Chapter 9

2 1 0
                                    

Merry Christmas

"You put that here, sweetheart."

"Shall I put this one, too, papa?" I raised my left hand kung saan hawak ko ang isang maliit na gift.

Tumango sya. "Yes. That's for the children that will be here later. Matutuwa sila dyan."

"Marcus!" Nabaling kami kay mama na bihis na bihis na ngayon para sa mamayang pagsalubong sa pasko. Ngumisi ako sakanya nang tumingin sya sakin puno ng pagkadismaya.

"Miss Abby is helping, Madame." Ani papa. Tumawa ako.

"Ba't mo pinatulong? She should be upstairs fixing herself. Later, the street children will be here. Dapat ay bihis na sya ngayon."

"Mama, tinuruan ako ni papa sa gift wrapping." Tumalon-talon ako habang pinapakita sakanya ang isang gift na gawa ko mismo.Umiiling na kinuha nya yun sakin at nilapag sa sofa. Tumawa si papa.

"Oh, Marcus, I thought you are cleaning her already. Look at her face, nanggaling ka ba sa kusina? Bakit may arena ka sa mukha?" Nakangiwing pinasadahan ni mama ang mukha ko. Ngumuso ako at naramdaman ko ang hawak ni papa sa balikat ko habang natatawa.

"Nagbake ng cake. Naabutan kong nakikihalubilo dun kina manang. She doesn't want to take a bath yet, gusto daw nya tumulong."

"Cake? We don't need cake. Jusko! The kitchen must be in disaster right now."

"Mom, It's fun! Magaling na ko magbake. Tinuturuan ako nila manang habang nagluluto sila ng food."

Humalakhak si papa habang abot-abot ang pag iling ni mama.

"Marcus clean her right away. Ako na dyan. You go upstairs with her. Fix her hair it's messed up."

"Okay, okay we're going upstairs, Madame." Ani papa humagikhik ako kaya piningot ni papa ang ilong ko. "Pinagalitan tayo, don't laugh, missy."

Natawa ako sa mga naalala. The memory is still fresh for me. Papa's voice still clear to my ear and I can't help but feel him right at the moment. Pag naalala ko sya pakiramdam ko nandyan na naman sya sa tabi kaya napapangiti ako. I can't still feel his love.

I took one glance at the mirror before going out my room. Naka pulang strapped dress ako at puting flats. Mom allowed me to wear this kase dito lang naman kami sa bahay. Magkakaroon kami ng bisita pero konti lang. I curled the tip of my hair kaya nagmukhang mas maikli ito but I like it, magaan sya sa paningin ko.

Pagkababa ko kay sinalubong agad ako ni mama ng yakap.

"Merry Christmas, By. You look so pretty." Pinasadahan nya ang ayos ko at nangingiti nya akong tinignan. "You are growing."

Namula ako. "Ma! Nakakahiya."

Tumawa sya. "Okay I'll stop." Aniya. "Join our visitors, By."

"Okay po. Merry Christmas too." I kissed her bago kami nagtungo sa ilang bisita na nakaupo sa mga sofa sa living room.

I saw Mr. Abraham talking with two visitors at nang makita nila kami ay mabilis silang tumayo.

"Good evening, po." I greeted them. Nagbeso ang dalawang babae sakin at ngiti naman ang iginawad sakin ni Mr. Abraham.

"You look so pretty, iha." Puri ng babaeng nagpakilalang Mrs. Loesha Borja. Ngumiti lang ako.

"Mana nga sa ina." Nginitian ako ng isa naman na si Mrs. Jehanna Ida.

Natawa si mama. "Dapat lang naman."

Maya-maya ay nagtungo na kami sa dining area para dun na mag-usap habang naghihintay pa sa isang bisita. Gusto kong magtanong kung sino yun pero nahihiya naman akong magtanong sa harap ng bisita.

Love, Abby. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon