Yuri's POV
Ano ba yan,ano bang nangyayari sakin at nagkakaganito ako sa tuwing nakikita ko tong si Yumi?,hindi ko alam pero sa tuwing nakikita ko siya ay bigla na lang bumibilis ang tibok ng puso ko.Tanging siya pa lang ang unang nakapag-patibok nito,simula ng iniwan niya 'ko.
Haysttt...bahala na nga basta ang alam ko lang hindi pa ako handang ipagpalit siya sa kahit na sino.
Makapunta na nga lang sa room ng makatulog naman ako kahit sandali lang.....
Classroom.....
Napaupo na lang ako sa upuan ko at yumuko nakita ko si Yumi na nagulat pa ng makita ako pero hindi ko na lang inintindi yun dahil ang gusto ko muna ay ang makapagisip-isip at ang makalimutan ang sakit na nabaon sa puso ko....
Naramdaman ko na lang na may tumabi saakin at tinitignan ako kaya agad akong yumuko para hindi niya makita yung mukha ko.
" Yuri may problema ka ba?"sabi ni Yumi
Umiling na lang ako at yumuko.
"Kung may problema ka man pwede mong sabihin saakin eh,at tyaka kung hindi mo na kaya puntahan mo lang ako at huwag kang mahihiyang magkwento sa problema mo,at siguro iisipin mo na pagtatawanan kita kapag nakita kitang umiiyak wag kang mag- alala hindi ako katulad ng iba kasi ako mabait,mapagkakatiwalaan sa lahat ng oras."
Tinignan ko siya at parang may kakaiba akong naramdaman nung ngumiti sya saakin ng malapad.
Gumaan ang pakiramdam ko simula nang makita ko ang mga ngiting yan.
Hindi ko alam pero naramdaman kong tumigil ang mundo ko ng makita ko ang maamo niyang mukha napakaganda at napakabait niya.......pero tama ba tong nararamdaman ko na handa na ba akong ipagpalit ang babaeng pinakamamahal ko sa puso ko.
"Yuriiiiiiiiii!!!!!"sigaw ng kung sino
"Aishhh!Hindi mo naman ako kailangang sigawan ha at baki ba ang daldaldaldal mo dyan istorbo ka eh, alam mo nmang nag-iisip ako!!!"sigaw ko din kay Yumi.
Grabe din pala tong babaeng to maypagka-warfreak.
" AHHHH TALAGA BA EH BAKIT TITIG NA TITIG KA SA'KIN KANINA HA,KUNG HINDI LANG AKO PANGET IISIPIN KO NA MAY GUSTO KA SA'KIN!!!!!"sigaw niya ng napakalakas kaya napatakip na lang ako sa tenga ko.
Grabe sigawan daw ba ako eh hindi ako binge....
"HINDI AKO BINGEEEEEEEEEE!!!!!!" ganti kong sigaw sa kanya.
Nabwisit ata kaya napatayo ng nakapamewang tong babaeng to....
"HINDI RIN AKO BINGEEEEEEEEEEEE!!!!!"ganti niyang sigaw.....
Sa sobrang inis ko hinagit ko sya bigla at sinandal sa pader at tyaka siya tinignan nilapit ko naman ang bibig ko sa tenga niya at binulungan.
"Alam mo bang hindi dapat ako ginagalit ng mga katulad mong panget."
" Wow ha speaking of panget bago ka mang- insulto mister ay siguraduhin mo munang aayusin mo yang pagmumukha mong makapal."saad nya sakin
"Sige insultuhin mo pa ako at hahalikan kita."nilapit ko ng kaunti yung mukha ko sakanya
At napapikit naman siya...haha nakakatuwa yung mukha nya akala nya siguro talagang hahalikan ko siya.
" A-ang kapal naman ng mukha mong halikan ako ulit matapos mong nakawin yung first kiss ko ngayon naman yung second kiss....hoy mister mahiya ka nman sa mukha mong mukhang bato."
Dahil sa sinabi niya bigla na lang akong nakaramdam ng hiya kaya nabitawan ko na siya.......
That was a very.........
AWKWARD MOMENT
A/N:Sorry sa maiksing update....hehehe.
BINABASA MO ANG
My Secret Romance Book 1
Teen FictionMeet Yuri Cha isang anak mayaman na hindi naman masaya sa kanyang buhay at nang dahil lang sa isang babae ay magbabago ang lahat ng hindi niya alam. Meet Yumi Lee isang simpleng babae,mabait,maganda,at sexy pero siya ang numero unong binubully sa es...