Chapter Twenty Two - FINALE

375 14 5
                                    

Gabriella's POV

Napaiwas naman ako ng tingin. May araw ka rin saking kapal-kilay ka. Mas lalong lumakas ang bulungan ng mga tao at ang iba ay ang sasama ng tingin sakin, ang iba naman ay naaawa.. at ang iba naman ay wala lang pakialam.

Tumayo ako dahil hindi ko ikinakahiya na asawa ko si Cyfer. Mas mabuti ng malaman nilang lahat ang totoo. Mahirap na kasing itago pa ang relasyon namin ni Cyfer, lalo kaming nahihirapan.

Pero sa tingin ko, mas lalo kaming mahihirapan dahil ngayon, marami ng nakakaalam tungkol sa relasyon namin.

"Tama, kasal nga kami ni Gabriella. Kinasal kami dahil wala na siyang nagawa. Ang naging kasalanan niya lang ay ang pagbigyan ang kahilingan ng magulang namin.."

Ninenerbyos ako sa mga sinasabi niya!

"Ang totoo niyan, hindi niya ginusto na makasal kaming dalawa. It was just an arranged marriage. Maaari ngang asawa ko siya.. pero bata pa siya. Isa pa rin siyang typical na teenager.. Ang kaya niya lang lutuin, chicken adobo.." nakita kong napangiti si Cyfer.

"Ang cute naman.."

"Oo nga ang sweet.."

"Okay lang naman iyon diba? Wala naman silang ginagawang masama."

Narinig kong bulungan ng mga estudyante. Bwisit kang maestro ka! Pinagkakalat mo ang tungkol sakin!

"Mahilig rin siya sa mga artista.. at GWAPONG baseball players.. na mahilig sa ADOBO.."

Hanep na lalaki 'to! Pinapatamaan talaga ako oh!

"Palagi rin siyang nasestress dahil sa pag-aaral. Kaya sana.. wag niyo sanang huhusgahan si Gabriella dahil lang may asawa na siya.. Wag niyo siyang pahirapan dahil sa isang dokumento.. Papel lang yun.. Nakikiusap ako sainyong lahat.."

Wala hindi ko na 'to makaya! Bumaba ako at lumapit sakanya sa may stage habang umiiyak. "C-Cyfer.."

Napatingin siya sakin kaya lumapit pa ako. "Mali ka.. hindi na ako bata.. Noong maliit pa ako, palagi kang nandun sa tabi ko.."

"HUH! Buti naalala mo! Akala ko di mo na maalala eh!"

"PWEDE BA PATAPUSIN MO MUNA AKO! NAGDADRAMA NA AKO DITO EH!" sigaw ko at mas lalong naiyak. Nakakahiya kaya sa mga taong nandito sa hall.

"Hahaha. Okay.. you may continue, my princess."

Napalunok ako. Bakit ba kailangan niya pang ishare yang princess princess na yan? "Kaya akala ko balewala lang na may kakaiba akong nararamdaman.. H-Hindi pala.. C-Cyfer, mahal na mahal kita."

SA WAKAS! JONGINA! NASABI KO RIN!

Bumuntong hininga naman si Cyfer at lumapit sakin. Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi at hinalikan niya ako sa noo.

Nagsihiyawan naman ang mga tao sa hall. Napangiti ako.. at yinakap niya ako.. sa harap ng madaming tao..

Alam kong kahit di niya sabihin, nahahalata kong mahal niya rin ako.

Nagpatugtog naman ng sweet background music ang operator at narinig kong humagulgol sa iyak si Ms.Herras.

Yinakap niya pa ako ng mahigpit at pinaikot-ikot.. Hahahaha

Ibinaba niya na ako at tinitigan sa mata..

"Mahal kita, My Love."

"Mahal din kita, My English Teacher."

And at last.. he kissed me.

---

T H E - E N D

Hahahaha ang iksi ng kwento noh? umabot lang sa Chapter Twenty Two. Pero okay lang yan!

Maraming salamat sa mga sumubaybay sa My Love My English Teacher

Waaaa! Ang saya ko! Completed na ang MLMET!

Let's congratulate Gabriella and Cyfer Lauzon kasi Legal na ang relationship nila sa maraming tao! Yehey!

VOTE AND COMMENT NAMAN KAYO JAN!

SHARE NIYO NA DIN PARA MABASA NG IBA NIYONG FRIENDS.

For the last time, thank you so much for supporting My Love My English Teacher

May God bless us all!

Nagmamahal,

alextit <3

(GorgeousSince99)

My Love My English TeacherМесто, где живут истории. Откройте их для себя