Simple at normal na buhay. Ganyan ang kinalakihan ni Charlotte. Hindi sya katulad ng ibang kaedad niya na nag-aaral at nahihilig sa gadgets. Masaya na siya sa pagtitinda ng gulay sa umaga at namamangka sa gabi. Ngunit kahit mahirap sya ay mataas ang pangarap niya, ang maging isang mayaman. Pano naman mangyayari yun kung hindi sya nag-aaral? Kaya bilang shortcut sa goal na yun ay naisip nalang niya na maghanap ng lalaking mayaman na pakakasalan niya. Pero nabago ang planado na niyang buhay nang isang gabi ay iligtas niya ang isang babaeng tumalon mula sa mataas na bangin.
Dana Spencer Ohara. Rich and multi-billionaire. Isang gabi mula sa bingit ng kamatayan ay tumalon sya sa dagat kahit hindi tiyak kung makakaligtas. Nagising sya sa pangangalaga ng isang pamilyang hindi man lang yata nakaranas kahit kaunting karangyaan sa buhay. Pamumuhay na malayo sa kinagisnan niya. At habang nagpapagaling ay unti unti niyang nakikila ang pamilyang ito lalo na ang panganay na anak ng mga ito na si Charlotte na napakataas ng pangarap. Ang makapag asawa ng mayaman.
Natagpuan niya ang sariling nahuhulog ang loob dito pero nagpanggap syang normal na tao upang magustuhan sya nito hindi dahil sa pera niya. Magustuhan kaya sya ni Charlotte kahit mahirap lang sya? O ipapamukha niya dito ang kayamanan niya makuha lang ito?
Abangan ...

BINABASA MO ANG
Stars For Wishes (GxG)
Romance(COMPLETED) "I can give you everything, I can take you to the most beautiful islands, I can make your dreams and ambitions come true with just a lift of a hand. Choose me Charlotte, and I promise, I will take you to the ends of the earth.." -Dana Sp...