Deal done
The days were too fast. Sa isang iglap nakatunganga nako ngayon sa harap ng Toga ko. The graduation will start after an hour. I sighed in relief. After the long struggles, here I am able to have my diploma.
Maraming tao ang dadalo sa selebrasyon ko. Unang suggest ko kay mama ay simpleng dinner lang pero di niya yun pinansin. Aniya mas gusto nyang i-celebrate ito nang maraming tao ang dadalo. We invited our relatives from State who flew back here just to attend the party. Di rin mawawala ang mga kaibigan ni mama sa business industry and of course, tito Philip.
The day after the night I refused to take his gift, mom talked to me. Nagtanong kung bakit di ko yun tinanggap. Sinabi ko lang na masydong mahal at di ko yun kayang tanggapin. She asked me more but I stayed quiet the whole talk kaya di na sya nagpilit pa. After that, patuloy parin naman ang madalas na pagbisita ni tito Philip sa bahay at pinapakisamahan ko nalang kahit sa loob ko ay may pagkairita nang namumuo, nanahimik nalang ako.
"Abby, dali. Picture muna tayo!" Sumalampak agad sa tabi ko si Haze, ang pinsan ko na anak ni Tito Salvador. Umakbay sya kaya ngumiti naman ako para sa picture.
"Sasama ka na ba sa State ngayong bakasyon?" Ginagalaw naman ni Simon ang invitation card ko. Anak naman sya ni Tito Winston na panganay na kapatid ni mama. Tatlo kase silang magkakapatid, si mama ang bunso at pangalawa si Tito Salvador.
Nasa baba ang ibang pinsan ko at alam kong maya-maya ay susugod din yun dito.
"Ewan kay mama." Sagot ko. Tapos na'kong ayusan at kakalabas lang ng baklang make up artist nang pumasok ang dalawa.
"Sabi ni tita magiging busy daw sya ngayong bakasyon, narinig ko kanina nung nag-usap sila ni daddy." Ani Simon. "Does it mean, you won't go?"
"Of course she will go, Simon. Pwede naman magpaiwan si Tita dito. Sunod nalang sya after." Sabi naman ni Haze.
Nagkibit balikat lang ako. It's all up to mom. Naka depende sakanya kung magbabakasyon kami o hindi. She never sent me to a vacation alone, It's always with her.
"Hey!" Napalingon kami sa pagpasok naman ng kambal na sina Kuya Klient at ate Kel. Sila ang kapatid ni Simon.
"Kuya, ate." Tawag ko.
Humagikhik naman sa tawa si ate Kelly at naiiritang siniko sya ni kuya Klient.
"KJ mo ah." Ani ate at natatawang lumapit samin ni Haze. Nakanguso naman ang dalawa sa sofa sa may gilid.
"What's with your laugh ate?" Tanong ni Haze.
"May bisita tayong babae. Maganda. Type ni Klient." Tumawa sya kaya napatawa din kami habang abot-abot ang mura ni kuya Klient sa tabi ng nakangising si Simon.
"Shut up! Kellaine. Tss. What's wrong with looking at her? Stop concluding. " Ani kuya.
Humagalpak naman sa tawa si ate. "Sus. Ganun yung tipo mo diba? Don't worry I like her for you."
"Don't say you like her just so I could approve your boy."
Tumawa ako. "So may tipong lalaki si ate Kel, kuya?" Tanong ko.
"Oo. Yung dakilang panget sa State-"
Natigil sya nang batuhin sya ni ate ng unan. "Gwapo si Ralph. Don't me."
"Nakita ko yun. Panget nga." Ani Simon at nag-apir pa sila ni kuya.
"Lumabas nga kayo!" Ani ate. Kaya tawang-tawa naman kami. Natigil lang kami nang oras na para maghanda sa pagpunta sa school. Pagkatapos ay bumaba na din ako dala ang toga ko. Isang itim spaghetti strap dress ang panloob ko at itim na high heels din. Si Ate Kel ang mismong nag suggest ng sapatos. The tip of my hair is curled just like my hair style in Christmas only that, mahaba na ito at lagpas balikat na di tulad noon. It almost reached my elbow. Ilang buwan nalang baka umabot na to doon.
BINABASA MO ANG
Love, Abby.
Horror"I found love through my eyes that's looking at you. And I found home through my hands which holding onto you." Love, Abby.