Prologue

708 7 0
                                    

A/N: Heto na yung Prologue. Enjoy Reading!

---

*lakad* SELFIE!

*lakad* SELFIE!

*lakad* SEL--

*boogsh*

"Aray.." walang kaano anong ekspresyong sinabi ni Sir.

"Sir Cyfer, Sorry po.. Sorry." ilang beses akong nag bow dahil sa pagkakabunggo ko sakanya. Muntanga ko kasi!

"Get inside Ms. Sayson." utos nito.

"Opo. Papasok na nga po eh." yumuko ako at pumasok na sa room at dumiretso sa upuan ko.

Napakagat-labi ako dahil late nanaman ako. Bakit ba kasi ang hilig kong mag selfie? Bakit ba?! SABIHIN NIYO SAKIN!

"Open your English textbook to page 56." sabi ni sir in a seductive voice habang nakatingin sakin.

Pero siyempre, JOKE LANG! Asa naman ako.

Kinuha ko na yung libro ko at binuklat ito sa page 56. Napatingin naman ako kay Sir na nagsusulat ng lesson sa pisara.

Kahit na nakatalikod si Sir Cyfer, ang gwapo niya pa rin talaga!

Kinuha ko yung phone ko at palihim na kinuhaan ng litrato si Sir. hihihi

Tumingin ako sa gallery ko at 500+ na ang na-shot kong stolen pictures ni Sir Cyfer. Yung iba, inedit ko at nilagay ko yung selfie ko sa picture ni Sir kaya nagmukhang may couple picture kami na punong-puno ng pagmamahal.

Namalayan ko na lang na nakangiti ako habang nakatingin sa English Teacher namin na naglelesson sa unahan.

Juice Colored! Bakit ba napakagwapo ng Teacher namin na 'to? Hulog ba siya ng langit? Kapag pinagmamasdan ko siya feeling ko lumulutang ako.

"Ms. Sayson. What did you learn from our lesson today?"

Nasabit ang pagdedaydream ko ng tawagin ako ni Sir.

"Eh?" walang kamuwang-muwang na tanong ko.

Ang tanga ng sagot mo Gabriella Sayson! Sigurado ako papagalitan ka ni Sir Cyfer!

Sermon saakin ng konsensya ko.

"Did you even listen to my lesson?" hala. Galit na si Sir.

"Eh?" napatakip ako sa bibig ko ng lumabas nanaman ang real-life vocabulary ko.

Ang tanga mo talaga Gabriella! Pustahan tayo, ipapatapon ka na niyan ni Sir sa labas!

"Ms. Sayson! Were you listening?"

Bakit ba ang hilig mo man-sermon? ha konsensya?

Ano bang pakialam mo? Di ko hinihingi opinyon mo!

"Ms. Sayson!"

Opinyon ba yun? Sa pagkakaalam ko, NAGTATANONG lang ako..

Sigurado ka--

"Gabriella Sayson! Are you deaf? Get out of my class!"

Kasalanan mo 'to konsensya! Suntukan na lang tayo sa Grandstand mamayang 10pm, ano ha?

Sige ba--

"Ms. Sayson! I said get out! Now!"

Bigla naman akong napatayo at dumiretso ako sa labas ng classroom ng walang imik.

Grrrr! Kainis na konsensya ko 'to! Kung tinutulungan niya kaya ako noh? Hindi yung inaaway pa ako diba? Ang sama ng konsensya ko!

Tumingin ako sa glass window ng pintuan namin at sumilip doon. Nakita kong pinarecite ni Sir yung kaklase kong mataray-na-maldita-na-mayabang-na-langyang-babae.

Pero ang mas kinainis ko, that malditang girl smirked at me!

Huh! Yabang talaga! Last na itong pagpapalabas saakin ni Sir oy! Neknek mo! HUH!

GRRRR! I want to sabunot her...kilay!

My Love My English TeacherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon