Chapter Four

353 10 0
                                    

A/N: Hello Readers ! 2nd Day of exam namin ngayon pero mamaya na ako magrereview, uunahin ko muna ang chapter na ito. Hahaha #medyobadgirl

* * *

Gabriella's POV

Nasa school ako ngayon. Naiinis talaga ako sa kasunduan na ginawa ng mga magulang ko sa parents ni Sir Cyfer!

And speaking of Sir Cyfer, dumating na siya.

Nagsisimula nanaman akong magdaydream. Pero hindi siya yung daydream na ginagawa ko dati.

Nagdedaydream ako na tinatapunan ko siya ng maraming chalk sa isip ko. And to think na ikakasal ako sakanya? NAKAKASUKA!

Oo, nakakasuka talaga! Wala! turn-off na ako kay Sir!

Nagulat ako ng sinamaan rin ako ng tingin ng maestrong 'to. Aba't! Kinakalaban ako ng ugok na 'to ah. SIGE! MAGTAGISAN TAYO NG TINGIN!

The whole subject, hindi ako nakinig. Na-frozen na yata ang kunot kong noo dahil kanina ko pa sinasamaan ng tingin si Sir Cyfer.

"Ms. Sayson.. What did you learn from our lesson today?" sarkastikong sabi ng maestrong ugok.

Mas sinamaan ko pa siya ng tingin. Bwisit na 'to! Alam ng di ako nakikinig tapos tatanungin pa ako? Sinusubukan talaga ako ng ugok ugok ugok na 'to.

Tumayo ako. "I didn't listen to your lessons, SIR." sabi ko at inemphasize ang Sir.

Tinaasan niya ako ng kilay. "And why?"

Aba Aba Aba! Takutin ko kaya ang lalaking 'to? Hahahaha #medyobadgirlTurnedOn

"Kasi po, iniisip ko yung sa kasal." napangisi ako sa sinabi ko at tinaasan ko rin siya ng kilay.

Nagbulungan naman ang mga kaklase ko. Hehehehehe nanlaki ang mga mata ni Sir Cyfer at inayos niya yung necktie niya at nakita ko siyang lumunok.

"E-Ehem! P-Please settle down class. Uhmm--Ms.Sayson, you may sit down." aniya.

YES! SUCCESS IS MINE! Mwahahaha umupo na ako and I SMIRKED AT HIM! Beat that you--you moron! English yan para masaya.

kriiiiing

"Class dismissed."  ani Sir Cyfer at lumabas na ng classroom. Yehey! Uwian naaaa

Inayos ko na yung gamit ko at lumabas na sa school. Naglalakad na ako papunta sa sakayan ng jeep pero bakit parang may sumusunod saakin?

Mas binilisan ko pa ang paglakad ko at nagulat ako ng may tumakip sa bibig ko at hinila ako sa gilid kung saan walang tao.

"Hmmm! Hmmm--" pumiglas ako at sinusubukan kong sumigaw.

REREYPIN BA AKO? JUICE COLORED! WAG PO! AASAWAHIN KO PA SI YOO SEUNG HO! Huhuhu

May naisip naman ako para makatakas ako.. Sinipa ko yung 'ano' niya.

"Aaaacckkk!" narinig kong ungol niya. May nakita naman akong kahoy at pinulot ko iyon at hinarap ko yung lalaki.

"YAAAAAA!"  pinukpok ko siya ng ilang beses sa likod.

"Aray! Tama na!" sigaw nito.

"Walang hiya ka! RAPE! RAPE!" sigaw ko at mas lalo siyang pinupukpok.

"Aaaacckk!--Tama na sabi--"

*PAK* *PAK* *PAK* *PAK*

"MS. SAYSON! TAMA NA SABI!"

Natigil ang pag-abuse ko sa lalaking 'to ng tawagin niya ang pangalan ko. Bakit kaboses niya si Sir Cyfer?

Minulat ko ng unti-unti ang mga mata ko. 

O_O

"S-Sir C-Cyfer?" OMG! Tinulungan ko siyang tumayo. Nakita kong ang dumi na ng damit niya.

"S-Sir.. Sorry. Akala ko kasi--"

"AKALA MO ANO? NA RAPIST AKO? ASA KA NAMAN NA IRERAPE KITA!" sigaw nito sakin. Tumataas-baba ang dibdib niya sa galit.

"OH SORRY NA!" sigaw ko pabalik. Sama ng ugali nito! Nagsosorry na nga yung tao eh.

"WAG KA NGANG SISIGAW!"

"IKAW RIN NAMAN AH! WAG KA RING SISIGAW!" sabay tapon ko sa kahoy na hawak ko.

Umuusok na ang ilong ko sa inis! I can't believe na ikakasal ako dito sa lalaking 'to!! Binabawi ko ng minahal ko siya!

Nagsamaan naman kami ng tingin habang hinihingal sa galit.

"Ikaw ha, binabalaan kita Gabriella Sayson. Kapag may nakaalam sa school na ikakasal tayo ibabagsak kita!" pagbabanta nito saakin.

"Eh ayoko rin namang may makaalam ah!" inis kong tugon.

"Buti naman at alam mo. May UTAK ka rin pala." sabay talikod at naglakad siya paalis.

GRRR! Naramdaman kong dumilim ang aura ko at pinulot ko yung kahoy. Lumapit ako sa likod niya. "YAAAAAA!"

*PAK* *PAK* *PAK* *PAK*

"Araaaay! ANO BA!"

singhal niya.

"Bawiin mo yung sinabi mo!" sigaw ko.

*PAK* *PAK* *PAK* *PAK*

"Oo na! Oo na! Sorry! Aray! Tama na ano ba! Sorry na!"

Tinapon ko naman ulit sa gilid yung kahoy at pinagpagan ko yung palda ko. Pinagpagan ko rin yung damit ni Sir Cyfer. "Apology accepted. Goodbye SIR!" sabi ko at nag bow.

Nakita kong ang sama ng tingin niya sakin. Nginitian ko lang siya at naglakad ako paalis.

"URGH!" pagdadabog niya. Lumingon ulit ako sakanya at nakita kong ni-loosen up niya ang necktie niya at mukhang galit na galit talaga siya.

Kumaway naman ako sakanya na parang Ms. Universe and I flipped my hair and walked out. Mwahahahaha

---

Here's Our hashtag: #MedyoBadGirlGabriella Hahahaha! Taraaay ni Gabriella.. Kawawa naman si Papa Cyfer ko! Ge magrereview na ako hahahaha

Vote, Comment, Share and Be a fan!

Add me on my official accounts:

Facebook: Alexis Marie Parma

Twitter: @alexhuahuagaga

Instagram: alexiserkyy

My Love My English TeacherWhere stories live. Discover now