Chapter 12

3 1 0
                                    

Ian's POV

Gaya ng dati nagising nanaman ako dahil sa bunganga este ingay ni Sandra, kaya bumangon nako at ginawa ang morning routine ko. Habang sinusuklay ko ang buhok ko di ko mapigilang ngumiti dahil sa nang-yari samin ni Zach kagabi.

"Oii. Anong nginiti-ngiti mo dyan?" pang-asar sakin ni Shana. Natigilan ako dahil sa pag-pasok nila sa kwarto namin.

"Ikaw Ian, anong nang-yari kagabi bat di na kayo bumalik ni Zach?" pangiintriga naman ni Sandra.

"Wala" wika ko pero sa tingin palang nila hindi na sila naniniwala.

"Wala daw, sus! Oh sige na bilisan mo dyan at kanina pa nag-hihintay sa study area yung manliligaw mo" nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi ni Sandra kaya dali-dali akong tumayo at lumabas pero pagkalabas ko ay dinig na dinig ko ang tawa nilang tatlo.

"Good morning love" naka-ngiting bati sakin ni Zach. Lumapit sya sakin at niyakap nya ako ng sobrang higpit, ganito pala kasarap sa paki-ramdam. Ito yung ngiting gustong-gusto kong makita araw-araw. Yung ngiti ng taong mahal ko.

"Love?" nagulat ako dahil sa sabay na tanong nina Shawn at Rojin akala ko kaming dalawa lang dito pero mali pala ako. Kaya agad din akong humiwalay sa yakapan namin.

"Oh? May angal?" maangas na taong ni Zach sakanila.

"Wala" Rojin.

"Sabi ko nga wala eh" wika ni Shawn na naka-ngiti ng pang-asar.

"Nga pala bakit wala si Quen?" napansin kong wala din pala ang pinsan ko. Ganito ba ang epekto ni Zach sakin? Yung sya lang ang nakikita ko at di ko na pinapansin ang paligid ko.

"Kausap pa mama mo" sagot naman ni Kevin.

"Asan sila?" ako

"Sabi nya papunta na daw sila dito" Rojin.

"Sabay-sabay na tayong kumain ng breakfast para sabay-sabay din tayong pupunta sa bahay mamaya" masayang wika ni Sandra.

Maya-maya pa ay bumukas ang pinto kasabay ng pag-pasok nina Quen kasama sina mama at lolo. Agad na tumayo ang mga kaibigan ko at binati nila sina mama at lolo. Napa-tingin ako kay Zach na halatang kinakabahan kaya hinawakan ko ang kanyang kamay.

"Good morning Ian, apo" bati sakin ni lolo.

"Good morning lolo" bati ko kay lolo. Pero napatingin sya sa kamay namin at tinignang mabuti si Zach.

"Kung di ako nagkaka-mali ikaw ang nag-iisang anak ni Mr. Martyn, tama ba ako hijo?" nararamdaman ko ang panlalamig ng kanyang kamay.

"Yes, Mr. Barque. Ako nga po" seryosong sagot naman ni Zach

"Kung ganun? Ikaw ba ay nobyo ng aking apo?" si Lolo

"Opo" napatingin ako sa mga kaibigan namin, lahat sila napa-ngisi dahil sa sagot ni Zach. "At mahal ko po ang apo ninyo Sir" napa-tingin din ako kay mama na naka-ngiti din.

"Napaka-formal mo masyado hijo, tawagin mo nalang din akong lolo" wika ni lolo.

"Opo lolo" naiilang na sagot ni Zach.

"Mama?" napatingin ako kay mama dahil umiiyak sya. "What's wrong?"

"Nothing baby, masaya lang ako" agad akong niyakap ni mama at niyakap ko rin sya pabalik. "I miss you"

"I miss you too mama" ako.

"So? Zach Santi Martyn. Right?" seryosong napa-tingin sya kay Zach habang pinupunasan ang kangang luha.

"Yes ma'am" Zach

"Tita nalang hijo, gaano mo ba kamahal ang anak ko?" nabigla ako dahil sa tanong ng aking ina.

Love WarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon