Chapter 9

27 2 0
                                    

Ivan's POV

Nauna na ko sa kanya papunta ng kotse ko. Simula nung malaman at makita ko na magkaibigan pala sila nung Camille na yun, parang naiilang nako sakanya.

"Oy, alam mo ba," pag uumpisa niya. Siguro nararamdaman niya na parang may iba sa akin. "may bestfriend nako. Ang pangalan niya Camille," so this is all about my ex. Yes, ex ko si Camille. "Grabe sobrang saya ko at nakilala ko siya. Ang saya niya kausap. Tapos may pag ka slow din pala iyon haha. Sobrang bait niya din sakin. Kaklase ko pala siya nun nung bago pa kita turuan hahaha." hinayaan ko lang siya magkwento. Nakinig lang ako ng nakinig pero ang hindi ko masikmura ang sumunod niyang sinabi sa akin. "Tapos alam mo ba nagkwento siya, yung ex daw niya hahaha. Iniwan daw siya nun ng walang paalam at---" hindi ko na nasikmura ang kinwento niya sakin. Sinungaling si Camille!

"PWEDE MO BANG ITIGIL ANG PAGKEKWENTO TUNGKOL SA SINUNGALING NA YAN! NAKAKARINDI NA PRINGLES!" nasigawan ko siya. Hindi ko sinasadya napuno na ako. Masyado na ang narinig ko. Nagkwento pa talaga ang sinungaling na yan kay Pringles, sinungaling siya.


"Pringles, I'm sorry, di ko sinasadyang sigawan ka," pagpapaumanhin ko. Nakikita ko na para siyang naluluha. Ngayon ko lang siya nasigawan ng ganyan. "I'm sorry. Siguro iniisip mo na ngayon na ako pala yung ex niya na iniwan siya ng walang paalam? Ha! Yes, oo ako nga yung ex na kinwento niya sayo." naluluha talaga siya. Kwento ko ba sa kanya? Bakit ko ba ikekwento? She's just my tutor. Girlfriend ko siya pero alam kong kunwari lang yon. Joke joke lang yon. Pero kahit hindi ko alam ang gagawin, kinwento ko pa rin sa kanya ang nangyari a few months ago.

Flashback:

Ngayon na ang ika-isang taon simula ng maging kami ni Camille. May hinanda ako para sa kanya. Reregaluhan ko din siya ng mga lipstick na gustong gusto niya. May surprise din ako sa kanya mamaya. Tiyak ko na magugustuhan niya talaga ito. Sobrang mahal na mahal ko talaga ang babaeng ito.

Ang venue nga pala ay kung saan niya ako sinagot. Syempre sa may park.

"Hi babe! Goodmorning!" tinawagan ko siya.

"Goodmorning babe! Wala ka bang naaalala ngayon?" pagsagot niya. Syempre kunwari hindi ko naaalala. May surprise nga ako diba?



"Huh? May ano ba ngayong araw babe? Wait let me check on my phone. It's April 7, nothing special." pagpapanggap ko. Natatawa nako sa mga sinasabi ko.

"Okay fine." binabaan niya ako. For sure galit na naman to sakin kasi hindi ko naalala ang anniversary namin pero parte talaga ito ng plano ko.


Plano ko din siyang yayain mamaya sa may mall at dun magpalalipas ng oras hanggang maging 10 ng gabi.


Timecheck: 5:47 pm.


Sunduin ko na kaya siya? Miss na miss ko na yon eh, gustong gusto ko na siyang makasama.


Kaya nagpasya akong pumunta na sa bahay nila.


Nag door bell na ako ngunit walang sumasagot.


Kaya napagpasyahan kong pumasok na sa loob ng bahay nila.


Ang naabutan ko doon ay siya kasama ang boy best friend niya. Sobrang naiiyak nako. Sobra na ang nakikita ko. Hindi ko na kinakaya ang nakikita ko. Nakita ko siya na nakikipaghalikan sa best friend niya. Gustong gusto ko ng umalis pero ayaw gumalaw ng mga paa at binti ko upang lumabas na at balewalain ang nakita ko. Nadadala lang siya ng emosyon niya siguro. Sa tagal na niyang nakasama ang best friend niya na yon, natempt lang siguro siya dahil sila lang dalawa ang narito sa bahay nila.



Papalabas na sana ako ng bigla niya akong tinawag.


"Babe... Babe... Sorry babe...  Babe... Di ko sinasadya..." sabi ni Camille. So kung hindi pa pala ako pumunta dito baka sakaling makabuo na sila. Tangina niya.


Hindi ako iiyak. Bakit ba ako iiyak? Ng dahil sa kanya?  Never akong iiyak sa harapan mo.


Pinigilan ko ang sarili kong umiyak sa harap nilang dalawa. Tiningnan ko lang siya tsaka ko tinanguan ang best friend niya.


Umalis nako ng bahay nila. Pumunta ako sa lugar kung saan ko dapat siya isusurprise. Dun ako nagwala. Dun ako nagsusumigaw. Dun ko inilabas lahat ng sakit at puot na nararamdaman ko ngayon. Sinira ko ang ipangsusurprise sana sa kanya. Baka siguro matagal na niya akong niloloko.



Pagdating ko sa bahay, sinabi ko kila mommy na kahit ngayong bakasyon lang dun muna ako sa US. Hindi ko na rin muna pinagpatuloy ang pag aaral ko kaya first year college na naman ako.


End of flashback

"I don't know why. Simula ng malaman kong best friend mo na pala siya kanina sa cafeteria, nagulo ang mundo ko. Hindi pa ako nakakamove on sa kanya simula ng makita ko siya, parang bumalik lahat ng sakit. Na pati sayo naibuhos ko na rin. Akala ko nawala na to nung nag punta ako sa States pero hindi pa pala." napahagulgol ako sa kanya. Nagulat ako ng yinakap niya ako. Nakakagaan ng pakiramdam. Ayoko ng ganito. Ayokong umiiyak ako dahil sa isang babae. Nakakabakla yun.

Kaya I started a joke,"Flat chested ka pala?" nagulat siya sa sinabi ko. Natawa na lang ako. Humiwalay siya sa akin.


"Tangina mo!" sigaw niya at lumabas na ng kotse. Nainis siya. Natawa na lang ako. Nanjojoke lang ako. Ayoko ng ganong atmosphere eh.

Pero salamat sa kanya, medyo gumaan ang loob ko dahil pakiramdam ko, may isang taong nandyan at nakakaintindi sa akin.

---

Matalino & Bobo At The Same TimeWhere stories live. Discover now