Chapter 1

57 8 3
                                    

IAN POV

"Apo makinig ka. Wag mong ikulong ang sarili mo dito sa bahay. Masaya ang buhay sa labas. Mag-shopping ka, make some friends or attend some parties. Wag yung puro libro, c'mon Ian get a happy life." paki-usap sakin ni lolo habang nasa garden kami. Lagi nilang sinasabi sakin yung linyang get a happy life. Like duhh book is life. E ano namang masama kung dito lang ako? After school diretso na ko dito sa bahay.
"Tama ang lolo mo Ian o di naman kaya bumalik ka nalang samin" si mama Bree(Bri)
"Mama , lolo ok na po ako dito tsaka anjan naman sina Nay Berta at isa pa ayoko dun." agad akong tumayo at pumunta sa kwarto ko.
Di namn sa ayaw ko silang kasama may mga bagay lang talaga sa mundong ito na gusto mo nang kalimutan kaso hindi e, lalo na kung nagdulot ito sayo ng sakit . Sakit na kaylanman di na mawawala. Parang isang basag na salamin na di mo na maaayos kaya mas mabuting pabayaan mo nalang.

Ako isang normal na babae, ako si Ian , 18years old, collage student. Lahat ng gusto ko nakukuha ko, lahat ng kaylangan ko binibigay nina mama at lolo pero may isang bagay na kaylanman di ko makukuha. At sya yun.

"Ian anak, ayos ka lang ba? Ba't ka umiiyak?"di ko man lang namalayan na nakapasok pala si Nay Berta sa kwarto ko.
"Ayos lang po ako nay. Nakakaiyak po kase itong binabasa ko"palusot ko kaso tinitigan lang nya ako na para bang binabasa ang mga mata ko.
"Anak kung tungkol to sa..."agad kong sinara ang libro ko para di matuloy ang sasabihin ni nanay.

"Naka-alis na ba sina mama"

"Oo ijah kanina pa, pumunta ako dito para tawagin ka. Tara na kakain na" tumango nalang ako bilang sagot.

KINABUKASAN

Pag-pasok ko sa room nadatnan ko si Quen ang nag-iisang kaibigan ko.
"Hey! Good morning" bati nya sakin.

"How's your weekend? Lemme guess? Puro ka books no? Hahaha. Get a happy life." Asar akong napatingin sa kanya. "Mr. Quen Cristobal, pwede ba? Tss" agad ko siyang tinignan ng masama kaya ayan panay tawa si loko. Buti nalang dumating na si Prof.

DISCUSS

DISCUSS

DISCUSS

Saktong magdismiss si Prof. may tumatawag sa phone ko. Si lolo ba't naman to tatawag? At ang masaklap pa sa personal # niya di naman niya iyon gagamitin kung di personal matter. Haisstt ano naman kaya to. "Ian . We need to discuss something. Umuwi ka na. Nandito na rin kami nang mama mo. Pinapunta ko na rin si Edwin para sunduin ka. ASAP" toot toot toot.
Di ko man lang natanong kung tungkol saan ang pag-uusapan namin.

SOMEONE's POV

Uugghh traffic! So boring kanina pa kami dito kaya eto ako nakadungaw sa may bintana nang saktong tumama ang mata ko sa isang babaeng nagbabasa. Di ko man masyadong makita ang kanyang mukha pero di ko alam kung bakit tinititigan ko siya.
Hanggang sa unti-unti na siyang mawala sa paningin ko.


IAN POV

"Lolo you must be kidding me!!"di mapigilan mapasigaw dahil sa pinag-usapan namin nina Lolo. Oh please not me.



RedNote

See you in next chap. Sorry kung may mga mali kase first work ko to. Hehe . Lovelotss.. Mua.

Love WarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon