Mabilisang kumalat ang balitang napaslang ang Arsimago Luistro. Labis itong ikinalungkot ng kanyang mga kapanalig sa pulitika. Ang ilang mga bahay at templong bayan na tapat sa Arsimago ay nagpatay ng ilaw at nagsindi ng mga asul na apoy gamit ang mga pinulbos na tanso biglang tanda ng matinding pagtutol sa nangyari at pagdadalamhati.
Nang gabi ding iyon, nagpulong-pulong ang mga tapat sa Arsimago upang maglunsad ng pagtutol sa napipintong paghalili sa pwesto ng Excelsis na si Marcelo. May bali-balitang lalabagin nila ang tradisyon kung saan ay dapat na magtunggalian ang mga tala upang piliin ang pinakamalakas sa kanila. Aatras daw sa laban ang Elementos at magpaparaya para sa Excelsis.
"Kami na ang bahalang kumwestiyon nyan sa Consilio bukas na bukas sakaling iyan nga ang magaganap.", Ani Magi Stella ng Mysto na sinang-ayunan naman ni Magi Romana ng Estoria, Mago Genaro ng Uldama at ilan pang kinatawan ng Mitikus.
"Gayun pa man, kailangan mong gumawa ng liham ng pagtutol sakaling ipitin kami ng Consilio. Handa ka bang harapin ang Excelsis sa isang tunggalian Leopardus?" mariing tanong ni Mago Genaro.
Malalim na nag-isip ang punong Maestro ng DalMaMa. Hindi niya alam kung sasabihin niya sa kanila ang plano ng kaibigan o hahayaan ang plano ng grupo yamang mukha namang may laban sila sa sitwasyong ito. Nasa kanila ang bilang sa pulitika gayundin ang simpatya ng karamihan sa mga mamamayan. Sa huli, nagdesisyon syang sumubok at suwayin ang payo ng pumanaw na kaibigan.
"Sige, handa ako.", sagot ng Punong Maestro.
"Palihim na din akong bubuo ng kawan sakaling gumamit ng dahas ang grupo ng Excelsis." sabi naman ng isa pang magong kasama sa pulong na sinang-ayunan ng lahat.
Nang gabi iyon ay nabuo ang plano na gagawin nila ang lahat upang makumbinse ang Consilio laban sa Excelsis. Kung hindi magtagumpay ay agad silang tatakas papunta sa Uldama, Mysto at Estoria kung saan pipilitin nilang ihiwalay ito sa ilalim ng kapangyarihan ng bagong Arsimago at magdedeklara sila ng rebelyon. Naging malaking problema na lamang ng grupo na nasa kabilang dako pa ng tatlong bayan ang DalMaMa na nais sana nilang maisama dahil may mga kakampi sila doon at nasa ilalim ito ng pamumuno ni Leopardus. Maganda din sana itong kuta dahil dati itong moog na nagsilbing unang tahanan ng mga pinuno ng Magikhayo. Sa huli, nagpasya na lamang sila na kasabay ng pagtakas ng mga dadalo sa pulong ay sya ring agarang paglisan ng mga nasa DalMaMa kung sakaling mabigo ang kanilang labang pulitikal.
Gayunman, habanf sila'y nagpupulong ay sya namang pagsasagawa ni Marcelo sa kanyang maitim na balak. Isa-isang walang dinatnan sa kani-kanilang tahanan ang karamihan sa mga dumalo sa pulong. Ang bawat bahay ay may naghihintay na sulat ng babala na kung gusto pa nilang makita sila ng buhay ay sasang-ayon sila sa lahat ng mungkahi niya sa Consilio bukas. Doon na nga natalo sa bilang ang grupong Maximillan.
"Anong uri ng bayani ang makakapagligtas ng kapwa ngunit hindi ng kanyang pamilya?", nanlulumong nasabi ng kinatawan ng Kinari sa kanyang sarili.
Iyon na nga ang naging wakas ng isang gabing rebelyon.
BINABASA MO ANG
Magikhayo
Fiksyen PeminatIsang labanan ang napipintong maganap sa isang daigdig na ikinubli sa mata ng mga mortal. Isang magiko ang nakatakda na sagipin ang lahat ng nilalang. Pasukin ang mundo kung saan namumuhay ang mga alamat. Tuklasin ang hiwaga at sagutin ang misteryo...
