Chapter 7

28 2 0
                                    

Hindi ko sinagot ang tanong niya. Masakit alalahanin ang nakaraan. Ilang taon na ang nakalilipas pero parang kahapon lang ito nangyari. Ayoko na. Masyado nang masakit para alalahanin pa iyon.

Nung nilagpasan ko siya, para nakong natulala sa dinaraanan ko.

Nakatulala habang naglalakad.

"A-Aww," mahinang daing ko. May nakabangga ata ako.

At oo nga, mayroon akong nakabangga, isang babae. Shit ang sakit. Nahulog pa mga gamit ko at nagkalat pa ito sa dinaraanan ko.


"Sorry, hindi ako nakatingin sa daan." inunahan ko na siya. Ayoko ng gulo. Baka war freak pala itong nabangga ko.

"Ah, it's okay lang. Kasalanan ko din, hindi din ako nakatingin sa dinaraanan ko eh haha," pagkasabing pagkasabi niya nun, natawa siya. Natawa din ako. Nakakahawa tawa niya. At saka, ang ganda niya. Mabait pa.

Habang nagtatawanan kami, sinimulan ko nang pulutin ang mga gamit ko na nagkalat. Tinulungan niya din ako sa pagpupulot. Ang bait niya talaga. Gusto ko siyang maging kaibigan para naman hindi ako nag iisa palagi.


"Ako nga pala si Pringles," pagpapakilala ko sa sarili ko.


"Ako si Camille. You can call me Cam for short," pagpapakilala niya din. Nice name huh?


"So, thank you nga pala sa pagtulong sa pagkuha ng mga gamit kong nagkalat. Hehe dami ko kasing dala eh," sabi ko sabay kamot sa ulo ko.


"Welcome"


Ang ganda niya talaga. Nakakainggit haha.


"See you na lang pag nagkita tayo," pagpapaalam ko. Tumango siya at tumalikod na. Mabuti ng nabunggo niya ko. Nawala ako sa iniisip ko. Nakapunta nako sa locker at inilagay ko na doon ang mga gamit na hindi ko na kakailanganin mamaya.


Pumunta na lang ako ng cafeteria dahil sure ako na hindi naman duon pumupunta si Ivan panget.


Umorder ako duon ng usual kong ino-order, ang sandwich, spaghetti, at pineapple juice.


Naghanap ako ng bakanteng upuan at buti na lamang, may isa pang table na hindi naookupahan.


"Hi, pringles right?" si Camille pala. Mukhang nag-iisa lang din siya.


Umupo na siya sa katapat kong upuan. Nakikisabay ata haha.


"Wala ka bang kaibigan na kasamahan?" pag-uumpisa ko ng usapan. Wala akong matanong kaya ayan ang naisip ko eh.


"Halata ba? HAHAHA. Syempre wala. Pasabay ah," at pinagpatuloy na lang niya ulit ang pagkain niya.


"Pareho pala tayo. Wala pa din akong kaibigan dito eh"


"Ah so, friends na tayo?"


"Eh? More than friends kaya?"


Napahinto siya sa sinabi ko. Ayaw niya bang maging best friends kami?


"Hala, ayoko. Hindi tayo pwede. Ang babae ay sa lalaki lamang. Hindi pwede ang babae sa babae," sabi niya. Ang gulo. Ano bang pinagsasabi nito?


"Huh? May ganon ba sa pagbe-bestfriends?" naguguluhang tanong ko pa rin.


"A-Ah, HAHA, HAHAHAHA," At nagsimula na siyang tumawa na parang may jinoke ako na unti unti niya lamang nagegets. "Akala ko kase eh, yung haha basta. Sabi mo more than friends so inassume ko na magjowa jowa ganun haha."


Kaya naman pala.


"Assuming ka din pala HAHAHA. So ano na? Bestfriends na tayo?"



"Oo naman HAHAHA, kala ko talaga yung jowa jowa yun. Sorry may pagkaslow ako," sabi niya na may pakamot pa sa ulo.



Napangiti ako. Best friends. May best friend na 'ko. Best friend na kami!

---


Matalino & Bobo At The Same TimeWhere stories live. Discover now