Chapter 10

4 1 0
                                    

IAN's POV

"Hoy Ian, kumekerengkeng ka na ah. Isipin mo tanghaling tapat nakikipag-yakapan sa gitna ng soccer field. Di nyo feel ang init te?" panermon sakin ni Sandra

"Baliw ka ba Sandra? Eh sa medyo makulimlim naman kanina ah, tsaka umupo ka nga para kang matanda na nakapamewang dyan e" awat ni Shana sa kanya buti nalang at tapos na ang klase namin.

"Sus, isa ka pang bata ka. Hoy Shana natututo na kayong lumandi a pati ikaw Ivy" Sandra

"Iihh, pano napunta samin ang usapan and FYI Ms. Sandra talagang close lang kami ni Kevin" pagtatanggol ni Shana sa kanyang sarili.

"Close? Oh eh sabi mo e! Ikaw Ivy? Kayo na ni Quen?" namula at natahimik si Ivy dahil sa tanong ni Sandra.

"Silent means yes" komento ko pero para sakin ayus naman si Ivy para sa pinsan ko.

"Kyaahh!!  For real?!" sabay na tili nina Shana at Sandra na lalo pang nag-init ang pisngi ni Ivy.

"At ikaw naman Ian? Kayo na rin ba ni Zach?" tanong sakin ni Ivy

(Flashback)

"Ehem, Ian tayo na?" ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko dahil sa tanong ni Zach.

"Ok tara na!" hinila ko ang kamay nya pero tinawanan lang nya ako. "Ano na tara na, akala ko ba 'tayo na'?"

"What I mean is tayo na? You and me in a relationship? Officially yours and officially mine" wika nya habang naka-tingin sa aking mga mata.

"Zach" sa totoo lang kinakabahan ako at di ko alam ang sasabihin ko, handa na ba ako o kaya ko na bang pumasok sa ganitong relasyon? D*mn!

"It's okay Ian, I can wait" Zach said in his manly and sexy tone.

"Yea" yea?! Geezz Ian are you out of your mind? Sa dinami-dami ng pwede mong sabihin 'yea' talaga? Arrgghh!

"Cute mo" wika nya habang ginugulo ang buhok ko.

I want to see those boxy smile everyday and I want to be with him every moment of my life.

(End of Flashback)

"Umagang-umaga lutang ka" bungad sakin ni Shana

"Oo nga, mula nong nang-yari sainyo ni Zach sa soccer field ganyan ka na" Sandra

"Tama si Sandra, last week pa yun Ian, bukas B.U night na. Excited na ko" wika ni Shana

"May problema ka nanaman ba Ian?" tanong sakin ni Ivy.

"Wala naman, may iniisip lang" sa totoo lang kinakabahan ako dahil nung isang araw ay dumating na sina mama at lolo at alam ko rin na bukas malalaman na nila kung sino talaga ako natatakot ako na baka ako naman ang iwasan nila.

"Since tapos na lahat ng klase natin gala tayo"

"Hoy, Shana di porket wala na tayong klase at tapos na mga exam natin ay pwede na tayong gumala" pang-aral ni Sandra kay Shana.

"KJ neto" Shana

"Hindi sa kj, bukas B.U night sa Sabado nalang over night tayo sa bahay, ano game?" masayang wika ni Sandra.

"Yeheyy. Masaya yan. Sama ka Ian" Shana

"Oo naman" pero sana di mag-bago ang pakikitungo sila sakin.

"Oh sya, matulog na tayo para di tayo mukhang zombie bukas sa party" aya samin ni Sandra.

"Tulog agad? Pano hapunan naten?" reklamo ni Shana.

"Pasado alas-sais palang, masyado kang excited" wika ko kay Sandra.

"Ok fine! Dito nalang tayo kakain" Sandra.

Love WarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon