Chapter Seventeen

295 5 0
                                    

Gabriella's POV

*engggk*

Nandito na siya. Itinaas ko ng napakataas like the Mt. Everest ang kilay ko at tinitigan siya ng masama habang naka-cross arms.

Ini-on niya ang ilaw at nagulat siya ng makita ako.  "Bat gising ka pa?" aniya at inilagay ang car keys sa table.

Dumiretso naman siya sa kwarto niya at sumunod ako habang taas kilay with crossed arms pa rin. Nagtanggal siya ng coat. "Bakit?" tanong niya ng mahalata niya ang pagkataas-taas ng kilay ko.

"Bat di ka sumasagot sa mga texts ko?" mahinahon pero mataray kong tugon.

"Haaay Grabe! Ang lalakas uminom ng mga teachers niyo. Parang wala ng bukas. Hindi nga ako makasabay sakanila eh hahaha!" alam kong nagchechange topic lang siya.

"Alam na ni Gianna ang tungkol satin." sabi ko.

"Ano?! Bakit mo sinabi? Pag kumalat ang tungkol saatin, lagot ka sakin!" bulyaw niya.

"HOY! As you can see Mr. Lauzon, narinig niya lang tayong nag-uusap noong camping.. Natawag ka pa nga niyang Sugar Daddy ko eh! Kaya sinabi ko na lang sakanya ang totoo." nagkibit-balikat ako.

"Oo na, matulog ka na." utos niya sakin.

"MALIGO KA NGA! Amoy alak ka." galit kong sabi at lumabas na ng kwarto niya at sinara ang pinto. Napapaypay ako sa sarili ko. Hoo! Ayoko talaga sa amoy ng alak!

"Uyy, concerned ka ah." pahabol niya.

PISTI! Hindi ako concerned! Talagang ayaw ko lang sa amoy ng alak! Hindi niya ba naiintindihan?!

"Gabriella!" narinig kong tawag niya sakin at binuksan ang pinto.

"Ano?" mataray kong sabi.

"Good Night nga pala." akala ko importante eh! Tinaasan ko na lang siya ng kilay at dumiretso ako sa kwarto ko para maligo.

* * *

Morning.

Nag totoothbrush ako ngayon sa banyo ng magulat ako dahil sa pagbukas ng pinto.

O_O

Si Cyfer, TOPLESS!

"Ano ba yan!" singhal ko habang nasa bibig ko pa rin ang toothbrush.

"Sorry ah, pwede ba akong umihi kahit nanjan ka?" aniya at tumatalon talon.

"Hindi pwede!" sigaw ko at isinara ang pinto.

"Sige na! Tatalikod naman ako!" sigaw niya sa labas ng pinto.

*tok tok tok*

"Gabriella buksan mo! Sige na please! Hindi ko na kaya!"
pangungulit niya.

Dinahan-dahan ko naman ang pagtoothbrush ko and I smirked. MAGHINTAY KA SA LABAS! Mwahahaha

After ko maghilamos, lumabas na ako ng banyo habang pinupunasan ang mukha ko ng towelet.

Nakita ko naman si Cyfer sa kusina, malapit sa sink.

"Ano yan?" tanong ko pero hindi niya ako sinagot.

Bakit parang may naririnig akong umaagos na tubig?

O_O

"WAAAAA! ANG BASTOS MO TALAGA! KADIRI KA!" sigaw ko at tumakbo papasok sa kwarto ko.

My Love My English TeacherDonde viven las historias. Descúbrelo ahora