Chapter Three

363 15 0
                                    

Gabriella's POV

"Mom, Dad, anong ginagawa niyo dito?" tanong ni Sir Cyfer sa parents niya.

Nasa bahay na nga pala kami at kaharap ang parents namin ni Sir.

"We just talked about something.." sabi ng mommy niyang maganda.

"Talked about what?" bakit ba puro ka tanong Sir?

"We'll tell you later." sabi ng gwapo niyang daddy.

"So, how did you know each other?" tanong ni Sir at tinutukoy ang parents ko.

"Hahaha. Son, they are our bestfriends." sabi ng daddy niya.

HUH! BAKIT BA PURO SILA ENGLISH? NAKAKA-NOSEBLEED NA!

"Bestfriends?" tanong nanaman ni Sir.

Tumango-tango naman ang mga parents namin.

Tumango-tango rin si Sir Cyfer.

OH SIGE! MAGTANGUAN NA LANG TAYO!

Bwisit! Ano ba kasing sasabihin nila at bakit parang ninenerbyos ako?

"Gabriella anak, makinig ka muna ha. Wag kang kukurap." sabi ni mama.

Wag akong kukurap?! TATAKUTIN BA NILA AKO?!

"HA? IBIBIGAY NIYO BA AKO SA MULTO? AYOKO!" sigaw ko at tinakpan ng unan ang mukha ko.

"Hahaha. Your daughter is really cute. That's why I like her for my son." narinig kong sabi ng daddy ni Sir.

Pumantig yung tenga ko sa sinabi ng daddy niya. Inalis ko yung unan sa mukha ko at tinitigan sila ng ano-bang-sinasabi-niyo-hindi-ko-maintindihan-look.

Tumingin naman ako kay Sir Cyfer at kunot-noo lang ito.

ANO BA KASING NANGYAYARI SA MUNDONG ITO?

"Ano po ba ang sasabihin niyo saamin?" hindi ko na naiwasang magtanong. Kating-kati na ako eh.

"Okay, we'll tell you--"

Pinigilan ko ang daddy ni Sir. "Teka lang po, si papa na lang po ang pasalitain mo kasi nakaka-nosebleed ka po eh. Kanina pa dumudugo ilong ko. He-he."

"Hahahahahahaha." nagtawanan ang mga baliw. Except saamin ni Sir.

ANONG NAKAKATAWA ABER?

"Pa! Sabihin mo na." sabi ko.

"Ganito kasi anak, diba magbestfriends kami ng mag-asawang Lauzon. Nagkakilala kami sa nursery school at--"

"Pa! Diretsuhin mo na kami. Wag ka ng magkwento!" inis kong sabi. Nakakainip na kasi eh.

"Oo na. Ako naman ang magsasalita." sabi ni mama.

Hinintay ko ang salita na lalabas sa bibig ni mama.

"Nagplano kami ng isang kasal."

Kasal? "Ikakasal ba kayo ulit ni papa?" walang kamuwang-muwang na tanong ko kay mama.

"Hahahahahaha!" nagtawanan nanaman ang mga baliw.

ANO BA TALAGA KASI ANG NAKAKATAWA SA SINASABI KO?

Tiningnan ko si Sir at poker face lang ito. Bahala ka jan.

"Hahaha. Hindi, anak. Para sainyo ang kasal." sabi ni papa.

ANO DAW? "Ha? Sinong tinutukoy niyo?" hindi ko talaga sila magets.

"It's you and our son." mommy niya.

"Ipinagkasundo namin kayong dalawa para ikasal." mama ko.

"WHAT?!" Sigaw ko. English yan ha.

Tumingin naman ako kay Sir at poker face pa rin talaga ito. Sa tingin ko nagets niya na ang sinasabi ng mga magulang namin kanina pa kaya hindi na siya nag-react.

"Nangako kasi kami sa isa't isa na kapag nagkaanak kami, ipagkakasundo namin sila sa pamamagitan ng isang kasal." pagpapaliwanag ni papa sa lowgets kong diwa.

Ibang klase sila! "Maaaa, Paaaa, ayoko pang ikasal. High school pa lang ako eh. 17 palang ako!" naiiyak na ako ha.

"Anak, pwede ka ng ikasal basta may consent ng mga magulang." sabi ni papa.

Ito na yata yung nagpapasama ng kutob ko kanina. Ito yata yung ayaw kong mangyari. Kailangan kong tumutol.

"Hindi niyo ako mapapapayag." sabi ko at tumayo.

"Me too. I object." sabi ni Sir at tumayo rin.

Sabay naman kaming lumabas ng bahay. Humarap ako sakanya at nag-cross arms. "Ay basta! Ayoko! Hmp!" singhal ko sakanya sabay walkout.

"Do you think I want to be wed to you? NO WAY!" sigaw niya.

Hinarap ko ulit siya. "Tse! Manahimik ka! Puro ka english eh wala naman na tayo sa school!" sabay talikod.

"Don't talk to me like that! I am still your teacher, Ms. Sayson!" sa tingin ko nanggagalaiti na siya sa galit.

I just rolled my eyes and walked away. Oha oha! ENGLISH yan!

---

A/N: Kumusta naman ang Chapter Three natin jan?

Vote, Comment, Share and Be a fan!

Add me on my official accounts.

Facebook: Alexis Marie Parma

Twitter: @alexhuahuagaga

Instagram: alexiserkyy

My Love My English TeacherOnde histórias criam vida. Descubra agora