Selfish
Mabigat ang loob kong tinapos ang pagfi-fill up sa enrollment form. Nasunod ko rin naman ang gusto ko. Sa Solomon pa rin ang bagsak ko dahil sa pagpupumilit ko pero may konting kirot sa puso ko dahil hindi kami maayos na nakapag-usap ni mama tungkol dito. Siguro napuno na sya sa kakapilit ko nito kaya halos ipagnuknukan nya na sakin itong school. Labag sa loob nya pero hinayaan nya nalang ako sa gusto ko.
"Do what you want."
Sabi pa nya pero nahihimigan ko ang bahid ng sarcasm at pagkadisgusto sa boses nya.
"Snack muna tayo?" Anyaya ni Reg habang lumilinga-linga sa loob ng campus. Katatapos lang namin mag enroll at tumambay muna kami sa isa sa mga mini benches dito sa ibaba ng ground. Dagsa ang pila at mga istudyanteng naglilibot sa loob nitong campus.
Nakuha na rin namin ang mga numero ng lockers namin at nakapaglibot-libot din kami sa mga rooms. I texted mom that I'm enrolled but she didn't text me back. Naisip ko na galit parin sya sa ginawa ko kaya medyo nakaramdam ako ng guilt. But it's okay this way kesa naman mag-aral ako sa paaralang di ko naman gusto.
"Ayos ka lang, Abby?" Biglang tanong ni Lany. Napansin nya siguro ang pagiging tahimik ko. Napabaling samin ang nagboboy hunting na sina Reg at John.
"Hey, wag mo na ngang masyadong dibdibin. Magiging maayos din yan. Gusto mo to diba? Dapat lang naman na hayaan ka dito ng mama mo." Ani John.
Tumango naman si Reg. "Lilipas din yang galit ng mama mo. Konting lambing lang, By." Aniya.
I almost breakdown by what they said. Kung hindi ko lang pinigilan ang sarili ko ay baka kanina pako umiyak dito. I wish its just that easy.
"Is that Caleb Crisostomo?" Napaangat kami ng tingin sa tinuro ni Reg. Sa di kalayuang bench ay naka tayo si Caleb habang nakikipag-usap sa mga kaibigan nya. He's with Keiron, Yzan, Hiro at iba pang di ko kilalang mga lalaki.
"Sya nga! Hala!" Halos pumadyak pa si John sa kilig nang makumpirmang si Caleb nga iyon. Di ko din alam na dito pala sila nag-aaral dahil di ko rin naman natanong sa kanila yun at di rin nila nabanggit.
Bahagyang napatingin sa banda namin si Keiron at napatigil sya sa banda ko. Kumunot ang noo nya at maya-maya ay napangiti sya.
"Abby!" Sigaw nya kaya napalingon saamin lahat ng nasa banda nila. Kita ko din ang gulat sa mata ni Caleb. He didn't know that I'm studying here.
"Keiron!" I called him at kumaway ako sakanya.
"Kilala mo?" Tanong ng mga kaibigan ko.
Tumango ako. "Sya yung si Keiron, and that is Hiro the guy with headphones and Yzan, the guy with guitar. Naalala nyo yung kinwento ko sa inyo sa unang labas namin ni Diego?"
"Hala they're coming!" Impit na tumili sina Reg at John habang si Lany naman ay katulad ko lang na nakatingin sa papalapit na tropa nila Caleb.
Lumapit sila at nangunguna pa si Caleb. I suddenly wondered about Diego. Nandito din ba yun?
"Hi, Abby!" Bungad agad nila Keiron. The other three guys with them just smiled at us.
"Dito kana magka college?" Tanong ni Keiron.
"Obviously, bro." Natatawang sabi ni Yzan. "It's good to see you here." Isa-isa nyang pinasadahan ang mga kaibigan ko.
"Di mo sinabi na dito ka mag-aaral." Caleb said.
"Uh, I decided to study here. My friends are studying here, that's why." Sagot ko.
Kinurot ako ni John at nginisian ako. He want me to introduce them. Tumayo ako.
BINABASA MO ANG
Love, Abby.
Horror"I found love through my eyes that's looking at you. And I found home through my hands which holding onto you." Love, Abby.