Chapter Six

317 9 1
                                    

Cyfer's POV

"Mag-iingat kayo sa Jeju mga anak." tugon ni Tita. I mean, mama ko na rin pala dahil mama siya ni Gabriella.

"Cyfer, alagaan mo si Gabriella ha? Tandaan mo, high school pa lang siya. May tiwala kami saiyo." tinap ni Tito ang balikat ko.

HUH! Do they think gagalawin ko si Gabriella? HUH! Over my wise brain cells!

"He-he-he. Alis na po kami!" sabi ko at kinuha ang maleta namin ni Gabriella.

"Sige, pumasok na kayo sa airport. Mag-iingat kayo ha?"

"OPO!" sabay naming sigaw ni Gabriella at pumasok na sa airport. Isang araw lang kami doon sa Jeju dahil bukas Monday na at may pasok pa si Gabriella at may trabaho pa ako.

"Teka lang Cyfer!" hinawakan ni Gabriella ang braso ko.

"Oh?"

"Gusto ko pumunta ng CR eh.." nahihiya niyang tugon.

AGAIN?! "Aish! Oh sige. Basta bilisan mo lang ha? Hihintayin na lang kita sa eroplano. Oh, heto boarding pass mo." sabay bigay ko ng boarding pass niya. "Sumunod ka na lang ha."

"Roger that!" aniya at nag-salute.

Ginulo ko naman ang buhok niya at binuhat ko yung maleta naming dalawa at pumasok na ako sa eroplano.

* * *

"Aish! Ang tagal naman ng babaeng yun! Na-flush na ba yun sa toilet?! Aish!" nakakainis! Ang tagal ni Gabriella! Malapit ng lumipad ang eroplano. Asan na ba kasi yung babaeng yun?

"Passengers, this is your pilot speaking. We are now going to fly to Jeju Island. Please fasten your seatbelts."

Napasabunot ako sa ulo ko. Kailangan kong bumalik sa lobby. Tumayo na ako pero may humarang na stewardess sa dadaanan ko. "Sir, please take your seat."

"I'm sorry Miss, yung kasama ko kasi nasa labas pa eh." sabi ko.

"Bawal na po lumabas ng eroplano, Sir. We are now on flight." nakangiti nitong tugon.

Nakakabanas! Naiwan na nga si Gabriella tapos nakakaya pang ngumiti ng stewardess na 'to? Sapakin ko kaya 'to?

Sinamaan ko ng tingin ang stewardess at kinuha ko ang phone ko at dinial ang number ni Gabriella. Nagulat ako ng itulak ako paupo ng stewardess. "Sir, using mobile phones during flight is prohibited. Thank you and enjoy your flight!" nakangiti pa rin nitong sabi.

Sarap sabunutan ng stewardess na yun. Pero babae yun eh, sinabunutan ko na lang ang sarili ko sa inis.

"Aish! Sinadya siguro 'to ng amazona na 'yun."

* * *

Gabriella's POV

"Goodbye Cyfer.."

bulong ko habang kumakaway sa lumilipad na eroplano na sinakyan ni Cyfer.

Sa totoo lang, nagtambay lang ako sa CR hanggang sa oras na ng flight namin. Ayokong sumama sa Jeju kasama ang lalaking iyon. Baka hindi lang kami magkasundo.

Saan na ako pupunta ngayon? Kapag umuwi ako, sigurado papagalitan ako ng parents ko.

Dumiretso ako sa school. Bukas rito tuwing sunday dahil madaming mga estudyanteng nagpapractice ng sports.

My Love My English TeacherDonde viven las historias. Descúbrelo ahora