang muli ni Lizo sa mga kawal, kaya halos magpatayan na ang mga prinsipe laban sa mga kasama nito.
'Saphire, this is the right time. Alam mo na ang gagawin mo.' sabi sa akin ni Aero na ikinatango ko. Habang nagbabatuhan ng kapangyarihan ang bawat isa ay tumalon ako sa gitna nilang lahat.
Nahinto sila at napatingin sa akin na ngayo'y nakasuot nang jacket na may hood habang nakayuko. Nilapitan ko ang isa sa mga kawal ni Lizo at saka binuhat gamit ang isang kamay. Walang anu-ano'y hinagis ko ito sa malayo kaya naman muling bumalik ang kaninang palitan ng kapangyarihan.
Karamihan ay pumupunta sa akin, samantala ang iba'y nasusunog na sa apoy ni Ferrio. "Cover your ears!" sigaw ni Liezel kaya agad naman naming sinunod.
Sumigaw ito ng napakalakas at halos karamihan sa mga puno ay nagsisibagsakan, kasabay ng paglaho ng mga kawal ni Lizo.
"I'll get back to you, Liezel." huling salitang narinig ko kay Lizo at saka tuluyang naglaho. Humarap ako kay Liezel at sa apat na prinsipe. Tinanggal ko ang hood ng jacket na ikinalaki ng mga mata ni Liezel.
"Crystal?!" gulat nitong tawag sa aking pangalan. "Surprised?" nakangisi kong saad. Dinambahan niya ako ng yakap at bahagya pang pinalo ang braso ko. Tsk. "OMG! You have power like mine? I thought you don't believe in magic? I thought you-- security purposes, Liezel." putol ko sa mga tanong niya.
"Ehem!" napadako ang paningin naming dalawa sa apat na prinsipe. "Sino kayo?" masungit na tanong ni Bosthiano sa amin. "Thiano, baka sila ang na-detect ng saiyan device." saad naman dito ni William. "Isa lang ang na-detect ng saiyan device. Pa-paanong naging dalawa sila?" nagtatakang tanong naman ni Hyuan.
"Tsk. Let's go." maikiling aya naman ni Ferrio. "It's getting late, so tara na. Umiwas kayo sa mga Temnoian. Masasama silang lahat." muling saad ni Bosthiano at saka unang naglakad.
Napakapit ng mahigpit sa'kin si Liezel. Ramdam ko ang tibok ng puso niya kaya hinawakan ko ang kamay niya at pinisil. Assuring her na everything will be alright dahilan nang pagngiti niya. Pero ramdam ko pa rin na nasaktan siya sa sinabi ng pirinsipe ng liwanag.
"What if malaman nila na isa akong Temnoian?" kinakabahang tanong niya na ikinangiti ko. Ang totoo niyan, si Liezel ang na-detect ng saiyan device. Made-detect talaga nito ang mga nilalang na nararapat sa mundo ng Delthoria. At dahil dating nasa Delthoria ang Temno Kingdom pati na rin na hindi nasama sa mga nasumpa si Liezel, ay aangkinin siya ng saiyan device.
Kung bakit hindi ako ang na-detect? Dahil– too much information. Saka na lang sa susunod na susunod na susunod na chapter. Hahahaha!
"Not gonna happen, Liezel, trust me." pagpapalakas ko sa loob nito at inaya na siyang maglakad patungo sa portal sa loob ng forest tunnel.
'Delthoria, here we come.'
BINABASA MO ANG
THE BOUNDLESS MASTERY
FantasiSa mundo ng 'Delthoria', iba't ibang uri ng mga nilalang ang naninirahan kasama ang kanilang mga kakayahan at kapangyarihan. Mayroong walong imperyo na kilala sa mundong ito. Una, ang "Svetlina"- hawak nila ang kapangyarihan ng liwanag. Pangalawa, a...