Chapter Twenty

255 7 0
                                    

Gabriella's POV

Nakauwi na ako dito sa condo pero wala si Cyfer dito. Pumasok ako sa kwarto niya pero wala pa rin siya duon.

Kinuha ko yung mini wedding picture namin at sinigawan yun. "HOY CYFER LAUZON! ASAN KA NA BA? BAKIT WALA KA PA? DAPAT TINULUNGAN MO AKO SA PAINTING DIBA?" tapos pinalo ko yung picture.

Bwisit. Hindi tuloy masyadong maganda yung painting namin. Tama nga si Ms. Herras.

* * *

Cyfer's POV

"Brad, ang laki naman ng pipinturahan natin!" reklamo ni Tom.

"Oo nga! Ikaw na lang kaya mag isa gumawa! Asawa mo naman yun eh!" reklamo din ni Jerry.

"Wag ng madaming satsat. Gusto niyong sapak? Tulungan niyo naman ako. I'm just asking for a favor. Ngayon lang 'to. Promise!" sabi ko and I raised my left hand.

"Eh brad naman! Diba right hand ang ginagamit kapag nag papromise?"

Oo nga pala. Hahaha pabayaan na lang. "Let's Go! Magsimula na tayo."

After dalawang oras ng pagpipintura, nag meryenda muna kami.

"Oh ayan. Pizza niyo saka coke. Inorder ko pa yan para sainyo. Kung tutuusin ang swerte niyo!" singhal ko sakanila.

"Hahaha salamat brad! Sakto gutom na gutom na ako!" masayang tugon ni Jerry at lumagok ng coke.

"Akala ko gutom ka? Bakit coke ang ininom mo?" galit na si Tom. hahaha

"Aish! Kumain na nga lang kayo. Iingay niyo." reklamo ko. May karapatan rin akong magreklamo oy hahaha

Natapos na namin yung painting at umuwi muna ako sa bahay ng parents namin ni Gabriella. Tinext kasi nila ako na magkakaroon kami ng family dinner.

Tinext ko na din si Gabriella na dumiretso na lang duon sa bahay nila. Pero wala akong natanggap na reply. Alam ko namang alam niya na may family dinner kami ngayon.

Ilang oras na kaming naghihintay kaya dumiretso kami sa paghapunan. Gabi na pero hindi pa rin dumadating si Gabriella. Nakakahiya sa mga parents namin.

Asan ka na ba kasing bata ka?

* * *

Gabriella's POV

Nasa Music store kami ni Dave at nagtitingin ng mga albums ng mga singers. Binigay ko sakanya yung headphones at may binulong naman siya sakin. "I love you." hihihi kinikilig ako!

Naglakad-lakad kami sa loob ng mapansin kong may nagvivideo. Teka, parang kaklase 'to ng pinsan ko? Che! Pabayaan na lang!

Kasama ko ngayon si Dave sa KFC. First Date namin ngayon hihihi

Sinubuan ko siya ng chicken at bigla namang nag ring ang phone ko.

From: Gurang^_^

Pumunta ka sa family dinner natin ngayon bago maging huli ang lahat.

Patay! May family dinner pala kami ngayon. Bakit di ko naalala?

"Uhmm. Dave, Sorry ah. Kailangan ko ng umuwi eh."

"Ngayon na?" tanong niya.

Napasimangot ako at tumango.

"Hatid na kita."

"Wag na. Kaya ko naman sarili ko. Magkita na lang ulit tayo next time. Sorry talaga ha." tumakbo na ako palabas ng KFC at pumara ng jeep papunta sa bahay namin.

My Love My English TeacherDove le storie prendono vita. Scoprilo ora