Chapter Ten

248 5 1
                                    

Gabriella's POV

Inihinto ni Cyfer ang kotse medyo malayo sa school para walang makahalata na magkasama kami.

"Tsk. Hindi mo man lang ako pinaghandaan ng gamot para sa hang-over. Anong klaseng asawa ka?" nagsimula nanamang mangonsensya ang lalaking 'to.

"Buti nga sayo! Iinom inom kasi tapos magrereklamo ka ngayon na masakit ulo mo? Tanga much." sabi ko at nag cross arms. "High school pa lang kasi ako." pagrarason ko.

"Psh. Palagi naman yan ang nirarason mo na high school ka pa lang. Bumaba ka na nga. Malelate ka na." utos nito sakin.

"Yes, SIR!" bumaba na ako ng kotse at pumasok na sa school.

Susunod na lang siguro yun si Sir Cyfer, dadaan pa siguro yun sa English Department. Nagbabalik ang pagtawag ko sakanya ng 'Sir' dahil nasa school na kami.

Paakyat na sana ako ng hagdan ng humarang sa harapan ko si Krissy kasama ang dalawang alipores niya.

"Excuse me po." sabi ko at nilagpasan sila.

Hinawakan naman ni Krissy ang braso ko. "Sumama ka samin."

"Bakit? May pasok pa ah.." sabi ko.

"Sumama ka na kasi! Wag ng umarte!" hinila nila ako papunta sa likod ng school at binalibag nila ako sa basurahan.

NASUBSOB AKO HA! ANG BAHO!

"Ano bang kasalanan ko sainyo?" singhal ko. Wala naman akong ginagawa sakanila tapos bigla bigla na lang nila akong inaaway!

"Feelingera ka kasi!" sigaw ni Krissy.

"Bakit ba?" sabi ko at tumayo.

"Look Krissy, mukhang kinakalaban niya tayo. Hoy! Gabriella! Hindi ka ba natatakot saamin?!" sigaw ni alipores#1

"Bakit naman ako matatakot? Wala naman akong ginawang kasalanan." sabi ko at naglakad paalis.

Pero hinila ulit nila ako. "Bastos ka ha! Kinakausap ka pa namin! Kaya naming basagin yan pagmumukha mo kaya makinig ka!" sigaw ni alipores#2

Lumapit naman saakin si Krissy. "Masyado kang assumera. Hindi ka na nahiya! Pinagkakalat mo pang nag-date kayo ni Dave Sue! Tapos feeling GIRLFRIEND ka pa!"

ANO? Hindi ko naman kinalat ah? "Teka. Totoong nag date kami ni Dave. Totoo yun." sabi ko. Totoo naman talaga diba?

"Wag kang sumagot-sagot saamin! Hindi mo kami kilala kaya, wag mo kaming kakalabanin!" sigaw ni alipores#2

Susunggaban na sana ako ng mga witches ng may magsalita.

"Anong ginagawa niyo jan?"

Nanlaki ang mga mata nina Krissy ng dumating si Dave. Lumapit siya sakin at itinago niya ako sa likod niya.

"Bakit niyo inaaway si Gabriella?" galit na sabi ni Dave.

"Dave! Nalaman kasi namin na pinagkakalat niya na nag-date kayo! Feelingera yang babaeng yan! Malandi!" sabi ni Krissy.

"Wag mo siyang tawaging ganyan kundi ako makakalaban mo!" sigaw ni Dave.

Grabe! Para kaming nasa wattpad story dahil sa nangyayari ngayon. Inaaway ako ng mga witch tapos niligtas ako ni Prince Charming!

"Wag mong gawin saakin 'to Dave!" ani Krissy.

"Bakit? May relasyon ba tayo? Wala naman ah. Kung tutuusin hindi nga kita kilala eh." hinawakan niya yung kamay ko at naglakad kami paalis.

Napahinto ako ng huminto rin sa paglalakad si Dave. "And by the way, meet Gabriella, my GIRLFRIEND."

Napa-nganga naman sina Krissy at nagdadabog sa sinabi ni Dave.

Kriiiing

Nag bell na. Okay lang na malate ako basta kasama ko si Dave.

Hinila na ako ni Dave at dinala niya ako sa Gym.

"Wag mo silang pansinin.. Feeling kasi nila mga prinsesa sila." sabi niya at kino-comfort ako.

Hinawakan niya naman ang kamay ko. "Ikaw lang ang prinsesa sa puso ko."

Waaaa ! Kenekeleg eke!

* * *

Cyfer's POV

"Teka. Totoong nag date kami ni Dave. Totoo yun." boses yun ni Gabriella ah?

At ano daw? Nag-date sila ni Dave? Kaya pala may picture silang dalawa noon.

Sinundan ko kung saan nanggaling yun at napunta ako sa likod ng school. Nakita ko ang tatlong babaeng nakapalibot kay Gabriella.

Anong ginagawa nila?

"Wag kang sumagot-sagot saamin! Hindi mo kami kilala kaya, wag mo kaming kakalabanin!" sigaw ng isang babae.

Nanlaki ang mga mata ko ng sasabunutan nila si Gabriella. Kailangan ko silang pigilan.

Naglakad ako palapit sakanila.

"Anong ginagawa niyo jan?"

Napaatras ulit ako ng dumating si Dave Sue.

Nanlaki ulit ang mga mata ko ng lumapit si Dave kay Gabriella at itinago niya ito sa likod niya.

Itinikom ko ang kamao ko.

"Bakit niyo inaaway si Gabriella?" galit na sabi ni Dave.

Umalis na ako sa lugar na iyon at dumiretso sa CR.

Naghilamos ako ng mukha ko at humarap sa salamin. "What's happening to me?"

Bakit ko itinikom ang kamao ko? Bakit ako nagagalit? Anong nangyayari saakin?

O_O

Hindi 'to pwede. Kapatid ang turing ko sakanya hindi na iyon lalagpas pa.

Kriiiing

The bell rang. Kailangan ko ng pumasok sa klase ko.

Napadaan ako sa Gym at nahalata kong may ilaw dito.. Diba bawal pumasok sa Gym during class hours?

Sumilip ako sa pinto kung may tao.

Pinagsisisihan kong sumilip pa ako sa pinto dahil hindi ko inaasahan ang makikita ko.

"Ikaw lang ang prinsesa sa puso ko."

Kumunot yung noo ko at itinikom ko ulit ang kamao ko dahil malapit ng dumikit ang mga labi nila..

Sinipa ko ng napakalakas yung pinto ng Gym at naglakad paalis.

---

A/N: Waaaaaaaa! Papa Cyfer!

Ano kayang nangyayari kay Cyfer ngayon? Do you have a clue? Just comment your answers! Vote if you like this story.

My Love My English TeacherOnde histórias criam vida. Descubra agora