(Liezel's POV)
Kinalabit ko si Crystal at ininguso si Head Master. Kanina pa kasi kami nandito sa loob ng head office tapos hindi kami makapagsimula dahil inaantay namin siyang gumising.
Lile, seriously? Natutulog! "Bitch! Baka gusto mong makinig, ano?" Pagtataray ko rito. Nakatanggap lamang ako ng irap kaya kinurot ko siya sa tagiliran. "Hehe, HM, puwede na po kayong magsimula." Sabi ko naman kay HM na titig na titig pa rin kay Crystal.
"Okay then. Ngayon na kayo lilipat sa Royal Dorm. Huwag kayo mag-alala, ia-assist kayo ng ibang stuff ng academia. Ito nga pala ang susi ng kuwarto niyo roon." Inabot niya sa akin ang isang gold na pouch na naglalaman ng susi namin. Wow, sosyal!
"Paano nga pala ang dalawang Prinsipe na nasa emergency ngayon?" Tanong niya. Ang masaya kong aura ay naging blangko. Aba, pakialam namin sa dalawang 'yon? Hmp! "Let them be. Makakalaya rin si Bosthiano sa Illusion ni Liezel kapag nahanap niya ang kanyang kapangyarihan sa loob. If not, sorry na lang." Saad ni Liezel. Akala ko hindi na siya magsasalita eh.
"Eh si Prince Ferrio?" Nag-aalalang tanong ni HM. "I dunno. Why not visit him and ask those healers kung kumusta na siya?" Pilosopong sagot ulit ni Crystal. Si HM naman ay napangiwi kaya napatawa ako ng mahina. "Oo nga naman, HM." Pasaring ko naman.
"Whatever. You can go na. By the way, sa Class-A na kayo papasok. Huwag niyong alalahanin ang mga bagong Knights ng academia. They are all fine." Pagtataboy nito sa amin. Wow ah? Wow. Grabe. Lumabas na kami ni Crystal at nagtungong royal dorm kasama ang dalawang stuff.
"Bitch, how did you do that?" Nagatataka kong tanong sa kanya na deretsong nakatingin sa dinadaanan namin. "What?" Aba, kaltukan ko kaya? "Paano mo napapayag si HM na gawing knights ang mga Class-C section? You seem so busy nitong mga nakaraang araw rin."
"Nothing. Sinabi ko lang and then pumayag agad. Nagka-usap kami noong hinanap ko ang history book. Does it matter?" Sagot niya. "Nah, I'm just wondering."
Nang makarating kami sa harapan ng royal dorm ay iniwanan na kami ng dalawang stuffs. Kakatok na sana ako nang bigla itong bumukas. "Ate Crystaaaal!" Bungad sa amin ni Crisanta at agad dinambahan nang yakap si Crystal. What the focc? Inaagaw niya ang bestfriend ko!
"Omy! I miss you so much, ate! Ikaw rin ate Liezel. Come in, pumasok kayo. Hihi!" Masaya nitong sabi at saka hinila kaming dalawa sa loob. Nilibot ko ang paningin ko and all I can say is wow. As in super wow! Is this really a dorm? Taena! Dinaig pa namin ang milyonaryo sa mortal world e. Well, what do I expect sa magic world? Hmmm.
"So uhm, hi?" Napadako naman ang aking paningin sa babaeng mala-dagat ang mga mata. "Welcome sa royal dorm." Mainit nitong bati sa amin kaya ngumiti ako rito.
"Anyways, we would like to introduce ourselves properly since we haven't talked too much when the last time na nagkasama tayo sa detention room. I am Serene, the Princess of Voda Empire. The water kingdom, to be exact." Nakangiti nitong pagpapakilala sa amin at saka kami ni-beso sa pisngi ni Crystal.
"And I am Crisanta, the princess of Samovila Empire. The fairy kingdom. Hihi!" Childish nitong pagpapakilala. Jusko, saan kaya siya nagmana?
Nagulat ako nang may mga apoy na papunta sa aming kinaroroonan kaya agad akong umilag, si Crystal naman ay binuhat si Crisanta na nakayapos sa kanya at dinala sa gilid. Si Serene naman ay umilag din. Anong nangyayari? Sabay-sabay na nagsisipuntahan ang mga apoy sa aming dereksyon ni Crystal. Nakapagtataka lang na hindi nito nilalapitan sila Serene at Crisanta.
Don't tell me, naka-recover agad si Prince Ferrio? Patuloy pa rin ako sa pag-ilag. Si Crystal naman ay iniwanan ang dalawa sa gilid. "Emotion can beat you easily." Sabi niya na ikinataka ko. "What do you mean?" Tanong ko sa kanya habang umiilag pa rin kasabay niya. "I know who did this." Magtatanong pa sana ako nang huminto ang mga apoy.
Nagulat ako nang unti-unting nabubuo ang mga bagay na nabasag. Kasama ang mga salamin at kalat sa sahig. Nag-form ito ng malaking Robot. Pumunta sa harapan ko si Crystal at inihanda ang sarili. "Hey, hey, hey! Kargo ko na 'yan, bitch. Huwag kang epal." Mataray kong saad sa kanya.
*************
(Serene's POV)"Hey, hey, hey! Kargo ko na 'yan, bitch. Huwag kang epal." Mataray nitong saad kay Crystal. Nakakatuwa silang pagmasdan.
Sigurado akong kagagawa ito ni Elena. Ano ba'ng iniisip niya? Hindi niya kilala ang kanyang kinakalaban. Kung anuman ang kanyang iniisip, sure akong hindi ito maganda.
"I can handle this." Sagot ni Crystal sa kanya pero umiling lamang si Liezel. "Nope. You stay there at lalabanan ko ang pangit na robot na 'yan na hindi maintindihan ang porma." Sabi naman niya at saka pumunta sa harapan ni Crystal.
Palapit na ng palapit ang Robot na gawa lamang sa spell ni Elena. Agad itong sumugod kay Liezel na iniilagan lamang. May inilabas siyang espada at saka patalon na lumipad sa Robot at sinaksak ito sa mukha. Ngunit nabuo pa rin ulit ito.
Patuloy lang ang pag-slash niya sa Robot at sa huli ay tuluyang nagkalat ito at hindi na muling nabuo ulit. Wow! In just 5 minutes, natalo niya ang isa sa abilidad ni Elena? Napaka-interesting talaga nilang dalawa ni Crystal.
Speaking of Crystal, nasaan na siya? Napatingin kami nang may biglang sumabog sa dulo. Lumaki ang mga mata ko nang mapagtantong kuwarto iyon ni Elena. Sh*t!
Patakbo kaming nagtungo rito at binuksan ang pinto. Nagulat ako sa nasaksihan. Si Elena, nakahiga at naliligo sa sarili niyang dugo. Tinignan ko si Crystal at blangko lamang na nakatingin sa walang malay na katawan ni Elena.
"So siya pala ang may kagagawan? She deserves it tho." Sabi ni Liezel. Hindi ko na lamang pinakinggan at mabilis na lumapit sa katawan ni Elena. Damn! Ano ba kasing pinag-iisip niya? Nakita na nga niya kung gaano kalakas iyong dalawa eh. Hindi ko rin naman sila masisisi, dahil kasalanan naman talaga ni Elena.
"All of you! Pumunta kayo sa office ko, NOW!" Napatingin ako sa pintuan nang may biglang nagsalita. Si HM, pati sila William at Hyuan. Naglaho na ang katawan ni Elena. Nasa emergency na rin ito kasama sila Bosthiano at Ferrio.
Agad kaming nagteleport sa head office at iniwan ang dorm namin na sira-sira. Maaayos din naman agad iyon.
BINABASA MO ANG
THE BOUNDLESS MASTERY
FantasíaSa mundo ng 'Delthoria', iba't ibang uri ng mga nilalang ang naninirahan kasama ang kanilang mga kakayahan at kapangyarihan. Mayroong walong imperyo na kilala sa mundong ito. Una, ang "Svetlina"- hawak nila ang kapangyarihan ng liwanag. Pangalawa, a...