Chapter 6

28 2 0
                                    

Evil

Nakangusong umupo ulit ako pagkaalis nila Caleb. Mom still inside at naisipan ko din na sumunod kaso lang dadalhin ko pa tong mga pinamili sa loob kaya wag nalang dahil mapapagod lang ako probably why mom left me here.

"Nasa loob pa rin ba si tita?"

Halos mapatalon ako sa pagsulpot ni Caleb. Nasa gilid ko sya, nakatayo at may madilim na paningin. I looked on his back hinahanap ang kasama nya kanina ngunit wala akong nakitang Melanie dun.

"I sent her home." Aniya nung mapansin ang ginawa ko. Tahimik syang umupo sa tabi. Nakapagitan samin ang mga paper bags.

Nagtataka akong tinignan sya. "Bakit ka nandito?"

"Sasamahan ka."

Kinagat ko ang labi ko nang maramdaman ang malakas na tambol sa dibdib ko. Bakit nagkakaganito 'to?

"Di mo naman kailangan." Agap ko.

Tamad na tinignan nya ako. "Nagawa ko na. I also want to see tita."

Tumango ako. Gustong magtanong kung bakit nya hinayaang umuwi mag isa ang girlfriend nya para lang makapunta ulit dito at samahan ako. But then, he just said, he wants to see mom. Right wala namang ibang dahilan.

"Do you want to go around while waiting for your mom?" Tanong nya.

Mukhang magandang idea yun pero baka saglit nalang at lalabas na si mama kaya umiling nalang ako bilang sagot.

"Okay. I'll buy drinks-"

"No." Pigil ko. Tinignan nya ako. "Kakainom ko lang kanina."

Tumango sya at pinasadahan ulit ng tingin ang katawan ko. I saw how he closed his eyes like he just saw something bad with me that made him looks irritated.

Nagtaas ako ng kilay at tinignan ang sarili ko. I'm wearing a white short and Gray colored printed shirt at "I'm your baby" ang print. Paired with my white sneakers. Sinadya kong pabagsak ang buhok ko na bagong gupit at ngayon ay hanggang balikat ko nalang ito. My face was bare. I didn't put any make up.

"It's been months." Aniya. Binalingan ko sya na nakaharap na ngayon sa Jewelry shop. "I heard what happened to your branch in Batangas."

"Inaayos na yun ngayon."

Nakita kong tumango sya. He changed a bit. Humaba na ang buhok nya na halos tabon na ngayon ang mukha nya. Pansin ko din na tumangkad sya ngunit bahagyang pumayat di tulad ng unang pagkakita ko sa kanya dati na medyo saktong laki lang ng katawan nya.

"Ako na magdadala nito." Kinuha nya ang mga pinamili sa gilid kaya nagulat ako. Natigil lang ako nung makitang palapit na samin si mama. Nakita ko kung paano sya nagulat sa pagkakita kay Caleb.

"Caleb!"

Nagbeso sakanya si Caleb at hinawakan nya ito sa magkabilang braso. Parang manghang-mangha sa nakita.

"You're here!" Ani mama at bahagya akong tinignan nang nakakunot noo. Nagkibit balikat lang ako.

"I saw Abby here tita so I decided to accompany her. Gusto rin kitang kamustahin. Narinig ko ang nangyari sa shop nyo and mom was worried."

"Oh, how sweet of you, Caleb. Well, ayos. Inaayos na yun ngayon though hindi nahuli ang salarin, dinagdagan nalang ang tauhan. Tell your mom that we're fine and she doesn't need to worry."

Tahimik lang ako sa likod nila. My mom seems so fond of him and I feel glad to see that. Naalala ko kung gaano kagusto nila mama na magkaanank ng lalaki dati ngunit isa lang ang nabiyaya sa kanila, ako.

Love, Abby. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon