Birthday girl
"Abby, aalis kami saglit ng tito Philip mo. Limang araw lang o baka mag extend pa kami."
It was third week of August means my birthday week. Nagulat ako sa paalam ni mama. Did she forgot that it's my birthday? Ngayong Saturday na iyon. Kahapon nagtanong sina John kung nakaprepare na kami para sa birthday ko pero wala naman akong masagot na matino. Though I have been telling them that a simple party will do, still they expect grand
Party."Pasaan po?" I asked her curiously.
"We are bound to China."
Nanlaki ang mata ko. So she did forgot my birthday! Nung 17th birthday ko may mini party kami dito sa bahay and she announced there that she'll be giving me a grand party in my 18th birthday. Sinabi ko naman sakanya noon na ayos lang yung simple but she insisted her thought. Nakaramdam ako ng labis na sakit sa puso ko. Nakalimutan nya ang birthday ng sarili nyang anak!
"Sige po."
Dali-dali akong lumabas ng kwarto nya at dumeretso sa kwarto ko. I cried my heart out silently. How could she do that? I'm not crying because she forgot to throw me a party, umiiyak ako kase literal na nawala sa isipan nyang kaarawan ko na.
By morning I didn't wake up early. Sinadya ko nang umabsent sa araw na iyon. Nung mag alas nuebe na ng umaga ay saka ako bumangon at naghilamos bago lumabas ng kwarto. My eyes feel sour dahil sa kakaiyak buong gabi.
Pagkabukas ko ng pinto ay may nakita akong sulat sa baba ng sahig sa harapan ng kwarto ko. Pinulot ko iyon at agad na binasa ang laman nun.
I know you don't like your Tito Philip for me but please 'By, I know are kind enough to accept things and I'm hoping for that to happen. Pupunta kami sa China to meet his clan, I'm sorry I can't bring you with us may klase ka and you won't go with us I know that. Please take care here while I'm away. I love you.
-Mama
Parang sinaksak nang paulit-ulit ng kutsilyo ang puso ko. Napahikbi ako sa mga nangyayari. Masakit na masyado. Masyado nang nababaliw si mama kay Tito Philip. She couldn't see me anymore, si Tito Philip na ang bumulag sakanya at sa mga oras na iyon ay mas lumaki ang galit ko sa kay Tito Philip. He's too much!
Tinahan ko ang sarili ko pagkatapos ng ilang minuto na pag-iyak. Wala nang magagawa ang luha ko. Nangyari na. Bumaba ako papuntang kusina at sumalubong agad sakin ang amoy ng adobo na niluluto ni manang. Naramdaman ko bigla ang gutom ko. Sinalubong naman ako ni ate Dona ng bati.
"Di po kayo pumasok ma'am Abby?" Tanong nya habang nilalapag sa harap ko ang Chocolate coffee
Umiling ako. "Tinamad ako ate."
"Birthday mo na nga po pala sa Sabado diba? Bakit parang walang preparasyon ma'am?" Aniya.
Natigilan ako sa pagkain.
Humarap naman samin si manang. "Ako din nagtataka kung bakit wala? At ngayon nagpunta pa sila ng China kasama si Sir Philip. Kinalimutan nya ma'am Abby?"
Kinagat ko ang labi ko. Kahit yung simpleng tanong nila ay halos magpaiyak na sakin.
"Busy si mama." Sagot ko at pinagpatuloy na ang pagkain. Mamayang hapon paniguradong uulanin na naman ako ng tanong.
"So wala nang party?" Tanong ulit ni ate Dona.
Napasinghap ako. "Wala po. Simpleng dinner lang yata." I'm not even sure kung may simpleng dinner nga na magaganap.
Sa hapon ay ganun nga ang nangyari. Pagkapasok ko sa school ay bumungad agad sakin ang abot-abot na tanong nila John. Kanina ko pang hinanda ang sarili ko sa maaaring pag-iyak sa tanong nila. I'm gonna try my best not to cry.
BINABASA MO ANG
Love, Abby.
Horror"I found love through my eyes that's looking at you. And I found home through my hands which holding onto you." Love, Abby.