Chapter 15

5 0 0
                                    

Sandra's POV

Patungo kami ngayon sa bahay ni Ian, di man sinabi sakin ni Quen ang buong detalye pero halata sa pananalita nya na may nang-yaring di maganda.

Pag-pasok sa bahay ni Ian ay agad kaming niyakap ni tita Bree.

"Tita ano pong nang-yari?" nagaalalang tanong ni Ivy

Ikwinento ni tita ang pagta-taksil ni Zach at Ynah sa mismong kwarto pa ni Ian at nakaka-inis sa lahat ay mag-kapatid si Ian at Ynah sa ama.

Maya-maya pa ay dumating na sina Quen.

"Nakita nyo ba si Ian?" tanong ni tita Bree

"Sorry tita, pinuntahan na po namin lahat na pwedeng puntahan ni Ian" dismayadong wika ni Shawn.

"Tol, wala naikot na rin namin ang buong B.U" wika ni Rojin.

"Asan na kaya ang anak ko"

"I'm sorry po" napatingin kaming lahat kay Zach na mukhang pagod at namumula ang kanyang mga mata.

Agad syang sinugod ni Quen at sinuntok.

"Pinagka-tiwalaan kita g*go! Pero ano?" agad syang hinawakan nina Shawn at Rojin.

"Zach, umalis ka muna" kalmadong wika ni Shawn.

"I'm sorry" bumuhos ulit ang kanyang luha.

"Umalis ka na Zach, kahit ilang sorry pa sabihin mo at kahit isang drum pa ang iluha mo hindi yun matutumbasan ng sakit na nararamdaman ngayon ng pinsan ko at kahit patayin kita ngayon di parin maalis ang katotohanang sinaktan mo sya!" alam kong nagpi-pigil lang ng galit si Quen dahil dumudugo ang kanyang nakayukom na kamay.

"Patawad. Pangako hahanapin ko si Riana, hihingi ako ng tawad sa kanya"


Tatlong buwan na ang nakaka-lipas pero di parin namin nakita si Ian, maging ang pamilya nya ay walang balita kung nasaan sya. Ayon kay Quen maingat sya sa pagtatago dahil lahat ng koneksyon nila ay wala paring balita, maging ang card na gamit nya ay di nila ma-acess. Lahat ng tauhan nila ay hinahalughog ang buong Pilipinas, tumulong na din ang  koneksyon ng pamilya ni Zach.

"Asan na kaya si Ian?" malungkot na wika ni Shana. Mula noong nawala si Ian lagi na kaming namamalagi sa bahay nya dahil yun ang kahilingan ni tita Bree.

"Sana nasa mabuti syang kalagayan" Ivy.

"Quen, wala parin ba kayong balita?" tanong ni Kevin

"Wala pa" Quen.

Habang papasok sa bahay nya ay natanaw namin si Ynah sa gate ng bahay ni Ian.

"Ang kapal din ng mukha mo" nakakagigil tong babaeng to.

"So? By the way, nandito ako para tignan kung nandito si Zach" mataray na wika nya

"Pwede ba Ynah, hindi wild forest ang bahay ni Ian para hanapan mo ng hayop" konti nalang masasabunutan ko na to.

"Oo nga, di ka ba nakonsensya sa ginawa mo? Kahit papano kapatid mo parin si Ian" Shana

"Buti nga nawala sya at sana tuluyan na syang mawala" susunggaban ko na sana sya pero naunahan ako ni Zach t hinawakan ng mahigpit ang kanyang braso kitang-kitang nag-aalab sa galit ang mga mata nya at hinila si Ynah dahilan para natumba sya.

"Kung ikaw kaya ang unahin kong mawala?" Zach

"Aray Zach, tama na. Nasasaktan ako ano ba?! Yung bata! " nanlaki ang mata namin sa sinabi ni Ynah.

"Ano buntis ka?!" Zach

"Oo Zach at ikaw ang ama ng dinadala ko" ano daw?

"Anong gusto mo icongrats ka namin dahil sa wakas matatali na sayo si Zach?" sarkastik na wika ko.

"Wag nga kayong bitter, pareho namin tong ginusto ni Zach"

Hindi nakapag-salita si Zach at halatang di nya nagustuhan ang sinabi ni Ynah.

"Nagustuhan?! Sh*t lng Ynah may kung ano kang pina-imon sakin at inakit mo ko!"

"Nagpa-akit ka naman?! Alam mo Zach yan na oh'' turo ko sa tyan ni Ynah "Magkaka-anak na kayo ni Ynah, ang dami mong drama kung sana di mo sya tinuhog edi sana di umalis si Ian at sana masaya kayo ngayon"


















Limang taon na mula noong nawala si Ian pero wala kaming balita, para siyang isang bulang nag-laho. Maging sina Quen ay umalis na nang bansa. Tuluyan na kaming nawalan ng komyunikasyon. Nag-hiwalay sila ni Ivy isang taon na ang nakaka-lipas.
Maraming nag-bago lalong-lalo na si Zach na mas naging pursigido sa pamamalaha sa kompanya nila at dahil isa na syang ama. Pinanindigan nya yung bata pero hindi nya pinakasalan ni Ynah, naka-tira sila sa iisang bahay ngunit ayon kay Shawn laging late umuwi si Zach at ginugugul nya ang oras nya sa pagtra-trabaho.

Nandito ako ngayon para bumili ng ireregalo ko kay Yzac, oo galit ako kina Zach at Ynah pero walang kasalanan ang bata.

Habang tumitingin ng laruan ay may nakita akong batang lalake na kasing edad ni Yzac na umiiyak sa isang sulok at mukhang nawawala kaya nilapitan ko.

"Hey baby are you okay?" maalumanay na tanong ko. Dahan-dahang syang tumungin sakin at namumula na ang kanyang mata.

"I'm not, can you please help me find my twin sister and my yaya?" pinahid ko ang kanyang luha at di kaya...
"Please po"

"Sige. Tara?" binuhat ko sya at ang gaan ng loob ko sa bata.

"Anong pangalan mo?"

"I'm Zydian po"

"Zydian! Nako ang alaga ko" lumapit samin ang isang naka-uniporme ng pang-katulong.

"Yaya!"

"Salamat naman at nakita na kita kung hindi papatayin ako ng mommy mo, salamat miss" sa pananalita palang ng katulong nya ay mukhang natatakot na sya sa kanyang amo.

"Walang anuman po, sige po mauna na po ako" paalam ko sakanila pero laking gulat ko nang yakapin ako ni Zydian.

"Thank you po" malambing na wika nang bata.

"Your welcome" naka-ngiting sambit ko sa batang lalaki.

"Zydian!" tawag ng isang mala-anghel na bata.

"Zyrein!" agad akong napatingin sa batang babae na kamukha ni Zydian.

Love WarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon