Chapter 6

30 2 0
                                    

"Hindi ko pa kayo nakikilala lahat. Siguro may ilan ilan naman na akong kilala dito, kaya may naisip ako," sabi ng teacher namin. Ano na naman ito? Baka introduce yourself ito? Ano kami? Elementary? High school? Oh come on, we're college na po lols.

"May ginawa ako ditong box na may butas sa gitna na parang alkansya. Pero ang mga nakalagay dito ay mga piraso ng papel kung saan nakalagay ang mga pangalan niyo," dagdag pa ni Sir.

Lintik kadaming alam ng gurong ito. Madaming nagbulungan. Halatang alam ko na ang mangyayari dito ah. Bubunot siya tapos iyon ang sasagot sa tanong niya. Huu panghigh school lang to. Marami ring di sang-ayon sa sinabi ni Sir. Ngunit ang mas nakapagpagulantang sa karamihan ay ang sinabi ni Sir...

"Pero kung sino ang tawagin ko, tatawag naman kung sino ang magsasagot ng katanungan ko," luh. Mahirap to. Parang laglagan ang mangyayari dito ah. Malalaman na kung sino ang nagpaplastican haha.

Nangyari na nga ang nais ni Sir. Ang dadali lang naman ng mga tanong eh bakit kaya hindi nila alam ang sagot. Pero nakakapagtaka lang ni hindi ako natatawag o nabubunot. Gustong gusto ko pa namang sumagot.

"Okay, ang nabunot ko si... Ivan Danielle," sabi ni Sir. Napatingin ako sa kanya. At nakangisi ito na nakatingin sakin.

Tugdug... Tugdug... Tugdug... Ano ba ang nangyayari sa akin? Bakit, bakit bumibilis ang tibok ng puso ko? Wala to haha, mukhang kinakabahan lang siguro ako dahil sa pangisi ngisi at patingin tingin niya, mukhang may binabalak eh.


"Sir, si Pringles po," lintik sabi na nga ba eh. Di ko to papansinin hanggang mamaya. Hayup siya.



"Madali lang naman ito Pringles, why did you take up this course?" tanong ni sir.


Bakit nga ba?



"Because, I know, this is what I want to be in the future. This is my passion. Because, I know,  this is where I belong," pagkasabing pagkasabi ko non, bigla silang nagpalakpakan. Ehem ehem, sinagot ko lang naman to with a heart eh haha.

"Great answer, Miss Pringles. So class, she is right. You just have to know what you want in the future. And also, kung san kayo masaya at kung san kayo nageenjoy. This is enough. Goodbye."


Yipeeee! Ang galing ko hahaha. Pero totoo, sinagot ko lang naman siya with a heart eh.

Ang sarap sa pakiramdam nito. 'Yung tipong tumama ka sa lotto. Chos! Grabe naman yun haha.



Kaunti na lang ang nandito sa room at ang iilan ay inaayos na ang gamit nila para lumabas. Inayos ko na rin ang mga gamit ko para lumabas at pumunta sa caf.



"Hi baby," sino pa ba? Edi yung bano.


Hindi ko pa rin siya pinapansin hanggang ngayon. Nakakairita.


"Di ka ba talaga mamamansin? May tatanungin lang naman ako," sabi niya, naka-pout pa yan ha.


"Ano na naman? "

"Meron ka ba ngayon? Ang init ng ulo mo eh," seriously? Ayan talaga ang tatanungin niya? Di ko na lang siya pinansin. Inirapan ko lang siya.



Pinagpatuloy ko na lang ang pag aayos ng mga gamit ko. Nang matapos ako mag-ayos, binitbit ko na ito at naglakad na palabas.


Nakakailang hakbang pa lamang ako, hinarang na niya ako. Hinarap ko na ulit siya. "Ano ba problema mo?" inis kong tanong.


"Eto na nga kase yung tanong ko"


"Diba nagtanong ka na kanina?" kunot pa rin noo ko. Naiinis na talaga ako.


"Eh? Hindi pa yun yung tanong ko eh"



"Fine ano ba kase yon? Nang magtigil ka na. Nakakasira ka ng panahon."


"Ouch, ang sakit," OA niyang pagkakasabi. May pa-hawak hawak pa yan sa dibdib niya at umaarte na akala mo ay talagang nasasaktan.


Inirapan ko ulit siya. Lalagpasan ko na sana siya ng sabihin na niya ang tanong.


"Bakit ka ba umiyak kanina?"





Dahil doon, natigilan ako. Sa paraan ng pagtatanong niya, kitang kita ang lungkot sa kanyang mga mata. Kitang kita kung gaano siya ka-seryoso at animo'y siya ang nasasaktan.


I tried to focus on the question. Bakit nga ba ako umiyak kanina? Kailangan niya pa ba iyong malaman? Ano ba kami? Hindi namna kami mag ka-ano ano. Bakit ba concern siya? Bakit parang may nagsasabi sa akin na sabihin ko ang dahilan? Bakit parang sobrang hirap alalahin ang dahilan?


---






Matalino & Bobo At The Same TimeWhere stories live. Discover now