Chapter 5

31 3 0
                                    

What a sunny day! Kagigising ko lang. Ang ingay ng alarm clock. Syempre, nagalarm pa kung hindi mag iingay!

Tinatamad pa ko pero kailangan kong pumasok. Bawal tatamad tamad kapag college ka na.

Ginawa ko na yung mga morning rituals ko. Then naligo. Nagbihis. Nag-ayos din syempre. Pero hindi ako nagmemakeup. Ayaw ko. Pampatigyawat lang yun haha.

Bumaba na din ako at nagsimula ng kumain. Patapos na ko ng may marinig akong bumusina. Lintik, naman oh! Sino bang istorbo ito?

Pumunta nako sa pintuan at binuksan ito.

Nakita ko lang naman sa labas ng gate at nakasandal pa siya sa kotse niya. Wow, iba talaga pag RK. Syempre, sino pa ba? Si Ivan-o. Langya, nakakawalang gana ng araw kapag siya ang unang makikita mo.

"Hoy, anong ginagawa mo dito?" pasigaw na tanong ko. Nasa pintuan pa rin kase ko.

"Oh anak, may bisita ka pala, papasukin mo muna," sabi ni mama. Nasa likuran ko na pala siya.

"Ma, bwisita yan. Bwisita," sabi ko pa. Totoo naman. Nagulat ako ng makitang nandito na siya sa harapan ng pintuan namin. Akmang magmamano, ngunit pinigilan ko.

"Ops, teka teka. Anong ginagawa mo ha? Shoo sh---"

"Anak, ganyan ba ang tinuturo ko sayong manners? Sadyang napakagalang nitong batang ito. Bakit mo naman ginaganyan?" Magalang? Eww. Siya magalang? Gunaw na ba ang mundo. Napailing na lang ako dahil ayaw kong sinasagot ang nanay ko. Hinayaan ko na lang na magmano siya.

"Hi po tita, goodmorning po. Ang ganda niyo po ngayon, kasing ganda ng umaga," WTF? Bolero ang lintik.

"Hijo, hahaha ano ka ba. Syempre kaya maganda rin ang anak ko eh. Pagpasensyahan mo na iyan hijo ha?" pagkausap ni mama sa lalaking bwisita.

"Haha, halata nga po. Kaya ko po nagustuhan ang anak niyo." wtf?! Konting konti na lang. Nagtitimpi na lang ako.

Ivan Danielle's POV

"Haha. Nakakatuwa ka talaga hijo. Ang saya saya mo kausap," sabi sa akin ng mama ni Pringles.

"Haha, ah sa totoo lang po, gusto ko na pong maging legal kami. Alam na din po nila mommy na kami na po," nakita ko ang pagkagulat ni Pringles sa sinabi ko. Gusto ko siya, oo. Pero aaminin ko, loko loko lang talaga ako. Hindi ako seryoso sa kanya.

"May boyfriend na pala itong anak ko, mabuti naman at nakamov---" hindi na niya naituloy ang sasabihin ng mama ni Pringles ng mapansin niya na naiiyak na ito.

Wala namang nakakaiyak sa pinag uusapan namin ng mama niya ah?

Hindi na kumibo ang mama niya pero niyakap niya ito. Naguguluhan na ko sa pangyayari.

"Pringles, okay ka lang? Oy pasensya na kung may nasabi akon---" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil tumalikod na siya at pumasok na sa loob ng bahay nila. Ilang sandali lang, bumalik na siya at dala dala na niya ang bag niya. Nilagpasan niya lang ako at hindi pinansin. Nagpaalam na rin ako sa mama niya para masundan ko na siya.

Pringles, tears of joy ba iyon? Nakaramdam ako ng parang may kung ano sa tiyan ko. Eww, so gay.

***

Pringles' POV

Fuck. Naalala ko na naman yon. Shit.

Ayoko na, ayoko na.

May atraso pa 'yang Ivan na yan sakin kahapon. Akala niya siguro nakalimutan ko na. Ayun na lang ang sasabihin 'kong excuse kapag tinanong niya kung bakit di ko siya pinapansin. Nakaramdam ako ng parang may sumusunod sa akin. Kotse ni Ivan.

Di ko talaga siya papansinin.

"Pst."

Langyaaa! Magcocommute na lang ako. Ayaw kong makasabay tong ugok na to. Nabibwiset ako sakanya.

At saka pag sumabay ako, baka may gawin na naman siya sakin.

May dumaang tricycle. Dapat pumara ko.

"Hoy, Pringles. Sumakay ka na. Malelate na tayo," at dahil sa sinabi niya. Naalarma ako. Ayaw kong ma-late ngayon. Malayo layo pa naman iyong school.

Sumakay na agad ako sa kotse niya. Naks. Ang RK talaga nito.

***

Nakadating na kami sa school. MSI.

Syempre, bago pa siya may gawin sakin. Inunahan ko na siya. Bumaba na agad ako. Naglalakad nako papasok ng school ngunit may asungot na namang nakasunod sa akin.

"Hey, baby. Don't be like this. We're in a relationship remember," sabi niya with matching taas kilay pa.

Nakakairita. Hindi ko na lang siya pinansin at mas lalo kong binilisan ang lakad ko.

***

Nakarating ako ng room ng matiwasay sa room namin. Bigla na lang nawala yung Ivan-o na yon.

At sakto, nung dumating siya, pumasok na rin ang prof namin.


Napatingin ako kay Van, at teka, nakatingin din siya sakin. Bago niya ilihis ang pangin niya, nakita ko, kinindatan niya ko. Nakakawala ng gana mag aral.

---



Matalino & Bobo At The Same TimeWhere stories live. Discover now