Tataya ako sa Lotto!

26 0 0
                                    

Tataya ako sa lotto

At kung sakaling mananalo ako

Bibilhin ko uli ang mundo.

Mali, masyado na palang mahal ito.

Dahil sa bawat kilos mo,

kailangang may papel at tanso.

O baka naman pwedeng ang kabutihan ng mga tao muna ang bilhin ko

Saka ko isusunod ang mundo

Para magkaroon ng TUNAY NA PAGBABAGO.

Dahil ang pagbabago ay hindi mo magagawa nang basta-basta

At hindi mo rin kayang gawin sa mga tao-- paisa-isa

Dahil walang makakapagbago sa kanila

Tanging sila lang ang may kontrol sa sarili nila.

Tataya ako sa lotto.

At gagamitin ko lahat ng mga magagandang numero

Magbabakasakaling ito na ang swerte ko

At nang makaahon sa hirap na nararanasan ko.

Lahat ng monthsary, anniversary at birthday

Iipunin pati na araw ng pag-ampon sa bagong aso naming si Johnny

Walang dapat aksyahin dahil minsan lng ang swerte.

Kahit na mangutangan sa aking mgq kumpare

Dahil naniniwala akong lahat ng bagay ay posible.

Tataya ako sa lotto

Kahit na ang panalo ay laging hindi garantisado Manalo man o matalo,

Isa lang ang totoo

Gumastos ako.

Na ang perang dapat ibinili ko sana ng bigas

Ay akin nang dagliang winaldas

Na sa aking sarili ay nagmatigas

At nagpumilit, hindi umatras.

Bago ko nalang naalala

Noong kinapa ko ang aking bulsa

Naghahanap sana ako ng barya

Pagkat ang lalamunan ko'y tuyong-tuyo na

Sa haba ba naman ng pila

Ni libreng tubig ay wala.

Maging Tuyong laway ko'y ubos na

Tataya ako sa lotto.

Dahil halos araw-araw ay lalong lumalaki ang halaga

Pero napagtanto ko bigla.

Lumalaki ang halaga dahil marami rin ang tumataya

At kapag lalong tumataas ang mapapanalunang pera

Talaga ngang maaakit nito ang madla.

Hindi kaya isa lamang ito sa mga bitag nila?

O kaya pagpapatunay kung tayo nga ay desperada?

Na handang itaya kung ano ang mayroon tayo ngayon

Nang hindi iniisip kung malulubog na sa utang susunod na hapon?

O di kaya'y biglang swertihin at sa hirap ay makakaahon.

Tataya ako sa lotto.

Pero hindi ko iaasa ang swerte ko dito.

Dahil pagmulat pa lamang sa umaga ng mga mata ko

Batid ko na ang tunay na regalo Mo.

Ang buhay na kailanman ay hindi mapapalitan ng isang bilyon na may milyon at libo.

At kahit walang PCSO o di kaya ay Keno

Laging nakataya ang buhay ko Mula sa pagdedesisyon sa pakikipagkapwa-tao

Hanggang sa pagmamahal ko sa sarili ko.

Laging nakataya ang lahat ng buhay

Kahit pa ito ay regalong walang kapantay

Kamatayan naman ang kanyang kaatibay.

Tataya ako sa lotto.

Pero hindi ko itataya ang kinabukasan ko.

Tama na siguro itong mga barya ko.

Tama na siguro

Ang pagtaya ko sa lotto.

Top of Form

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 22, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TATAYA AKO SA LOTTOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon