Chapter 2

38 7 0
                                    

Nakahiga ako ngayon sa kama at tinititigan ang kisame. Naalala ko nanaman ang napag-usapan namin ni lolo kanina.

Flashback

Pag-pasok ko sa bahay agad akong sinalubong n ate Ley(anak ni nay Berta) para kunin ang gamit ko at para sabihin kung nasaan sila mama
"Di na ako paliguy-ligoy pa Ian. Nandito kami para sabihing ililipat ka namin ng pinapasukan. By nextweek doon ka na sa Barque University mag-aaral at titira"direktang sabi sakin ni lolo.

"Lolo, you must be kidding me!"

"No Ian, we already fix all the documents. Kaya sa ayaw at sa gusto mo dun ka na papasok."maotoridad na sabi ni lolo.

"Pero Lolo di naman pwede yun"

"No more but's Ian, at ikaw Bree kausapin mo ang anak mo. Mauuna na ako sa labas"
Pagkaalis ni lolo agad akong kinausap ni mama.
"Mama ayaw ko po doon. Alam nyo naman po kung bakit diba?"paki-usap ko kay mama.

"Just listen to your lolo Ian. Para sayo din naman to"

"But mom"

"You choose Ian, papasok ka sa Barque o sasama ka samin sa Europe para dun ka mag-aral sa all girl school na yun"all girl school? No freaki'n way.

"Ok na po ako sa Dixon U. pero bakit kaylangan nyo pa akong ilipat dun sa Barque U?"

"You don't have choice Ian!"

"People always have their choice mom"

"No! Lilipat ka sa Barque and thats final!! Wala ka nang magagawa!"tumayo na si mama at iniwan na ako.

End Of Flashback

Uugghh kaasar!! Napasabunot nalang ako sa buhok ko. Para sa ikakabuti ko?! Huh!! E sa ayaw ko dun e!! Pano kung? Haiisstt

'Ian, Ian gising nasa baba si Quen"pagmulat ko si ate Ley pala.
"Ian si Quen nasa baba"
"Sige ate susunod na ako"tumayo ako at inayos ko muna ang sarili ko.
"Ian pwede mag-tanong?"si ate Ley tinanong pa e nagtanong na nga. Tinignan ko nalang siya pero alam niyang di ko na kaylangang sumagot.
"E kase Ian, bakit ayaw mo sa Barque? Maganda naman dun tsaka sa..."
"Baba na ako ate"ayaw ko munang pag-usapan tungkol dun.

Pag-baba ko naabutan ko si Quen na tinitignan ang mga larawan namin noong bata palang kami."What do you want Mr. Cristobal?"mataray na taong ko sakanya.
"Hey pinsan. Halika may pupuntahan tayo"masayang aya nya saakin
"Saan?"di na niya sinagot ang taong ko nang hilayin niya ang kamay ko.

Dinala ako ni Quen sa resthouse. Patay na kase ang mga magulang ni Quen due to car accident. Ang kwento sakin ni mama. Kasama daw si Mama at si Quen noon. Isang taon lang daw siya noon kaya ihinabilin ni tita Beronica(na kapatid ni mama) na alagaan daw si Quen at ituring na parang isang anak. At yun na nga tinuring niyang parang tunay niyang anak kaso di nalang niya pinalitan ang kanyang lastname.

"Tumawag sakin si mommy Bree, lilipat ka na daw sa Barque"
"Yea"tipid na sagot ko sakanya
"Kaso ayaw mo daw,ano nang balak mo ngayon?."nanatili parin akong tahimik
"Bakit pa kase ayaw mo sa Barque?"

"Oh please Cristobal! Wag muna natin pag-usapan niyan ngayon. Pwede?"

Nanatili parin kaming tahimik hanggang sa"Oi Ian!"pagka-lingon ko kay Quen. Aba't may nag-aabang na palang water gun at tinutok nya sa mukha ko.

"Aba't Quen!! Bumalik ka dito!!!"sigaw ko sakanya pero patuloy parin siyang tumatakbo kaya wala akong magagawa kung di habulin siya. Lintek lang ang walang ganti.

QUEN'S POV

Ang saya neto, habulan at tawanan. Matagal na panahon na nung huli kong makita si Ian na tumawa. Hindi naman siya ganyan noon. Nung bata pa lang kami mga simpleng bagay lang ang nagpapa-saya sakanya, pero sa isang iglap nagbago lahat dahil sa pangyayaring bumago sa pagka-tao niya.
"Huli ka! Akala mo a! Yan. Hahahaha. Buti nga sayo! Hahahaha."yang mga tawang yan bihira mo lang makita.

"Sana Ian lagi ka nalang ganyan"sa isang kisap mata biglang nawala ang kanyang mga ngiti.
"Uwi na tayo, pagod na ako"walang emosyong pagkaka-sabi niya sakin.
"Riana, tanggalin mo na ang maskarang nakabalot sayo."

"Shut up!"

"Riana its been 10years move-on!"

"Oh please shut up!! Don't you dare to call me Riana!"

"Hanggang kaylan ka tatakas? Hanggang kaylan ka magpapanggap na walang pake-alam. Magtatago ka nalang ba? Riana tama na!! Wag kang duwag alam kong hanggang ngayon nasasaktan ka parin at hanggang ngayon nag-aalala ka parin para sa kanya!"umupo siya at pinatong ang ulo niya sa kanyang tuhod "Tama na, tama na please"yan ang paulit-ulit niyang sinasabi habang humahagulgol siya.

Niyakap ko nalang siya para because thats the best thing I can do for her. "Shhh tahan na, sorry"hinayaan ko munang ilabas niya ang lahat ng sakit na nararamdaman niya.

Maya-maya pa ay kusa siyang humiwalay sa pagkaka-yakap ko sakanya."Tara na"walang emosyong sabi niya saka tumayo na para bang walang nang-yari. Ganyan naman siya akala mo walang pakiramdam kaso sa loob-loob niyan, nasasaktan parin siya. Kumbga sa pagiging cold niya tinatago ang tunay niyang nararamdaman.

IAN'S POV

Agad akong bumaba sa sasakyan ni Quen without saying any single word. "Ian"tawag niya sakin pero di ko parin siya nilingon at dumiretso na ako sa kwarto ko para magkapagpalit na ng damit.

KINABUKASAN

tok tok tok tok

Naalimpungatan ako dahil sa lakas ng katok sa pinto. Dali dali ko itong binuksan at bumungad sakin si lolo"I change my mind Ian bukas papasok ka na sa B.U(Barque University) and thats final sa ngayon pupunta kayo dun para Icheck ang unit na tutuluyan niyo"mas maotoridad na sabi ni lolo sakin.

"Huh?! Kayo? Sinong kayo? May kasama ba ako?"tangkang tanong ko kay lolo ngunit si mama nalang ang sumagot"Si Quen, mag-ayos ka na pagkatapos bumaba ka na din para mag-breakfast, ipapa-ayos ko na kay Manang Berta yung mga dadalhin mo"

"Ma. It seems like I don't have choice. Sige papasok ako sa B.U pero sa isang kondisyon"

BREENA'S POV

"Dad pumayag siya dahil yun ang gusto nia, kaya gagagawin natin lahat para walang maka-alam."bakit pa kase yun ang kundisyon niya.
"Kung ito ang gusto niya, sige. Pero di magtatagal lalabas din ang katotohanan sa ngayon itatago muna natin."

IAN POV

Pagkatapos ng namin kumain agad na kaming pumunta sa B.U. Ang Barque University (B.U) ay isang dorm school. Hindi basta-basta ang nakaka-pasok sa paaralang ito nakabase kase sa mga stock holder at ang may-ari ang pagpili ng estudyante dito. Karamihan kase sa kanika ay anak ng businessman , politician at yung iba naman ay ang mga schollar.

"Nadtito na tayo sabi ni lolo hinihintay daw tayo ni Ms. Valdez siya daw ang maghahatid satin sa unit na tutuluyan natin"tumango nalang ako bilang sagot

"Good morning Im Lisa Valdez. Welcome to Barque University Mr. Quen Cristobal and Ms. Ian. This way please"nakangiti na bati samin ni Ms. Valdez at sinundan nalang namin siya patungo sa unit.

SOMEONE'S POV

Mula dito sa malayo tanaw ko ang isang babae na naka-sunod kay Ms. Valdez siya yung babae sa kabilang kotse nung isang araw. Ano kayang ginagawa niya dito? Dito rin ba siya mag-aaral? Pero sino naman yung kasama niyang lalake? Boyfriend ba nya o bodyguard niya? Pshh.





RedNote:

Eto na magsisimula na ang tunay na kwento ni IAN.

Happy reading😊😊...

Love WarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon