Gusto
"Abby!"
Gulat na napalingon ako kay Jhonly na papasok ng bahay. Muntik nya pang mabangga si manang Lena na may dalang paso.
"Ay sorry, manang. Hehe." Umiling lang si manang.
Kunot-noo ko syang tinignan habang naglalakad palapit sa mesa. Ganito kaaga nandito na sya?
"Ang aga mo." Tinuro ko ang upuan sa harap ko para makaupo sya. Nag-aalmusal ako ngayon dahil kakagising ko lang at maaga naman masyado ang isang to.
"Intrams duh!"
"Breakfast ka muna, John."
"I came here well prepared, ate girl. Pero sige kakain ako nitong sandwich nyo."
"Sina Reg?" Tanong ko.
"Naghihintay satin. Where's tita Let?"
"Nasa office na." Uminom ako ng juice at pinaghain ko na din sya.
"Ganito sya kaaga? May tao na ba sa Gallery by this time?"
"Yup. Mga 6 may exhibit na sila dun and she needs to be there so early to manage the sell and the customers."
"Ganun kaaga? And soon magiging ganun ka din. Ikaw ang successor ng business nyo."
Umismid ako. "Matagal pa yun. And I'll let mama handle the business for as long as she still can."
Tumango sya. "Tama naman. So, are we going or not? Because you see? Sinusundo kita and you need to tell me something but first, maligo ka muna para maka byahe na tayo."
"Wait here." Tinakbo ko agad ang kwarto not minding the
' something' he was talking about. Baka si Gael na naman tinutukoy nun.Mabilisan lang akong naligo at nagbihis. I'm wearing maong pants at Red T-shirt na may tatak na "Alexandrial SHS" pangalan ng school. Pinaresan ko lang yun ng puting sneakers bago bumaba at salubungin ang naiinip na si Johnly.
"Tumawag si Reg. Nag-aantay daw sila dun sa may gate. Ayaw pumasok sa loob dahil gusto nya sabay tayong apat."
Bukas pa ang Cheerdance competition nila dahil inuna muna ngayon ang ibang activity like, quiz bee, booths opening and other ball games. Mamaya pang hapon ang labanan sa Quiz bee kaya medyo excited din kami sa performance ni Lany. We are sure she'll make it.
Sa kotse ay panay talak si John. Kesyo ang tagal ko daw at mapapanis pa ata foundation nya. Tinawanan ko lang sya.
"And look, di ka man lang nag make up? Jusko naman teh girl."
"Papawisan lang ako sayang lang make up."
"Marami naman kayong pera pambili."
Umismid lang ako.
"At nga pala, last week nagpunta ka pala sa victory party ng Crisostomo Enterprises?"
Kumunot ang noo ko.
"Pano mo nalaman?" Di ko naman kase Nakwento sa kanila ang tungkol dun. So how come he knew it?
"Lumabas sa feed ko. Nag upload si Diego Crisostomo, yung panganay na anak ng mga Crisostomo? Friends kami sa FB. I saw you in two photos he uploaded."
Kaya pala. After kase nag CR ni Diego nun ay bumalik sya at dun na nag suggest ang ilan na mag pic kami. He even asked me for a shot with him at pumayag naman ako. Yun siguro ang tinutukoy ni John.
"Yeah. We met in that party."
"Ang gwapo nun!" Bulong nya. Takot marinig ng driver dahil baka malaman pa nito ang pagkatao nya.
BINABASA MO ANG
Love, Abby.
Horror"I found love through my eyes that's looking at you. And I found home through my hands which holding onto you." Love, Abby.