Chapter 9

11 0 0
                                    

IAN'S POV

Pinilit kong pumasok dahil may iilang exams kami ngayong araw.

"Ian, tara na sa clinic" wika ni Ivy

"Mas maiinit ka ngayon kaysa kanina, tara na o di naman ay papuntahin nalang natin si dok sa unit" Shana

"Pero pano ang mga exam natin?" tanong ko sakanila

"Oi Ian, mas importante pa ba yang mga exam natin kaysa sa kalusugan mo. Tara na!" Sandra

"Ian, just listen to them" wika ni Quen na kararating lang kasama sina Zach.

"How did you know about this?"

"Ivy told me, so please don't be stubborn" Quen

"Look Quen, may exam kami sa major subject na to kaya ko pa naman e" malalumanay na wika ko. Pero nagulat ako nang lumapit sakin si Zach at binuhat ako na parang bagong kasal. "What do you think your doing Zach! Put me down!"

"No!" Zach

"They're looking at us! This is so embarrassing!"

"I don't care" patuloy parin sya sa pag-buhat sakin patungo sa clinic.

Pagdating sa clinic ay sinabihan ako ng doktor na uminom ng gamot sa tamang oras at kaylangan kong magpahinga imbes sa clinic ay mas pinili kong umuwi nalang sa unit namin sinamahan naman ako ni Quen. Dumiretso na ako sa aming kwarto upang umidlip.

Nagising ako dahil sa isang banayad na haplos sa aking noo.

"Zach? Where's Quen?"

"Lumabas may kakausapin daw, nag-luto ako ng chicken soup"

"Salamat" inalalayan nya akong bumangon at sumandal ako, kukunin ko na sa na ang kutsara kaso inagaw nya.

"Susubuan nalang kita" wala akong magawa dahil masyado akong mahina para mag-reklamo pa. Pagka-tapos nya akong pakainin ay pina-inom na nya ako ng gamot.

"Zach? Can I ask you something?"

"Ano yun?"

"Why are you doing this? Di mo naman ako respunsibilidad pero bakit?" natiligan sya at tinignan nya ako ng diretso sa aking mata.

"I am doing this because I want to"

"But why?"

"It's because..." agad kong pinutol ang kanyang sinasabi.

"Yea I know, nagi-guilty ka"

"Part of, but honestly I am doing this because I like you"

"Stop this nonsense Zach" natatwang wika ko. Sa totoo lang di ako komportable sa pag-uusap namin ngayon.

"Gusto kita Ian, yun yung totoo" di ko maiwasang titigan si Zach habang sinasabi nya ang mga katagang yun. Kaylangan ko ng kasiguraduhan sa kung ano man ang nararamdaman ko. Naguguluhan ako kamakaylan lang nang makilala ko sya. Pero sa tuwing malapit sya may kakaiba akong nararamdaman. Lilinawin ko muna kung ano man ito.

"Zach..."

"Please Ian, wag mo muna akong bastedin" may halong birong wika nya.

"Bakit may sinabi ba akong basted ka na?" sumilay ang paborito kong ngiti nya.

"Wag mo naman akong paasahin" he look so cute when he pout his lips.

"Teka nga! Wala rin naman akong sinabing papaasahin kita ah"

"So kung ganon tayo na?" ngayon ko lang din nakita ang side nyang ito, parang may pagka-isip bata pero I admit that he look so cute.

"Dream on boy, ano sa tingin mo sakin? Instant nobya?" tinaasan ko sya ng kilay at tinawanan lang nya ako.

Love WarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon