Actor
"Are you going to swim?"
Sinundan ko ng tingin si Diego na inaalis ang sleeveless shirt nya mula sa gilid ko. Maliligo na yata sya.
"Mamaya." Sagot ko at ginalaw-galaw ang paa kong nakababad sa pool.
"I'm going." Aniya at tumalon na. Natalsikan pako ng tubig kaya napangiwi ako. Sinadya nyang lakasan ang talon nya para mabasa ako at humalakhak sya nang makita ang itsura ko.
"Pasalamat ka at maliligo din ako."
Di nya yun pinansin at nagdive nalang.
"Makikiupo." Caleb sat beside me with his board short on and sleeveless shirt.
Ngumuso ako. "Kung sa ibang pagkakataon baka nandun ka na ngayon nakaupo sa kabilang side ng pool. You won't let yourself sit next to me."
Tumawa sya. "Kung hindi ka pa graduated, yes ganun nga." Aniya.
Nanliit ang mga mata ko. "I don't know what has gotten into you two at nagawa nyo yun. I mean, I still don't get it."
Ngumisi sya. "We did that to Melanie, too."
He's a great actor. They are. After that night, where Caleb mentioned the 'deal done' thing ay sinabi lahat ni Diego ang ginawa nilang magkapatid. It was a dare for Caleb to treat me harshly. Diego dared him at mahihinto lang yun kapag umabot na ang graduation ko. Ang sabi ni Diego ay naglaro lang daw sila nun at naisip nyang gawin akong subject sa dare nya kay Caleb that explains why Caleb treatments towards me changed, because he accepted the dare.
Nainis ako ng sobra nun kay Diego. Ayokong may sama ng loob ako sa ibang tao at yung ginawa nyang pag dare kay Caleb na ibahin ang pakikitungo sakin ay nagbunga ng sama ng loob ko sa kapatid nya. I was sorry for Caleb though he admitted his fault too, still pakiramdam ko nakagawa ako ng mali at dahil yun kay Diego.
I didn't talk to him for weeks. Even Caleb tried to reach me through calling and texting me pero mas lalo lang akong nahihiya sakanya. But we are quit, alright. He treated me harshly and I just returned back the favor.
"Nagalit din sya tulad ko?" I asked.
"Opposite to your reaction."
Tumango ako. "I wonder if you also dared Diego to do something."
"His dare is done. Matagal na." Ngumisi sya.
Kinagat ko ang labi ko at dumungaw sa paa kong nakababad parin sa tubig.
Nasa bahay nila kami. Inaya ako ni Diego dahil wala na naman akong kasama sa bahay. Mom is still busy with works at last month pang umuwi ang mga pinsan ko. Ayaw pa nila umuwi kaso may trabaho dun ang mga magulang nila at ayaw naman ng mga yun na magpaiwan sila dito sa Pinas. They even invited me to go with them but mom didn't let me. Aniya magbabakasyon din kami pag may time na. Sanay rin naman ako na walang bakasyon. I enjoy being with Diego and Caleb, lalo na ngayon at ayos na ang lahat, wala nang dare.
"Ang sarap ng buhay kapag magkasundo ang lahat." Sinabi yun ni Diego nang pakanta kaya sinipa ko ang tubig para matapunan sya.
Caleb laughed. "You're too damned, kuya."
"What? You liked the dare alright, don't just damn me." Lumapit si Diego sa paanan namin. Pinsadahan nya ng kanyang kamay ang buhok nya. "Too cold yet I'm hot." Aniya.
Pinanliitan ko sya ng mata. "Be careful please, baka malunod ka sa bigat at lakas ng confidence mo."
"Okay baby." Kumindat pa sya bago nagdive ulit patungong kabilang side ng pool.
BINABASA MO ANG
Love, Abby.
Horror"I found love through my eyes that's looking at you. And I found home through my hands which holding onto you." Love, Abby.