Chapter 15

8 0 0
                                    

*Ringgggggg! Ringgggggggg!*

May tumatawag sa phone ko. Unknown number.

"He-Hello?" kabado kong tanong. Baka kung sino na ito eh.

[Hi Ma'am, Is this Miss Pringles Makalunok?]

"Y-Yes, Ma'am. How can I help you?"

[This is Black Monte's Company. We have an offer to you. Please go to the this company immediately. Thank you.]

The call ended.

Wow. This is woooow. Black monte's Company offers me to their company. You know, the Black Monte. It's BLACK MONTE'S, THE BIGGEST AND WORLDWIDE KNOWN COMPANY NOT JUST IN THE PHILLIPINES BUT TO THE WHOLE WORLD!

Agad akong naligo at nagbihis ng naaayon sa pupuntahan ko. Nagprint na din ako ng resume ko. Wow kinakabahan ako. This is it.

Malaking oportunidad ito. Hindi ko ito palalagpasin.

Nagpunta na ako sa kumpanya na iyon.

"Ahm, hi Miss. I'm Pringles Makalunok," sabi ko dun sa babae.

May kinausap siya at tumatango tango pa nga.

"This way, Ma'am." tumango na lang ako bilang sagot.

Nagpunta na ako sa sinasabi nung babae.

Doon, nakita ko ang isang babae at pinaupo niya ako.

"Hi Ma'am, this is a big offer since you're just a fresh graduate. But our President insist to get you to work in our company." tumango tango lang ako. Sino nga ba ang boss dito? "Thanks for your privelege to come over here. By the way, let's get direct to the point. Here's the contract. You have to read this for you to know what's your job doing. I'm going back," habang sabi niya tapos tumalikod na at naglakad papalayo.

Binasa ko ang binigay niyang kontrata.

I will become a personnel in this company.

Pwede ding tumaas ang posisyon ko kung pagbubutihan ko.

5 years ang kontrata.

Mataas naman ang sweldo ko.

Maayos naman ang trabaho na gagampanan ko.

Maayos naman ang kumpanya na ito. Sila ang nagpoproduce ng mga wines, alak, etc. Kilalang kilala sila sa paggawa nito at sa maayos na pamamalakad ng kumpanyang ito. Maayos silang makipag-usap. Kapag nag-invest ka sa company na ito, tiyak yayaman ka talaga.

Hmmm, isip isip, gusto ko ba dito? Ahh kung tatanungin ang sweldo, malaki siya and every kinsenas ang payday.

So nakapagdecide na ako, it's a yes.

Pagkatapos kong mag-isip-isip, bumalik na ulit ang babae.

"So ano? Tatanggapin mo ba ang offer namin?"

"Yes, I'll take it." I finally said and I smile at her.

Pinirmahan ko na ang kontrata.

"When will I start?"

"You'll be starting tommorow."

Umalis na ako ng kumpanyang iyon. Ang saya ko dahil may trabaho na ako.

Nakadating na ako ng bahay. Kumain lang ako at nagpunta na sa kwarto. Hmmm, I have to think. Bukas nako magtatrabaho. So I think, magpapaparty ako sa isang bar. Just girls.

Tinext ko na sila lahat at lahat naman umokay sa sinabi ko. Nagtanong sila kung bakit pero hindi ko sinabi. Balak ko itong sabihin mamaya.

Nung nag 7 na, naghanda na ako. I wear a dress, and may konting hills na shoes.

Tinawagan ko na ang kaibigan ko at nagpasundo na lang ako sa kanya.

***

"Hoooo! Cheers!" sabay sabay naming sabi.

"Hmm, para saan nga ba ang celebration na ito?" tanong ni Ynnah. Isa sa mga tropa ko.

"Eh bakit hindi niyo tanungin ang nagpatawag sa atin dito?" sabat naman ni Marie.

Lahat sila ay tumingin sa akin. Nagaabang ng mga sagot.


"HAHAHA, chill lang kayo guys, eto na nga sasabihin ko na. Tomorrow is my start of my work in the company of Black Monte's!" sabi ko na natatawa pa at naeexcite.

"Woahhhh! That was fast! Ang galing mo!"

"Pano ka natanggap?"

"bilib na talaga ako sayoooo!"

Nagkibit balikat na lang ako habang nakangiti dahil sa mga reaksyon nilang sobrang manghang mangha.

"Cheersssssss!"

*beep beep*

"Oh wait guys, nandito na pala si Mecca. Puntahan ko siya sa may labas. Baka hindi tayo makita haha." paalam ko sa kanila. Nagtext kase si Mecca na nandoon na daw siya.


Umalis na ako at pumunta na sa labasan ng bar. Sakto naman at nakita ko siya.

"Hey, so what's this party for?" tanong niya pagkakita sa akin.

"Sabihin ko mamaya HAHA."


"oh-kay" weird siya na tumango tango.

Pumasok na kami sa bar. Papunta na sana kami sa VIP room pero may nakita ako.


Nagpaalam muna ako kay Mecca at tinuro ang daan papunta sa VIP room.

Parang siya yun ah.

Pinuntahan ko yung taong ito.

At totoo nga. Siya nga. Nakita ko siya habang nakikipaghalikan sa babae. Nakita ko ang boyfriend ko. Nakita ko si Connor na nakikipaghalikan. Nakita ko si Connor na nakikipaghalikan kay Dancy, ang malupit kong karibal noon pa man bago pa maging kami.


May kumirot sa puso ko. May tumulong tubog mula sa mga mata ko.


Bakit si Dancy pa? May relasyon ba sila?

---


Matalino & Bobo At The Same TimeWhere stories live. Discover now