Chapter 14

5 1 0
                                    

*SPG(lengwahe)

IAN's POV

Sa isang buwan na pamamalagi namin dito sa Germany ay labis akong nangulila sa mga kaibigan ko lalo na kay Zach. Madalas kaming nag-uusap sa skype. Sakanya ko rin pinagka-tiwala ang bahay ko dahil wala sina nanay Berta, sa mga panahong wala ako dun, doon sya namamalagi at sa mismong kwarto ko sya natutulog.

"Ian, anak. Aalis kami ng lolo mo, bumaba ka nalang pag nagutom ka o di kaya utusan mo ang mga katulong natin para dalhan ka ng pag-kain dyan" nandito ako ngayon sa roof top pinag-mamasdan ang mga bitwin sa langit.

"Opo mama".

Ngayong naka-uwi na kami galing Germany agad na dumiretso sina mama sa hotel kung saan gaganapin ang kaarawan ko,nandun narin ang mga kaibigan at mga mga bigating guest, pero ako uuwi muna ako sa bahay dahil napag-usapan namin ni Zach na sabay na kaming pupunta doon.

Third Person's POV

Nag-taka si Ian dahil sa nakita nyang pink sports car sa labas ng kanilang gate pero di nya ito pinansin dahil sa isip nya ay ireregalo ito ng nobyo nyang si Zach. Dahil napa-aga ang dating nila gusto nyang surprehasin si Zach kaya sa dahan-dahan syang pumasok sa kanyang bahay at di maalis sa kanya ang labis na kasiyahan dahil sa wakas makikita na nya ang taong mahal nya. Pag-dating sa ikalawang palapag ay binalot sya ng matinding emosyon dahil sa naririnig nyang ungol ng babae. Para syang binuhusan ng nangye-yelong tubig. Di sya maka-galaw sa kanyang kinatatayuan halos sampong minuto syang naka-tayo at di malaman kung ano ang kanyang reaksyon. Parang may sariling pag-iisip ang kanyang mga paa at nag-tungo sa lugar kung saan nangga-galing ang ungol,walang iba kung hindi sa mismong kwarto nya sa kama kung saan nya sinuko ang pagka-babae nya. Samantalang hindi napansin ni Zach ang presensya ni Ian na naka-tayo lang sa pinto at pinapanuod ang sabay nilang pag-bayo ng babae. Nag-aalab na ng galit ang mga mata ni Ian pero walang luha ang lumalabas sa kanyang mga mata.

IAN's POV

Galit?! Oo sa mga oras na ito galit ang nararamdaman ko pero walang luha ang lumalabas sa aking mga mata.

"Masarap ba Zach?" napa-tigil sya at unti-unting lumingon sa kinaroroonan ko at sobrang pula ng kanyang mukha.

"L-love?"

"Put*ng ina Zach! Masarap ba?!" dali-dali syang tumayo at isinuot ang kanyang boxer.

"L-love let me explain"

"Explain? F*ck off dude! Sa nakita ko wala ka nang dapat sabihin! T*ng in* lang Zach! Sa kama ko! Sa kwarto! L*tse! Ano nag-enjoy ka ba?! Nasarapan ka ba?! P*tang *na! Ang sarap ng regalo mo g*go!" gusto kong mag-wala!!

Lumuhod si Zach sa harap ko at nagmamaka-awa.

"I'm sorry l-love" umiiyak na wika nya. Habang napa-tingin ako sa babae mas lalong nag-init ang ulo ko dahil kamukha ko sya!

"Sige ituloy nyo lang. Pasensya sa istorbo" malamig na wika ko.

Pababa na ako sa hangdan ng makita ko si mama kasama ang taong matagal ko nang kinalimutan.

"Riana, anak ko" aniya pero di ko pinansin at patuloy lang ako sa pag-alis. Gustong umalis sa lugar na to.

"Riana! Love!" paalis na sana ako pero tinawag ako ng g*go.

"Zach, anong nang-yari dito?" alam kong nangtataka si mama pero wala akong balak sabihin ngayon.

"Papa? What are you doing here?" papa? T*ng ina lang talaga! F**k!

"Anak. Happy birthday" buong lakas ko syang hinarap.

"Anak mo?! Sino ako o yang babaeng ka-s*x ng g**ong ex ko?" nanlaki ang mata nya at ganun din si mama. "Happy birthday? L*tse lang! Kaylan pa naging masaya ang birthday ko? Mula noong iniwan mo kami ni mama, naging ganito na ako! At pwede ba Mr. Adrian Santos, wag na wag mo akong matawag-tawag na anak dahil kahit kaylan hindi ka naging ama sakin!" isang malakas na sampal ang natamo ko mula kay mama.

"Di kita pina-laking bastos Ian!"

"Di mo rin ako pina-laki na may ama kaya hindi mo ako masisisi! At pwede ba lumyas kayong lahat sa pamamahay ko!"

"Riana, anak, patawarin mo ko, nagmamaka-awa ako bigyan mo ako ng pagkaka-taong maging ama mo"

"Noong panahong nagmamaka-awa ako sayo na wag ka nang umalis, noong panahong hinabol kita ni minsan ba inisip mong ihinto ang sasakyan mo para balikan ako? Iniwan mo kami ni mama para sa babaeng yun!"

"Kaylangan nila ako noon, Riana sana maintindihan mo"

"Hindi mo ba naisip na kaylangan kita? Kaylangan din kita! At ngayon sana maintindihan mo rin na di kita mapapatawad, parang awa mo na umalis ka nalang ulit. Iwan mo nalang ako. Matagal nang wala ang ama ko"

"Ian!" puno ng awtoridad na wika ni mama.

"P*nyet*! Wala talaga kayong balak umalis! Sige ako nalang ang aalis!"

Pagka-alis sa bahay ay hinabol ako ni Zach at niyakap ng mahigpit.

"Riana, I'm sorry, alam kong nagka-mali ako. Sana mapatawad mo ko mahal ko" kumalas ako at sinampal ko sya ng sobrang lakas.

"Kung mahal mo ko bakit mo nagawa yun? Sa mismong kama ko?!"tuluyan nang lumabas ang aking luha hindi dahil sa sakit kundi dahil sa inis. Bakit nila nagawa sakin to? Si daddy ang unang lalakeng nang-iwan sakin sya rin ang unang nanakit sakin ng sobra at ngayon yung lalakeng una kong minahal binigay ko ang lahat pero di pa nanging sapat. Eto pa ang kapalaran ko? Ang saktan ng mga taong minahal ko? 

Apat na oras na akong nagma-maneho at sa wakas naisipan kong pumunta sa unit namin ng mga kaibigan ko.

"Bakit kaya di dumating si Ian, sayang ang bongga pa naman ng party nya"dismayadong wika ni Shana.

"Sasabihin ba natin kay Ian yung nakita natin" napatigil ako sa pag-bukas ng pinto.

"Wag!" wika ni Sandra

"Bakit?" Ivy.

"Kaylangan muna natin tanungin si Zach kung mahal ba nya talga si Ian" Sandra

"Malinaw naman ang nakita natin ah,  nag-hahalikan sina Ynah at Zach at alam nating lahat na mahal na mahal nila ang isa't-isa noon pero dumating si Ian at sadyang mapag-laro ang tadhana dahil magka-mukha pa sila" all this time alam nila na may nangya-yari pero di man lang sila nag-sabi. I feel so betrayed!

Sandra's POV

Kanina pa ako paikot-ikot sa kama ko dahil sa nakita namin noong nakaraang araw, si Zach at Ynah nag-hahalikan. Imposibleng nag-kabalikan na sila. Papano na si Ian, alam kong mahal na mahal nya si Zach. Gusto kong sabihin kay Ian ang nakita namin pero hindi ito ang tamang panahon lalo na't birthday nya, pero di man lang pumunta sa party na inihanda para sakanya.

Maya-maya pa ay naramdaman ko ang pag-vibrate ng phone ko.

"Hello, Quen?"

"Sandra, nandyan ba si Ian?" ano daw?!

"Si Ian? Wala bakit?"

"Nawawala si Ian"

Love WarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon