Chapter Twenty One

244 5 0
                                    

Gabriella's POV

Naalimpungatan ako dahil sa sinag ng araw.

Bumalikwas ako ng bangon at tumakbo papunta sa kwarto niya. "Cyfer!"

Pumasok ako doon, pero wala siya. Nakita kong naka-impake na ang mga gamit niya. Narinig ko kasi sa parents niya na babalik na raw siya sa America. Doon siya lumaki kaya hindi ko na siya nakilala sa paglaki ko.

May nakita akong photo album sa desk niya at binuklat ko ito.

Nakita ko yung baby pictures naming dalawa habang naglalaro. Napapangiti na lang ako.

May nakaipit ritong paper airplane. Ano ba ito? Binuksan ko ito at may nakasulat.

Hi cy cy! Sama ako kila mama para bisita sayo. Pero emgensi (emergency) doon sa amin kaya uwi na lang kami. Mosta (musta) ka na? Ingat ka jan sa amereka (amerika) Mis kita mis mo rin ako? Tanggap mo eto sulat koo. Uwe ka na bye!

Sulat-kamay ko ito nung 5 pa lang ako. Natawa ako dahil mali yung spelling at grammar ko.

Pero naiyak ako kasi natanggap niya pala yung sulat ko at hanggang ngayon tinatago niya pa rin.

Tumakbo na ako papasok sa kwarto ko para maligo at magbihis ng uniform. Ngayon na yung school festival.

Pagpasok ko pa lang sa school gate, madami ng nagdidiwang at nagbibigay ng mga flyers para sa program mamaya sa canvas hall.

Tumakbo ako papasok sa building namin. Grabe ang okasyon ngayon, talagang pinaghandaan. Pati corridor madaming balloons.

Nandito na ako sa lugar kung saan kami magmemeet ni Dave. At nakita ko nga siya.

Ngumiti siya sakin kaya lumapit ako sakanya. "Kanina pa ako dito. Saan ka galing?" nakangiti niyang tugon. "Ang ganda ganda nung ginawa mong canvas."

"M-May gusto akong sabihin.."
paninimula ko. Kinakabahan ako ngayon!

"Sige, ano yun?"

Napakagat ako sa labi ko. Sasabihin ko na ba?

Huminga muna ako ng malalim. "I'm sorry Dave. Naging selfish kasi ako sa maraming bagay. Hindi yun fair sayo tsaka.. tsaka kay.." Aish! Hindi ko matuloy-tuloy ang sasabihin ko kaya napayuko ako.

"Ano bang nangyayari sayo Gabriella?"

"N-Nakikipag break na ako sayo ngayon, Dave. I'm sorry talaga." naglakad na ako paalis. Leaving him puzzled.

Alam kong nasaktan ko si Dave sa sinabi ko pero sa tingin ko yun ang tamang desisyon.

Pumunta na ako sa canvas hall kung saan nagaganap ang program. May nag iintermission number sa stage. Sina Krissy and her two alipores.

Naglalakad ako dito sa taas ng may humila sakin. "Ano ba Gabriella, kanina pa kita hinihintay."

Si Gianna pala. "Nakita mo ba siya dito?" tanong ko.

Ngumiti ng mapang-asar itong kaibigan ko. "Sino? Yung asawa mo or yung boyfriend?"

"Shhh! Wag ka ngang maingay." pagsasaway ko.

Nagpout naman siya at may itinuro sa mga pwesto ng teachers. "Ayun siya oh.. Katabi ni Principal Panot."

Napangiti naman ako. Akala ko kasi iniwan niya na ako at lumipad na siya sa America.

Natapos ang pag-intermission nina Krissy at napansin kong tinignan niya si Cyfer and she smirked. Bakit parang may kutob ako na may gagawin nanamang kalokohan ang kapal-kilay na 'to?

"That was a great performance. Now let us call on our intern, Mr. Cyfer Lauzon. Sa pagdedeliver ng kanyang speech."

ANO?! Intern lang dito sa school si Cyfer?! Bakit ngayon ko lang nalaman?!

Nagsitinginan naman lahat ng tao kay Cyfer. Tumayo na siya at pumunta sa stage.

"Ehem.. Marami akong gustong pasalamatan.. Salamat kay Principal Cruz, sa lahat ng mga teachers.. At sainyong mga students na nagtiyagang tumulong sakin para matapos ko ang internship na ito ng maayos at walang gulo.."

Nakatutok lang ang tingin ko sakanya. Mas lalo tuloy akong nalulungkot dahil intern lang siya.. So ibig sabihin, kapag tapos na yung internship niya, babalik na talaga siya sa America?

"Sainyong lahat.. Thank you so much.. We just met in a short period of time. But in that time, it was very important to me. There were so many good memories that was tattooed in my heart that... I will never forget. Uhm--"

Nagulat kami sa biglang pagsabit ng Microphone at napatingin kami kay Krissy. "Tigilan mo na yan Mr. Lauzon. Pwede ba magpakatotoo ka naman!"

Ano bang pinagsasasabi ng kapal-kilay na 'to?! Nakakahiya siya! Sa harap pa ng maraming tao!

"Mga kaibigan.. Ang ating intern na si Mr. Lauzon.. MAY ASAWA NA PALA!"

Napasinghap ang mga tao sa hall at kasali na ako dun. P-Paano niya nalaman yun?!

Nagkatinginan kami ni Gianna at naramdaman niya sigurong nanginginig ako kaya hinawakan niya ang kamay ko.

Nagsimula na ring magbulungan ang ibang tao.

"Of course, hindi naman kasalanan ang pagkakaroon ng asawa. Pero Mr.Lauzon.. kasal ka sa isang 17-year-old na estudyante dito..At andito ang asawa mo.. ayun siya! Si GABRIELLA SAYSON or may I say, GABRIELLA LAUZON."

---

A/N: oops! Cliffhanger! Hahahaha

VOTE AND COMMENT!

My Love My English TeacherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon