Chapter 11

5 1 0
                                    

Sandra's POV

Naiinip na ako sa pinagsasabi ng emcee tong si Shawn walang ginawa kundi kulitin ako tsaka wala pa  yung magpinsan.

"At wag na nating patagalin, ang hinihintay ng lahat. The owner of Barque University the one and only daughter of Ms. Breena Barque no other than...
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Ms. Adriana Brix Barque"

Naagaw ng emcee ang atensyon naming lahat kami nganga! Literal na NGANGA! Yung kanina pa namin tinatawagan nandyan sa stage kasama ang gwapong pinsan at ang kanyang mama at lolo niya. Sino ba kasing mag-aakalang siya ang may ari ng university na ito? Isa lang syang tahimik, simple at mahilig sa libro. Yung taong dating kasing lamig ng yelo sya pala!

Nakipag kamayan pa sila sa B.O.C at stock holders panay tingin ni Quen dito sa table namin si Ian naka ngiti paminsan-minsan tinignan ko si Zach di maalis ang tingin niya kay Ian na naka-suot ng pula. Tama! Pula as in RED!! Akala ko ba white and black ang motif pero bakit sya kakaiba pati yung mama nya naka -pula din.

"Oii ano na di maka get-over?" pambasag ko sa katahimikan  sa amin.

"I just can't believe this" wika ni Zach na naka-tingin parin kay Ian.

"Yea. Me too" di makapaniwala na wika ni Rojin.

"Eh sino ba naman kase ang mag aakala na siya pala may ari netong university na pina-pasukan naten?!" mejo napa lakas na wika ko kaya may iilang taong napatingin samin.

"Sandra... "

"Oo Shana alam ko?!!  Bunganga ko!! Pero grabe lang ah, di man lang nila sinabi satin. Alam kong matagal-tagal na din ang pinag samahan natin pero di man lang nabanggit" ako

"Intindihin nalang natin sila" Kevin

"Speaking of..." napa-tingin kami sa parating.

"I'm sorry" bungad samin ni Ian "Sorry kung nag-lihim ako sainyo, I know galit kayo sakin pero naiintindihan ko yun. I'm sorry" nakita ko sakanyang mata na  sincere naman sya. Lahat kami ay natahimik at napatingin sa kanya.

"Ikaw Ian! Ano to?! Pa-surprise effect? Di mo man lang nasabi" wika ko.

"Sorry" aniya

"Di kami galit" wika ni Shana

"Di naman kami ganun kababaw e" wika naman ni Ivy

"Kung di ka lang namin kaibigan e, sige na maupo ka na sa tabi ni Zach" wika ko.

IAN's POV

Ang buong akala ko magagalit sila sakin pero hindi. Habang hinihintay ang pag-kain ay naikwento ko sakanila na mas gusto ko ng simpleng buhay kaya di ko na nasabi sakanila. Tinanong din nila kung bakit di ko sinasabi ang last name ko dahil nga Barque, malalaman nila.

"Sabihin mo lang kung magpapagawa na ako ng poster ko" nanlaki ang mata ni Zach dahil sa sinabi ko.

"Huh? What are you talking about?" wika ni Zach.

"Don't deny Zach, kanina mo pa ako tinititigan" pang-asar ko sakanya.

"Oo na, sino ba naman kase ang di mapapatitig sa ganda mo" dahil sa sinabi ni Zach ramdam ko ang pag-init ng aking pisngi.

"Your blushing" pang-asar nya sakin.

"I'm not!" ako.

"Sino satin nyagon ang nagde-deny. Ayaw ko ng poster Riana, Gusto ko ikaw mismo, ikaw na tinititigan ko, ikaw na gusto ko at..." sa puntong binibigkas nya ang mga katagang iyon ay sobrang bilis ng pintig ng puso ko "higit sa lahat IKAW NA MAHAL KO" mas lalo pang lumakas ang pintig ng puso ko.

Alam kong mabilis ang lahat ng pangyayari pero di ko na kayang pigilan pa, kung wala sya hinahanap ko sya at kapag nandyan sya bumibilis ang pintig mg puso ko. Wala akong alam pag-dating sa pag-ibig pero ayaw kong pigilan pa.

"Zach..." naputol ang sasabihin ko dahil sinerve na nila ang mga pag-kain.

"Ano yun?!" bad timing naman oh.

"Wala" ako

"May sasabihin ka ata kay Zach Ian eh" pang-asar ni Shawn.

"Kayo ah, ano yan?!" Sandra.

"Oh please shut up" ako.

"Yiee" silang lahat maliban kay Zach na tahimik.

Habang kumakain ay nagpa-alam sina pinsan dahil may aasikasuhin daw sila.

"Oii Ian! Sagutin mo na si Zach sa madaling panahon, baka maagaw pa sayo" wika ni Sandra

"Wag mong madaliin si Ian, ang tunay na pag-ibig kayang mag-hintay kahit gaano pa katagal" Ivy

"Eh bat mo sinagot agad si Quen?" Shana

"Sapat na siguro ang dahilan na mahal ko sya" ani ni Ivy na para bang nahihiya.

"Sus, yan tayo eh" Sandra

"Kaya ba di mo pa sinasagot kambal ko dahil gusto mo pa syang pag-hintayin?" seryosong tanong ni Shana

"Sino ba kaseng nag-sabing di pa kame" nanlaki ang mata nya dahil sa nasabi nya.

"Kayo na?" sabay na tanong nina Shana at Ivy

"Oo na sinagot ko na sya!  Eh anong magagawa ko mahal ko eh" napangiti naman si Shana dahil sa sagot ni Sandra.

"Ingay niyo" wika ko pero sa totoo lang masaya ako dahil sakanila.

"Sungit netong babaeng to, hoyy Ian wag kang parang pagong dyan" nag-taka naman ako dahil sa sinabi ni Sandra. Pagong?

"Pinagsasabi mo Sandra?" tanong ko

"Wag kang babagal-bagal girl" kahit di mo sabihin Sandra nakapag-desisyon nako.

Nagku-kwentohan kaming apat nang biglang nag-hiyawan ang mga tao. Napatingin kaming lahat sa stage, di ko matanggal ang mga mata ko sakanya habang sumasayaw ng Mic Drop ng sikat na grupong BTS(Bangtan Sonyeondan). Ang astig niyang sumayaw sa sobrang titig ko kay Zach kahit lima lang sila nakuha parin nila nang tama. Di ko na masyadong nabigyan ng atensyon sina Quen, Shawn, Rojin at Kevin lahat sila magaling sumayaw pero kakaiba kay Zach. May angas at dating. Natapos na ang sayaw nila at bumalik na sila sa backstage pero di ko parin maalis sa isip ko yung titig nya sakin habang nagsasayaw sya.

"Cr lang ako" paalam ko sa kanila.

"Sige" Ivy

Habang naglalakad patungong cr ay may humila sakin sa isang madilim na kwarto, agad akong naka-ramdam ng kaba pero mas nangibabaw ang takot ko.

"Tulong!!"

"Shhh. Ako lang to Riana" ang sobrang takot na naramdaman ko ay agad na nawala at napalitan ng inis.

Ngayon ko lang napagtanto na di naman pala madilim dito kase may mga Christmas lights na hugis puso at meron ding mga petals na nag-kalat sa loob.

"May I have this dance?" wika nya sabay lahad ng kanyang kamay. Wala akong masabi kaya tumango ako at hinawakan nya ang aking kamay patungo sa loob ng hugis pusong Christmas lights.

Para sakin kahit walang music ay napaka-espesyal parin ng sayaw na ito.

"Adriana Brix Barque, alam kong masyadong mabilis ang lahat pero wala eh. Nabihag mo agad ang puso ko, di man ikaw ang unang babaeng minahal ko pero gagawin ko ang lahat para ikaw ang maging luhing babae sa buhay ko. Riana" dati ayaw na ayaw kong tinatawag akong Riana pero ng dahil kay Zach parang ang sarap pakinggan.

"Zach" sa halip ay niyakap nya ako ng sobrang higpit.

"Adriana Brix, Riana, Ian o kahit ano pa man, mahal na mahal kita" humiwalay sya sa pagkakayakap nya sakin at tinignan nya ako sa mata.

"Can you be mine?" sa puntong ito parang sasabog na ang puso.

Dahan-dahan akong tumango " Yes Zach, I'm all yours" kahit di mo na tanungin iyong-iyo na ko.

Habang tinititigan ko ang mga mata nya pababa sa kanyang labi, unti-unti syang lumapit at naramdaman ko ang kanyang malambot na labi. Sa bawat halik nya ay damang-dama ko ang kanyang pagmamahal. Ito ang gusto ng puso ko, sabi nga nila follow your heart. Wag nang magpa-kipot pa.

Love WarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon